New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Page 1 of 2 12 LastLast
Results 1 to 20 of 28
  1. Join Date
    Aug 2007
    Posts
    675
    #1
    Hi guys, the water utilities have dug out huge portions of metro manila, kaso hindi naman nila binalik ang mga kalye ng mabuti

    I pass by sta mesa, ang daming hinukay sa mga sides na tinabunan lang, hindi na inayos ng mabuti, kaya tuloy hindi magamit ng husto yung kalye. Sa ortigas, sa bandang de castro, ang laki ng baku-bako ng area sa gitna dahil rin dito.

    Im not sure if they were done by maynilad or by manila water. Nasa policy ba nila ang sirain ang daan?

  2. Join Date
    Feb 2007
    Posts
    134
    #2
    this thing has been happening all over the metro... even before summer ginagawa na yan... worst part, simento binakbak nila pero lupa lang itatambak nila... sana man lang kahit aspalto...

    yung ibang hukay pa hindi tinatapos pero nag huhukay na sa ibang parte...

    ayoko man isipin pero parang ang hinahabol nila e makahukay agad... takot ata sila maunahan sa contrata e...

  3. Join Date
    Jul 2006
    Posts
    681
    #3
    pera yan mga pre.
    syempre kunwari me aayusin pero ano, babakbakin tapos lalagyan ng lupa tapos tatapalan tapos ganun ulet.
    cycle na yan eh, wala naman mga nakadikit na permit ang mga yan, kung meron man paso na or daya.
    lalo na mga mayor jan, alam nyo naman eh piggy bank yan eh

  4. Join Date
    Jan 2007
    Posts
    137
    #4
    grabe na talaga yan ! sa taft ,vito cruz,donada,leveriza,etc.....
    pag hindi mo kabisado ang lugar tyak ma-aaksidente ka sa mga hinukay na ito. madalas pa walang tambak un hukay ! buti pa sa marikina, mabilis nilang tambakan un hukay kahit sabihin na natin panay din ang hukay doon.

  5. Join Date
    Jan 2007
    Posts
    4,459
    #5
    Baka accomplice mga insurance company

  6. Join Date
    Dec 2005
    Posts
    39,174
    #6

    Tama kayo riyan bro.... Mistulang slalom na ang mga kalye rito sa atin dahil sa paghuhukay ng mga l!nt$k na iyan!....

    Dito sa may BF Paranaque/Sucat area,- hukay ng hukay at walang katapusang hukay... Kung matapos man... lupa lang ang katapat na panabon.... Kaso intersection pa malimit kaya trapik.... Ubos gasolina....

    6110:pepsi:

  7. Join Date
    Jan 2008
    Posts
    84
    #7
    MWSS strikes again Napansin ko nga lately na madami-dami na sila ulit hinukay. Dito sa Pasig, Manila Water ang concessionaire, Ayala Company. For so long, wala namang hukay. In the last 3 months sabay-sabay naman ang hukay. And naghuhukay pa ng panibago, to think na pasukan na ng schools next week so mega traffic na naman.

    Yung iba, alanganin pa yung posisyon, sa gitna ng intersection ng mga one-lane roads ang hukay. Kaya kung hindi marunong magbigayan ang mga drivers, yung simpleng right turn aabot ng more than 5 minutes sa mga baradong intersection.

    OT: Pansin ko lang, ang daming posts sa Goon Squad; sa Thumbs Up halos walang updates. Ganito na ata talaga sa Pilipinas kung mahal. Ika nga ni Alex Santos: Pilipinas, umasenso ka! Kelan kaya??

  8. Join Date
    Aug 2007
    Posts
    1,214
    #8
    Quote Originally Posted by xircom View Post
    OT: Pansin ko lang, ang daming posts sa Goon Squad; sa Thumbs Up halos walang updates. Ganito na ata talaga sa Pilipinas kung mahal. Ika nga ni Alex Santos: Pilipinas, umasenso ka! Kelan kaya??
    mas marami kasi kabulastugan dito kaya madali mapansin. may magawa man mabuti kakaunti lang at hindi nararamdaman, imo.. sana sa 2010 pag nagpalit na ng presidente umasenso na.. sensya na OT..

  9. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    40,599
    #9
    kaya yata lupa lang muna ang tinatabon is hanggang hinde pa tapos or nakumpleto yun pag latag ng linya dahil pag nag leak test sila or something eh mas madaling hukayin at mag repair then pag tapos na talaga lahat and wala ng problema saka sementuhan

  10. Join Date
    Jan 2003
    Posts
    1,973
    #10
    kaya lalong magastos tayo sa gasolina dahil sa trapik na dulot ng MWSS, dapat sila ang ang magbigay discount kasi sila ang #1 reason sa trapik, para makompensate naman ang gastos natin sa gasolina.

    dito kami sa sta. mesa, what takes us 2 mins to reach sm centerpoint at night, takes us about 15 mins on daytime. kung sa kalentong kami iikot sobrang laki na ikot plus may hukay din dun sa area, mwss at DPWH, pinagsabay pa tuloy pati alternate route trapik.


    hay....

  11. Join Date
    Aug 2007
    Posts
    675
    #11
    Quote Originally Posted by shadow View Post
    kaya yata lupa lang muna ang tinatabon is hanggang hinde pa tapos or nakumpleto yun pag latag ng linya dahil pag nag leak test sila or something eh mas madaling hukayin at mag repair then pag tapos na talaga lahat and wala ng problema saka sementuhan
    Yeah, that might be the reason... Hindi pa sila tapos...

  12. Join Date
    Feb 2008
    Posts
    5,179
    #12
    hayyy tama kayo diyan... meron din dito sa service road bicutan - sucat.

    grabihan na... parang off road yung daan! ang panget na nga dati, unbearable na ngayon! sana naman ayusin nila ito...

  13. Join Date
    Jul 2006
    Posts
    1,743
    #13
    dito samin sa marcos highway buti natapos na. yung isang minuto na drive papunta ng masinag market naging 15 to 20 mins dati. di lang malakas sa gas. mapapa away ka pa dahil sa makukulit na jeepney drivers.

  14. Join Date
    Jan 2007
    Posts
    4,459
    #14
    Napaka-tanga ng nag-plan nito. Bobo pa contractor hindi man lang ayusin yung mga bato bato minsan nasa gitna na parang sa Gilmore, almost 2 months na yata. Sarap ihulog nung mga gumagawa sa hukay na ginawa nila tapos pampahina pa sa mga business establishments syempre san nga naman sila magpapark.

  15. Join Date
    Apr 2008
    Posts
    11
    #15
    Hay naku! Na-aksidente ako dyan sa bandang De Castro sa Pasig dahil sa paghuhukay nila na yan.

  16. Join Date
    Nov 2006
    Posts
    311
    #16
    The stretch of Mabini Street in Ermita double-parking na nga mga sasakyan, sinabayan pa ng walang katapusan na hukayan! Kalbaryo po ang dumaan diyan. In the Baclaran area as well, tagal na rin ng hukay, hukay doon.

  17. Join Date
    Sep 2007
    Posts
    116
    #17
    ang pagkakaalam ko noon pag mag request ka ng service sa MWSS hihingi ka muna ng excavation permit sa cityhall. ksama dun sa permit na binayaran mo ay mga ilang sako ng cemento base dun sa huhukayin ng MWSS. After nun project, mga 2-3 wks pupunta yun contractor ng Cityhall para takpan yun hukay. Siguro sa kaso nito, malamang nagbayad din sila ng mga kaukulan mga permits sa paghuhukay, ang problema lang ay baka nagpapabid pa ang cityhall para sa contractor na magsesemento. patay tayo diyan...red tape na naman. haayy Pinas, butas butas!

  18. Join Date
    Apr 2008
    Posts
    99
    #18
    Thanks to maynilad, they had to close the sucat-bicutan service road afew mos., ago and just make it one way, darn makin't hard for those going near UPS a living hell...making you pay extra toll fee, traversing pocketfull of crater sized holes...and what do they after you might ask? they just cover it like crap! now making it worse especially during rainy season...they freakin don't care! be it magkalasug-lasug under part ng auto mo! freaggin' bast*$&$!

  19. Join Date
    May 2007
    Posts
    2,328
    #19
    Bako bako na kalye is the number one problem sa pagka kasira ng mga gulong at suspension ng mga sasakyan.

    Ang mga kalye nayan ay Tax payers money at may budget naman bakit hindi nila ginawa ng maayos.

    Kapag sinabi kong TANGA ang mga gumagawa malamang maraming magagalit dito. Kung ang excuse nila ay binulsa ang ibang pera, di gawin mo parin ng maayos kahit talong dipa lang. Kung tatanungin bakit tatatlong dipa lang instead of 15 kilometers di sabihin nilang yon lang ang nagkasya sa perang bigay, tapos sabay interview sa Media. Buking sila!

  20. Join Date
    Jul 2006
    Posts
    3,600
    #20
    When a leak developed in front of our driveway they had to break down our pebbled driveway to access the broken pipes, but from experience kasi they just cover it up with soil. This time pinapirma namin sila na they will finish it properly and cover it with pebbles the way it originally was and that we will not have to shell out money for it.

    Matigas pa rin ang ulo, it took a while, but we got it done. Still doesn't look picture perfect pero at least napwersa sila ayusin nang maigi yon.

    And the main cause for the leak? Dump trucks plying our residential street as a shortcut to Novaliches. Sira na nga ang kalye, kami pa ang hindi naisama sa paglagay ng gates (for security purposes). The houses behind us are inside the "gated" compound pero balita ko may tinirang row of houses last time I was there.

    The ironic part is that you trust MWSS with your water supply (or Maynilad, etc) but you can't trust them to do it right.

    Sta. Mesa is no different, my in-law's place is also like that. They cemented their street, which was a good few inches higher now than it was before (nagbabaha kasi pag umuulan). Nung inaayos yon my father-in-law told us their driveway was not covered by the repair, and they would have to pay if they wanted to get it done. Ang masama pa, pababa na ngayon yung driveway nila due to the elevated road surface so doon nag-iipon ang tubig kapag umuulan...

    *Shadow I think you have a point sa pagtapal ng lupa, pero ang masama doon is hindi nila sinasabi sa concerned parties kaya hindi mo alam kung iiwanan na lang nilang ganon, or babalikan pa nila para ayusin.

    In fairness naman, when I was there, kapag may mga maliliit na lubak (hindi pa malakas yung ulan), after a week natapalan na kaagad ng aspalto, which was good para wala ka na iiwasang lubak sa daily commute.

Page 1 of 2 12 LastLast
Baku-bako na kalye, c/o MWSS