New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Page 1 of 13 1234511 ... LastLast
Results 1 to 10 of 127
  1. Join Date
    Mar 2006
    Posts
    250
    #1
    Fellow Tsikoteers:

    Every single day, our neighbor parks his car in front of our garage even if they have their own carport space. Sobrang nahihirapan kami ng Wifey ko maglabas ng sasakyan kasi ang sikip din ng road. Nakiusap na kami sa may-ari ng sasakyan pero araw-araw pa ring pumaparada sa harap namin.

    Humingi kami ng tulong sa village administration at nagpalagay kami ng mga pole (cement ang base) para wala na pumarada sa harap namin. Ngunit itong magaling na kapitbahay namin, inurong lang at lagi pa rin pumaparada. Nagulat din ako at nawala na rin ang mga pole last month.

    Nagpalagay na kami ng isang malaking sign na "No Parking Along This Road" pero inuurong lang at pumaparada pa rin ang kapitbahay. Nakita naman niya minsan na hirap kaming ilabas ang sasakyan namin pero manhid yata siya.

    Guys, what can we do about this? Araw-araw, perwisyo ang dulot sa amin. Hindi maidaan sa mabuting pakiusap. Pasaway pa at minsan, sinasamaan pa ng tingin ang maid namin kapag pumaparada. Hayop talaga.

    I believe our neighbor knows that the village rules also says that parking along the road is prohibited.

    By the way, si Mr. P. Co pala ang neighbor naming pasaway. If you are also a Tsikot member, sana naman maging mas sensitive ka. Walang nang-aabala sa inyo kaya sana huwag ka ring mang-abala ng iba. Executive ka pa man din pero hindi ka marunong sumunod sa simple rules.:starwars:

    Here's the pic of Mr. Co's Everest with Plate No. ZAZ-**3. Sa harap, commemorative plate na nakasulat P**T.



    Anyway, hope you guys can give us ideas on how to deal with this.

  2. Join Date
    Jan 2003
    Posts
    1,973
    #2
    have it towed. dati dun sa lumang bahay namin, meron isang lumang ford escort lagi sa harap ng bahay namin pinaparada. ok lang naman sa amin dun sya park, ang paki usap lang naman namin sa kanya ay huwag isagad sa gate kasi L300 at fx mga oto pa namin nun at mahirap mag maniubra. pero matigas ang ulo, so every time abutan namin oto nya tinutulak namin kahit naka kambyo, yung L300 may bulbar, yun na ang pinapantulak ko. until one day lalaglag bumper nya. wla pa rin syang pake.

    kakainis mga ganyang tao. barangay captain namin wala din pake. hay

  3. Join Date
    Aug 2007
    Posts
    20
    #3
    I think the best thing to do is to file a formal complaint, and request that Mr. Co be summoned into a meeting w/ you and the village administrators.

  4. Join Date
    Sep 2005
    Posts
    939
    #4
    Tow tow tow!!! Tow Tow tow!!!

  5. Join Date
    Jan 2007
    Posts
    4,459
    #5
    Butasin mo gulong hahahahaha or lagyan mo sa windshield ng papel na may nakasulat na "KAPAL NG MUKHA MO MAS MAHAL AUTO KO SAYO" hahahahahaha

    Pa-tow mo sa Viray Towing hehehehehe lagot yan

  6. Join Date
    May 2006
    Posts
    357
    #6
    pako lang katapat nyan =p

  7. Join Date
    Apr 2005
    Posts
    13
    #7
    butasin apat na gulong

  8. Join Date
    Dec 2003
    Posts
    11,316
    #8
    seriously, pag binutas mo gulong nya ikaw ang maging masama nyan at pag nagkita man kayo sa mediation, ikaw ang dududahan shempre.

    tulad ng sabi ng isang poster, magkita nalang kayo sa village admin nyo at dun kayo mag usap ng maayos para may witness din.

  9. Join Date
    Sep 2004
    Posts
    338
    #9
    best thing to do is to confront him again and ask him what his problem is. people that are acting like that usually has a problem. either domestic or at work.

  10. Join Date
    Sep 2005
    Posts
    1,455
    #10
    question lang, anong rason nya at bakit sa harap ng bahay nyo sya naka-park kung meron naman syang sariling parking slot?

Page 1 of 13 1234511 ... LastLast
Araw Araw na Abala - Garapal Parking