6 nakaparadang taxi, inararo ng sports car ng British national sa QC
Last Updated on Friday, 21 September 2012 07:56
Friday, 21 September 2012 07:52
FacebookTweetEmailShareThis
Inararo ng isang sports car ang anim na mga taxi sa kahabaan ng EDSA, Cubao, Quezon City kaninang madaling araw.
Ayon sa mga nakasaksi, mabilis ang takbo ng nasabing sports car na minamaneho ng isang British national nang bumangga sa mga nakaparadang taxi.
Sugatan naman ang isang Ismael Garcia makaraang pumalo ang ulo nito sa manibela ng kotse.
Patong na patong na kaso ang kakaharapin ng lasing na British driver.