Araw araw pa naman ako dumadaan dito. Dami na rin close calls like tatamaan na ako ng bus na biglang nagswerve bigla akong preno tsk tsk tsk.
Tapos mga pedestrian na sa malayo ay titigan ka at siyempre flasher ka at busina, Sabay tatakbo ng mabilis so preno ka. Sabay bulong "I almost killed someone."
Dapat sa commonwealth may CCTV + Enforcers bawat 200meters . Tapos supersensitive dapat ng mga traffic rules diyan. Ok lang ako maticketan kahit simple lang basta lahat kami sumusunod.
Tapos dapat ban na ang pagtawid, Kulong ng isang araw ang tatawid + fine. Pag walang pangbayad kulong 1 week. second offense 1 month kulong. 3rd offense RECLUSION PERPETUA kidding.
Dapat commonwealth ang pinaka-strict na traffic rules sa buong pilipinas. Anu ba naman ang maglagay ng sandamakmak na enforcer at pulis sa kahabaan ng commonwealth?