New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Page 3 of 9 FirstFirst 1234567 ... LastLast
Results 21 to 30 of 81
  1. Join Date
    Sep 2004
    Posts
    628
    #21
    ahh, ako isa lang memorable : yung sinto sinto sa BF Paranaque near Tropical Hut na bumato sa kotse ko (cost me a good deal of cash for participation in my insurance claim).

    buhay pa kaya yun? nate-tensyon pa din ako pag dumadaan ako dun eh ..

  2. Join Date
    Feb 2006
    Posts
    3,177
    #22
    Yung mga nambabato sa C5, di urban legend yon. Totoo yon. Grabe kamahal ng BMW windshield... :swear:

  3. Join Date
    Jun 2006
    Posts
    235
    #23
    Quote Originally Posted by 3kings
    wala yan sa experience ko, i passed by the street parallel to the railroad tracks in manila when there where still squatters in that area. biglang may humapas sa windhsield ko at may dugo pa. feminine napkin at ang nagkalat ang ebidensya.

    una nagulat ako, then imbes magalit, natawa na lang. meron pang pubic sumama sa napkin, kadiri talaga.
    YUK!,Disgusting! Baka meron pa aids.

  4. Join Date
    Jun 2006
    Posts
    235
    #24
    Quote Originally Posted by missZ
    Pinaka bwiset na nangyari sa kin hindi sa daan.

    I touched a freshly-spat loogey sa door handle ko and they smeared
    some on my windshield too.
    Disgusting di bah? next tym lagyan mo naman ng *** yung door nila.

    minsan dinuraan yung door ko lang, hindi handle. hindi ko nakita
    kung sinong dumura. siguro yung katabi ko yung nagdura, kasi yung
    truck nya ang baho at madumi, parang pinanghahakot ng basura. siguro palaging dinuduraan yung pik up truck nya. so ayon, akong ginantihan
    ng ogag, malas ko.

  5. Join Date
    Dec 2002
    Posts
    1,542
    #25
    cruising along edsa one morning, medyo traffic. then, out of nowhere merong greenish thing na bumulaga sa windshield ko. saw it coming from an ordinary bus. meron mamang nagbuga ng di kaaya-ayang likido mula sa bibig. tried to pump the washer, ayaw gumana kaya nag-stay yun dun the whole day. check ko washer ko, naubusan pala ng tubig.

  6. Join Date
    Jun 2006
    Posts
    235
    #26
    Quote Originally Posted by Boy Torotot
    ako naman, habang namamasada dyan sa may cloverleaf, may nambato sa akin ng tatlong itlog. sapol ako sa katawan. pinagmumura ko at tinangka kong nabulin pero ang tulin na nagpunta sa NLT joke! Peace sir FrankD

    seriously, i hate pedestrians na nakita na nga nila naka-go/green, tawid pa rin sila ng tawid na akala mo mga kamag-anak sila ni superman.

    awa ng Diyos, wala pa naman nambabato sa akin sa daan.

    Fast Eddie, easy lang bro sa baril. Kung di ka naman binato ng bala, pabayaan mo na, o kaya murahin mo na lang at hamunin ng suntukan. Pag hawak mo na kasi ang baril, lumalaki na ang porsiyento na ipuputok mo. Baka ma-goon squad ka pa later on. Hehe.
    Kaya ako, mula ng nagka-pamilya, iniiwan ko na lang baril ko sa bahay. Sa dami ng loko-lokong drivers at pedestrians, baka makagawa pa ko ng pagsisisihan ko later on. Nagdadala na lang ako ng itlog ngayon..Hehehe

    Cool lang tayo lahat mga bro...
    sa awa ng Diyos maranung din akong mag kool down. takot din akong
    gamitin yung gun ko. kahit papaano gusto ko lang gamitin sa self defense
    gung talagang life threatening yung sitwasyon.

    minsan lumiliko akong pakaliwa sa isang grocery store. nasa stop light at nasa only left turn lane ako, siguro mga walong cars ang layo ko sa stop light. maya, maya meron sumunod sa likod ko at binubusinahan ako, sabi ko sa isip ko bakit hindi nya ako overtakin para maka liko siya sa stop light. eh, wala naman sa harapan namin at walang nakasunod sa amin kundi sya lang. so ayaw nyang obertaken ako at binubusinahan parin ako. so, naisip nya siguro hindi pa ako makakaliko dahil meron pang dumadaan na mga oto pasalubong sa akin. so, kahit papaano inobertake na rin ako, sabay finger nya akin. piningerin ko rin siya.

    nakaliko na siya doon sa stop light at ako rin nakaliko na doon sa
    parking lot ng grocery store. hindi pa kami bumaba ng sasakyan maya maya binalikan pala akong ng mga loko, galit sila dalawang lalake.

    papalapit sila sa harap ng oto ko, nung dumaan sila sa harapan ko
    sabay pulot(abot) ko sa bag ko sa ilalim ng car seat ko. siguro nung nakita
    nila akong me inaabot sa ilalim ng car seat ko, napansin nila na baka
    meron akong dala. so ang ginawa hindi sila huminto sa harapan namin mismo,
    kundi sa tagiliran namin bandang likuran ng oto ko. nailabas ko na yung baril noon, kaya lang nakuha ni misis at tinutok niya sa kanila mula sa loob ng sasakyan namin. hindi tinted yung sasakyan namin, so nakita nila siguro
    yung baril namin.

    sabi nang misis ko sa loob, sige!, sige!, atsaka itinuro yung baril sa kanila.

    sabi ko naman sa misis, huwag mong iputok iyan, sabagay hindi pa naman nakakasa yung baril,so hindi puputok. so pagtutok ng baril ni misis sa knila, sabay tapak ako sa gasolina at sabay kabig sa manebela, sabay harurot. para iwasan na lang ang gulo. buti na lang hindi kami hinabol. :

  7. Join Date
    Oct 2004
    Posts
    1,488
    #27
    mga biglang humihinto lalo na sa coastal road/NLEX..
    mga biglang tumatawid
    mga tumatawid na parang naglalakad sa Luneta
    mga mababagal umandar kapag Go na ang stop light..lalo na pag mabilis lang yung Go.
    Jeep,bus,taxi,FX drivers...
    mga nagbike at motor na nasa gitna na walang balak tumabi...pag nasagi mo naman kasalanan mo pa..hmph..
    mga tricycle na ayaw din tumabi(sa bf homes)
    mag walang headlights sa gabi..

  8. FrankDrebin Guest
    #28
    Quote Originally Posted by BlueGirl
    mga nagbike at motor na nasa gitna na walang balak tumabi...pag nasagi mo naman kasalanan mo pa..hmph..
    Hehehe. Mapapaaway po kayo nito. :D

  9. Join Date
    Sep 2003
    Posts
    7,500
    #29
    ako kagabi bwisit na taxi yun go na kami biglang cut sa harap ko at kakaliwa pala sya buti napansin ko kaagad sya at nakapreno ako kung hindi sapol sya.

    sa inis ko hinabol ko kahit napalayo na ako nung naabutan ko tinigilan ko buti hindi sya bumaba at gumawa nang kahit anong katarantaduhan babaan ko talaga sya.

    Ginawa ko pa nauna ako sa kanya tumigil ako sa gitna nang daan madilim na kasing part yun wala na masyado dumadaan siguro mga dalawang minuti ako nakatigil buti hindi sya bumusina kahit isang beses lang .

    Dahil papatulan ko na talaga sya.

  10. Join Date
    May 2006
    Posts
    1,256
    #30
    Quote Originally Posted by Fast Eddie
    .....nailabas ko na yung baril noon, kaya lang nakuha ni misis at tinutok niya sa kanila mula sa loob ng sasakyan namin. hindi tinted yung sasakyan namin, so nakita nila siguro
    yung baril namin.
    :
    Siguro po pangalan ng misis nyo, Faster Mrs Eddie ....bilis niya bumunot kasi.

    Kidding aside, advantage din kapag marunong sa handgun ang mga misis namin di po ba? Ala Mr and Mrs Smith dating natin......

Page 3 of 9 FirstFirst 1234567 ... LastLast
anong mga kinainisan at nabad experience nyo sa daan.