New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Page 1 of 2 12 LastLast
Results 1 to 20 of 81

Hybrid View

Previous Post Previous Post   Next Post Next Post
  1. Join Date
    May 2012
    Posts
    675
    #1
    Mga kachikoteers, need lang nang advice, alam kong maraming nakakarelate sa akin dito, Kung alam nyo yung mga batang nagbibike na nakakasagi ng sasakyan tapus sorry lang ang sasabihin pagkatapus makaperwisyo. Diba nakakainis yun, hindi nagiingat tapus kausapin mo ang relatives sila pa parang galit. gusto ko turuan ng leksyon magulang eh back me up mga ka tsikoteers..

    ganito kasi yan, yung car namin nakapark sa labas ng gate, tapus may mga bata na nagba bike na may sidecar, puro bata eh walo sila, tinitignan na pala ng kapitbahay namin kasi parang makakabangga eh, yun nga di sila nagkamili mayamaya nalang booom! lakas ng tunog kupi yun right front door ng passenger seat hindi na mabuksan, sabi ng mga bata, sorry sorry tapus biglang itatakbo yung bike, ginawa namin kinuha namin yung bike tapus pinapapunta namin yung magulang, ayun pumunta magulang ng may ari ng bike, ang masaklap nun hindi pala anak nya yung nagddrive, nakasakay lang daw dun yung anak nya, hinablot daw ng kapitbahay nila, kinukuha yung bike hindi namin binigay kasi ito yung ebidensya eh pati kitang kita sa gilid ng car namin yung pintura ng bike, kaya pumayag sya na sa amin nalang muna, ngayon hinunting namin yung nagmamaneho ng bike, nakita namin kinausap namin, tita lang nya nandoon eh parang walang pupuntahan ang usapan, wala daw magulang nung bata may binili daw sa malayo, tapus ang sabi wala daw silang pera pati hindi lang daw sila dapat magbayad pati din daw yung mga magulang ng nakasakay.

    Ngayon parang lumalabas na naninisi sya ng iba, eh yung relatives nya nagmamaneho syempre kung sino yung may hawak nang manibela sya ang may responsibility, kagabi pala nangyari yun, ngayon hinihintay namin hindi naman napunta sa bahay. para tignan or kausapin kami, taga village din namin.

    Mamayang hapon balak naming pumunta sa kanila para pagusapan yung damage ng car na ginawa ng anak nya, taga village din namin kaya tatawag kami ng barangay para mapilitan lumabas at makipag usap. Ang pinoproblema ko ano kaya next step namin kung ayaw nya bayaran cashualties na ginawa ng anak nila, ano ba magandang next step mga ka brad, hindi kasi pwedeng sorry nalang eh, hindi na masakyan yung passenger seat, pati kung scratch lang baka pwede pa, kasi nabangga na din ng nagba bike ito dati at na scratch pinabayaan ko nalang, pero ngayon ayoko na kaylangan na ng may managot.

  2. Join Date
    Oct 2011
    Posts
    26,781
    #2
    Report mo na lang sa barangay sir kung anong possible na settlement na pwede niyo mapagkasunduan then claim mo sa insurance (if you have comprehensive) ung damage sa vehicle mo. Mahirap talaga pag naka park sa kalsada, prone sa ganyan. As much as possible if you can get a garage or a safe area for parking. HTH.

    - - - Updated - - -

  3. Join Date
    May 2012
    Posts
    675
    #3
    Quote Originally Posted by Retz View Post

    Report mo na lang sa barangay sir kung anong possible na settlement na pwede niyo mapagkasunduan then claim mo sa insurance (if you have comprehensive) ung damage sa vehicle mo. Mahirap talaga pag naka park sa kalsada, prone sa ganyan. As much as possible if you can get a garage or a safe area for parking. HTH.
    luma na kasi to sir, walang insurance, insurance lang sa registro meron nito. yup prone nga pag sa kalsada nakapark, kaya pag may guhit pinapabayaan ko nalang, ang problem eh hindi lang gasgas, kupi pa at hindi mabuksan pintuan. kaya malamang barangay toh mamya.

  4. Join Date
    May 2011
    Posts
    107
    #4
    barangay at police report. kunan mo ng pics yun sasakyan and yun bike. shempre dapat bayaran ng magulang nun batang nakabangga yun damages. oo aksidente pero dapat may managot diba? hindi naman pwede sorry lang. kung wala silang pera e d hulugan nila diba? ang importante dapat bayaran ng magulang. mahiya naman sana sila.

  5. Join Date
    Oct 2012
    Posts
    936
    #5
    Ang kaso niyan nasa magulang, nangyari nadin samin yan, pero samin sobrang habang gasgas dinulot nung handle ng bike sa kotse...hinayaan lang namin kasi bata, at saka hindi namin nakita personally, sinabi na lang samin may gasgas na

  6. Join Date
    Sep 2007
    Posts
    1,778
    #6
    TS, nangyari na ito sa akin dati although yung magulang ng bata sila na mismo nagpresinta na ipagawa yung kotse. Sa case mo mukhang sa baranggay na nga talaga ang option mo, kung walang pangsettle kunin mo na lang yung bike at charge to experience na lang. For purpose of settlement naman yung value na sabihin mo na sa 2500 pesos per panel.

  7. Join Date
    May 2012
    Posts
    675
    #7
    Quote Originally Posted by CoDer View Post
    Pa barangay mo, then pag nag insist na wala pera eh gamit nila ang kunin mo. TV for example, isa na rin sa mga pambayad sayo eh yung bike.
    yup, gusto nga namin ganun eh, gamit nila kapalit kung walang pera or installment nalang para naman di sila mahirapan pero may pipirmahan sila para pag di sila tumupad sa usapan mas malaking kaso diba. ang problema gusto nya marami sila magshare sa gastos pati mga nakasakay daw singilin, eh kung ganon kasi mas mahirap at matagal ang process, ang gusto namin yung nagmaneho ng bike ang singilin dahil sya ang nagddrive yun yung anak niya, yung may ari ng bike yung anak nila nakaangkas lang.
    Quote Originally Posted by InDeep View Post
    barangay at police report. kunan mo ng pics yun sasakyan and yun bike. shempre dapat bayaran ng magulang nun batang nakabangga yun damages. oo aksidente pero dapat may managot diba? hindi naman pwede sorry lang. kung wala silang pera e d hulugan nila diba? ang importante dapat bayaran ng magulang. mahiya naman sana sila.
    meron nang picture pati yung bike nasa garahe namin, hindi nila pwedeng kunin, kahit nakaangkas lang yung anak ng mayari ng bike, hindi nila pwede kunin hanggat hindi binabayaran nung batang nagdrive nito. oo nga eh dapat mahiya magulang nun, parang sila pa galit sila na nakaperwisyo hindi man lang pumunta sa bahay para magpaliwanag

  8. Join Date
    May 2005
    Posts
    1,008
    #8
    ts, bakit naka park ang kotse sa labas ng bahay?

    - - - Updated - - -

    ts, bakit naka park ang kotse sa labas ng bahay?

  9. Join Date
    May 2012
    Posts
    675
    #9
    Quote Originally Posted by ronki View Post
    Ang kaso niyan nasa magulang, nangyari nadin samin yan, pero samin sobrang habang gasgas dinulot nung handle ng bike sa kotse...hinayaan lang namin kasi bata, at saka hindi namin nakita personally, sinabi na lang samin may gasgas na
    oo sa magulang ang kaso nito. kami dami nakakita mga kapitbahay mga teacher sa tabing school, kami mismo nakita namin, kaya walang tago may responsibility pati yung ebidensya na bike nakapark na sa bahay namin.
    Quote Originally Posted by fireblade View Post
    ts, bakit naka park ang kotse sa labas ng bahay?
    dito sa village namin masikip ang garahe hindi kasya ang kotse siguro kung pagkasyahin super sikip na, halos lahat ng may kotse sa village dito nakaparada sa labas ng bahay, ang bawal dito ay double parking.

  10. Join Date
    Sep 2005
    Posts
    3,829
    #10
    Pa barangay mo, then pag nag insist na wala pera eh gamit nila ang kunin mo. TV for example, isa na rin sa mga pambayad sayo eh yung bike.

  11. Join Date
    Mar 2010
    Posts
    287
    #11
    Quote Originally Posted by rukawa11 View Post
    Mga kachikoteers, need lang nang advice, alam kong maraming nakakarelate sa akin dito, Kung alam nyo yung mga batang nagbibike na nakakasagi ng sasakyan tapus sorry lang ang sasabihin pagkatapus makaperwisyo. Diba nakakainis yun, hindi nagiingat tapus kausapin mo ang relatives sila pa parang galit. gusto ko turuan ng leksyon magulang eh back me up mga ka tsikoteers..

    ganito kasi yan, yung car namin nakapark sa labas ng gate, tapus may mga bata na nagba bike na may sidecar, puro bata eh walo sila, tinitignan na pala ng kapitbahay namin kasi parang makakabangga eh, yun nga di sila nagkamili mayamaya nalang booom! lakas ng tunog kupi yun right front door ng passenger seat hindi na mabuksan, sabi ng mga bata, sorry sorry tapus biglang itatakbo yung bike, ginawa namin kinuha namin yung bike tapus pinapapunta namin yung magulang, ayun pumunta magulang ng may ari ng bike, ang masaklap nun hindi pala anak nya yung nagddrive, nakasakay lang daw dun yung anak nya, hinablot daw ng kapitbahay nila, kinukuha yung bike hindi namin binigay kasi ito yung ebidensya eh pati kitang kita sa gilid ng car namin yung pintura ng bike, kaya pumayag sya na sa amin nalang muna, ngayon hinunting namin yung nagmamaneho ng bike, nakita namin kinausap namin, tita lang nya nandoon eh parang walang pupuntahan ang usapan, wala daw magulang nung bata may binili daw sa malayo, tapus ang sabi wala daw silang pera pati hindi lang daw sila dapat magbayad pati din daw yung mga magulang ng nakasakay.

    Ngayon parang lumalabas na naninisi sya ng iba, eh yung relatives nya nagmamaneho syempre kung sino yung may hawak nang manibela sya ang may responsibility, kagabi pala nangyari yun, ngayon hinihintay namin hindi naman napunta sa bahay. para tignan or kausapin kami, taga village din namin.

    Mamayang hapon balak naming pumunta sa kanila para pagusapan yung damage ng car na ginawa ng anak nya, taga village din namin kaya tatawag kami ng barangay para mapilitan lumabas at makipag usap. Ang pinoproblema ko ano kaya next step namin kung ayaw nya bayaran cashualties na ginawa ng anak nila, ano ba magandang next step mga ka brad, hindi kasi pwedeng sorry nalang eh, hindi na masakyan yung passenger seat, pati kung scratch lang baka pwede pa, kasi nabangga na din ng nagba bike ito dati at na scratch pinabayaan ko nalang, pero ngayon ayoko na kaylangan na ng may managot.
    1st of pag nakapag ka sa kalsada expect the worst kaya hanggat maaari wag na wag mag park sa kalsada kasi hindi natin pag aari yun.

    2nd bawal yung ginawa mo na pag kuha ng bika baka kasuhan ka pa nila.

    3rd since bata mga yun expect mo nalang na charge to experience yan dahil hindi mo naman pwede kasuhan ang bata at hindi mo din mapipigilan mag laro ang mga bata sa kalsada na sinakop mo dahil sa pag park mo.

    sensya na against lang ako sa mga ma kotseng walang paradahan tapos kapag nasagi eh galit na galit.

    sa baranggay subukan mo baka mag bayad ang mga magulang pero pwede kasi nila ilaban sa iyo na naglalaro lang sila sa kalsada at di naman nila sinasadyang tamaan kotse mo.

    minsan tayong mga magulang galit na galit bakit ang mga anak natin nasa loob nalang ng bahay nag lalaro ng video games at bakit hindi nila gayahin ng panahon nila na nakakapag laro sila sa kalsada.

    which ngayon ang sagot eh dahil wala na din talaga mapag lalaruan mga bata ngayon dahil most of the side street eh puno na ng sasakyan nakaparada sa kanya kanyang harap ng bahay.

    dati pwede ka mag laro ng patintero dahil maluwag kalsada ngayon hindi na kasi half nalang ng street ang kalsada dahil sa mga sasakyan sa gilid gilid.

    hinding hindi mo pwede pagalitan mga magulang ng bata dahil hindi naman sila ang naka sagi sa kotse mo.

    for me charge to experience nalang yan

  12. Join Date
    Jun 2008
    Posts
    81
    #12
    Quote Originally Posted by vh3r View Post

    you are AFR! (absolutely f....ing right!)

  13. Join Date
    Dec 2005
    Posts
    39,174
    #13

    Bata ang nakadagi ng sasakyan....

    Saan kukunin ng mga magulang ang perang ipanghuhulog sa iyo, bro?

    Malamang kukunin sa pambili ng pagkain nila...

    Komplikado....

    Ang (dapat na) rule sa street parking "No one owns the street,- and so, may nobody use it to inconvenience anyone"

    17.8K:snow:

  14. Join Date
    May 2012
    Posts
    675
    #14

    Quote Originally Posted by CVT View Post

    Bata ang nakadagi ng sasakyan....

    Saan kukunin ng mga magulang ang perang ipanghuhulog sa iyo, bro?

    Malamang kukunin sa pambili ng pagkain nila...

    Komplikado....

    Ang (dapat na) rule sa street parking "No one owns the street,- and so, may nobody use it to inconvenience anyone"

    17.8K:snow:
    so ganun nalang ba yun, hindi naman bata kakasuhan, syempre pananagutan ng magulang yun,kaya nga ipapabarangay para madaan sa magandang usapan since na nagtatago na yung mga nagkasala. kahit sila rin naman may kotse at sa labas din ng bahay nila nagpapark dahil ang village dito walang parking area sa bahay.kaya nga nauso ang clubhouse para dun sila maglaro, meron dito clubhouse malaki may basketbulan, malaking park, pwde sila dun magtumbang preso kahit anong gawin nila, pwedeng pwede, pwde din sila magbahaybahayan dun, kung ganyan din naman pala ang katwiran eh, dapat pala ipadrive namin sa ibang bata yung bisikleta at ihampas sa kotse nila para KWITS..

    about dun sa bike na kinuha namin, alam naman namin na bawal yun 24 hrs. kelangan nareport mo na sa barangay or police, kaya nga pumunta na kami sa barangay para ireport yun, then sabi namin pano yung bike, sabi nila sa amin nalang muna, sabi namin baka naman makasuhan kami, sabi nila pumayag naman sila na dun muna sa bahay nyo yung bike and pagkukunin na nila pakausap mo muna sa aming barangay para malaman natin punotdulo.

  15. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    4,388
    #15
    alam ko liable yung parents pag bata nagkasala. kaya hindi pwedeng walang managot.

    - - - Updated - - -

    alam ko liable yung parents pag bata nagkasala. kaya hindi pwedeng walang managot.

  16. Join Date
    Mar 2010
    Posts
    287
    #16
    Quote Originally Posted by rukawa11 View Post
    so ganun nalang ba yun, hindi naman bata kakasuhan, syempre pananagutan ng magulang yun,kaya nga ipapabarangay para madaan sa magandang usapan since na nagtatago na yung mga nagkasala. kahit sila rin naman may kotse at sa labas din ng bahay nila nagpapark dahil ang village dito walang parking area sa bahay.kaya nga nauso ang clubhouse para dun sila maglaro, meron dito clubhouse malaki may basketbulan, malaking park, pwde sila dun magtumbang preso kahit anong gawin nila, pwedeng pwede, pwde din sila magbahaybahayan dun, kung ganyan din naman pala ang katwiran eh, dapat pala ipadrive namin sa ibang bata yung bisikleta at ihampas sa kotse nila para KWITS..

    about dun sa bike na kinuha namin, alam naman namin na bawal yun 24 hrs. kelangan nareport mo na sa barangay or police, kaya nga pumunta na kami sa barangay para ireport yun, then sabi namin pano yung bike, sabi nila sa amin nalang muna, sabi namin baka naman makasuhan kami, sabi nila pumayag naman sila na dun muna sa bahay nyo yung bike and pagkukunin na nila pakausap mo muna sa aming barangay para malaman natin punotdulo.

    brod with the way you answer parang sobrang kulang nalang gulpihin mo yung bata eh.

    yeah i do agree with you na may clubhouse at pwede sila mag laro doon pero ang tanong kung ikaw ba ang magulang pababayaan mo ang mga anak mo mag laro malayo sa bahay nyo? kasi ako hindi and never ko sila pinalabas ng gate namin unless may kasamang yaya.

    as per mag pa drive ng ibang bata at ihampas yung bike eh bakit di mo subukan for sure ikaw din ang makakasuhan dahil yung bata mag susumbong na ikaw ang nag utos.

    dude hindi reason ang walang parking na ginawa ang subdivision nyo dahil kung rules ang susundin mo you are not allowed to buy you own car without your own garage, pero dahil nga masyadong maluwag ang pilipinas eh pareho pareho tayong nagdudusa sa mga storbong mga nakapark sa kalsada.

    again hindi sinadya ng bata magkaroon ng gasgas kotse mo it just happen na siguro di na nila kayang pigilan yung bike kaya natumba papunta sa kotse mo.

    kaya nga sabi ko charge to experience lang yan kung sa tingin mo kaya mo naman ipaayos yung kotse mo then ok na yun pagawa mo nalang wala ka pa naging kaaway.

    and to think sabi mo nga nakita ng kapitbahay mo na naglalaro mga bata at baka matamaan yung kotse eh bakit hindi nila napigilan yung bata para paalisin kung sa tingin mo naman hindi nila tapat yun? kasi sa amin madalas ganyan din sa tapat mismo ng gate namin nag lalaro mga batang taga squater pero doon sila nag eenjoy eh pinababayaan nalang namin pero once na meron sasakyan eh pinapaalis namin at di sila pinapayagang mag laro doon.

  17. Join Date
    Mar 2012
    Posts
    1,945
    #17
    Happened to me when I was a kid.. ako mismo nasa manibela at nagdadrive. Hiniram lang namin yung bike na may sidecar, nasa labas kami ng Cavite Coliseum, parents were attending a religious fellowship. Ipapark ko dapat yung bike, puno yung bike kasi marami kaming magpipinsan na nakasakay, may nagtutulak na dalawa or tatlo. Since it was my first time to drive a 3 wheeled bike, mali ako ng kalkula at nabangga ko sa rear bumpers yung nakapark na kotse. Labas yung driver at tinignan yung tama. Dent sya, di kami pinaalis at hinintay parents ko to settle. Usap sila and my father paid for the damages after the owner had it repaired.

    At your case, kahit marami pa silang sakay and even the bike is owned by somebody else, yung nagdadrive pa rin ang dapat magbayad (parents of the kid actually). Wala ka naman pede ikaso sa bata kasi menor de edad yan. Kelangan lang talaga daanin nyo sa magandang usapan kung pano ang bayaran. Di mo rin dapat kunin yung bike at iconsider na bayad sa damage kasi iba naman may-ari nun, don't treat it like it's a motor vehicle. Worst case nyan, charge to experience na nga lang kasi mukhang walang kaso na maisasampa sa menor de edad.

  18. Join Date
    Oct 2008
    Posts
    1,958
    #18
    Quote Originally Posted by rukawa11 View Post
    Mga kachikoteers, need lang nang advice, alam kong maraming nakakarelate sa akin dito, Kung alam nyo yung mga batang nagbibike na nakakasagi ng sasakyan tapus sorry lang ang sasabihin pagkatapus makaperwisyo. Diba nakakainis yun, hindi nagiingat tapus kausapin mo ang relatives sila pa parang galit. gusto ko turuan ng leksyon magulang eh back me up mga ka tsikoteers..

    ganito kasi yan, yung car namin nakapark sa labas ng gate, tapus may mga bata na nagba bike na may sidecar, puro bata eh walo sila, tinitignan na pala ng kapitbahay namin kasi parang makakabangga eh, yun nga di sila nagkamili mayamaya nalang booom! lakas ng tunog kupi yun right front door ng passenger seat hindi na mabuksan, sabi ng mga bata, sorry sorry tapus biglang itatakbo yung bike, ginawa namin kinuha namin yung bike tapus pinapapunta namin yung magulang, ayun pumunta magulang ng may ari ng bike, ang masaklap nun hindi pala anak nya yung nagddrive, nakasakay lang daw dun yung anak nya, hinablot daw ng kapitbahay nila, kinukuha yung bike hindi namin binigay kasi ito yung ebidensya eh pati kitang kita sa gilid ng car namin yung pintura ng bike, kaya pumayag sya na sa amin nalang muna, ngayon hinunting namin yung nagmamaneho ng bike, nakita namin kinausap namin, tita lang nya nandoon eh parang walang pupuntahan ang usapan, wala daw magulang nung bata may binili daw sa malayo, tapus ang sabi wala daw silang pera pati hindi lang daw sila dapat magbayad pati din daw yung mga magulang ng nakasakay.

    Ngayon parang lumalabas na naninisi sya ng iba, eh yung relatives nya nagmamaneho syempre kung sino yung may hawak nang manibela sya ang may responsibility, kagabi pala nangyari yun, ngayon hinihintay namin hindi naman napunta sa bahay. para tignan or kausapin kami, taga village din namin.

    Mamayang hapon balak naming pumunta sa kanila para pagusapan yung damage ng car na ginawa ng anak nya, taga village din namin kaya tatawag kami ng barangay para mapilitan lumabas at makipag usap. Ang pinoproblema ko ano kaya next step namin kung ayaw nya bayaran cashualties na ginawa ng anak nila, ano ba magandang next step mga ka brad, hindi kasi pwedeng sorry nalang eh, hindi na masakyan yung passenger seat, pati kung scratch lang baka pwede pa, kasi nabangga na din ng nagba bike ito dati at na scratch pinabayaan ko nalang, pero ngayon ayoko na kaylangan na ng may managot.
    Pa barangay ka. If no settlement, get a certificate to file action while you have your car repaired. Get all the receipts and if not more than 100K, go to the nearest 1st level court, i.e. MTC, MCTC, MeTC and file a claim under Small Claims. There is a form there for the plaintiff (meaning, the one suing or making a claim), fill it out and submit if the the court. Be sure you have with you the receipts and the certificate to file action. Wag ka na makipag deal sa mga bata, parents lang, baka ma child abuse ka pa. Good luck!

  19. Join Date
    May 2006
    Posts
    6,940
    #19
    Ano ba trabaho ng magulang ng bata boss? Ay btw may trabaho nga ba?

  20. Join Date
    Jun 2011
    Posts
    4,513
    #20
    Quote Originally Posted by ab_initio View Post
    Pa barangay ka. If no settlement, get a certificate to file action while you have your car repaired. Get all the receipts and if not more than 100K, go to the nearest 1st level court, i.e. MTC, MCTC, MeTC and file a claim under Small Claims. There is a form there for the plaintiff (meaning, the one suing or making a claim), fill it out and submit if the the court. Be sure you have with you the receipts and the certificate to file action. Wag ka na makipag deal sa mga bata, parents lang, baka ma child abuse ka pa. Good luck!
    AFAIK pag small claim below 20k may form ka lang pipirmahan sa Office of the Clerk of Court ng MTC.... pero in 2 weeks time may Order or decision na agad yan... kaso nga lang civil in nature lang yung case... at yung criminal aspect dapat e-waive mo pa. bago lang ito... hindi ko pa masyado kabisado details.. pero taga lower court ang nagbangit sakin nyan.... and he's reliable naman..... may lumapit kasi sakin nagpapatulong re. small claims sa taga mtc ko linapit....

    sa T.S. ask ko lang po... saan po nangyari anong city?

car kong nakapark binangga ng bike, kupi!