
Originally Posted by
Laser_Ramon
medyo ot:
iba naman ang kuwento ng friend ko tungkol sa mga volunteer firefighters. Yung mga hinayupak na local/gov't firefighters ay may negotiation pa kung magkano ang ibabayad nung nasusunugan bago nila pasukin yung bahay na nasusunog. Hindi tulad nung mga volunteer firefighters, talaga namang sumusugod agad sa apoy. Nung mapasok na nung mga volunteer yung bahay, sumabay na yung mga gunggong na local gov't firefighters. anak ng tinapa, paglabas nung mga local gov't. firefighters nang napatay na yung apoy ay biglang kumapal ang mga suot nilang jacket?!?!. kaya pala kumapal eh ninanakaw na pala yung mga gamit sa bahay. pati mga bumbilya, pinatulan. yung isa akala mo buntis ayun pala may rice cooker sa ilalim ng jacket. hindi na lang maka-react yung friend ko dahil sa shock dun sa sunog at yung pinag-gagawa nung mga ungas na yun eh. mabuti pa yung mga volunteer firefighters hindi humihingi ng kapalit sa oras ng pangagailangan.