Quote Originally Posted by XTO View Post
Nga pala pag nakausap mo sila sa ibaba ng bus malayong malayo sila sa asal nila habang nasa manibela. Tulad rin natin na private drivers marami parang nasasapian na pag nasa trapik na sitwasyon. Bakit kaya???
pag hinawakan na nila ang manibela ng kanilang bus, nagiging sila na "raw" ung bus.

may napanood ako na dokyu sa channel 7 tungkol sa mga bus drivers na kaskasero. talagang kailangan nilang "kumota". dahil sa trabaho nila, sila ang tinitingala ng kanilang mga pamilya. sila ang nagdadala ng pagkain sa lamesa at pantustos sa buhay nila sa araw-araw.
nakakalungkot lang isiping bastos sila sa kalye. pero nagiging respetadong "ama" sila sa kanilang mga tahanan.