
Originally Posted by
bunge
minsan, nakasakay kami sa kotse ng lolo ng misis ko na reTIRED general. Yon pa naman e law abiding sobra, kahit matraffic pa sya di nya ginagamit ang pagiging general nya at GMA appointee, papunta kami noon sa malacanang. nasalubong namin noon ang isang convoy na nagcounterflow mismo sa may ayala bridge with matching wang-wang. pinapatabi kami, pero ayaw patabihin ng lolo ang driver nya, huminto po kamo ang mga escort vehicles at kinatok ang sasakyan namin. cool lang si lolo at ang driver, tapos galit na galit at pinagmumura ang driver, bakit daw ayaw magbigay samantalang naririnig naman ang wang-wang at nakakaabala daw kami (take note!). tinanong ng lolo ko politely kung sino daw ba ang ine-escort nila at bakit nagmamadali, aba e ano daw ba ang pakialam namin kung sino. so ginawa ng lolo ko e bumaba na at pinakita ang ID nya at sinabing papunta sya ng malacanang at importante din ang sadya nya pero di sya nang-aabala. yon palang ogag na ine-escort nila e bokal ng cavite na kakagaling lang sa palasyo at pauwi na ng cavite. ng ma-realized nila kung sino ang tinarantado nila e mga nagsiamo ang mga tinamaan ng lintek. nagkataon na yun mga escort e mga pulis, so ang ginawa ng lolo e tinawagan kung sino ang may hawak sa kanila at sinermonan, at tinawagan din mismo si lumibao para disiplinahin ang mga ogag na pulis, ang alam ko e na-suspinde ang mga ugok dahil sa reklamo ni lolo. pati si bokal nasermonan. dati po kasing superintendent ng EPD si lolo at aide ni madame kaya medyo nakatagpo sila ng katapat.