Patulong po! Yun kasing nabili kong auto, may sticker sa hood, ang laki kasi e, parang ang sagwang tignan. Gusto ko sana itong alisin para magmukhang simple lang yung auto. Ano kaya magandang pang-alis non? Kung gagamitan ko kaya ng sticker remover, di kaya sya magiiwan ng markings? or better have the hood repainted after removing the sticker. Your help is much appreciated. Here is the URL to check on what I mean sa sticker sa hood: http://www.pbase.com/image/28654871
Medyo mahirap yan tapos ang laki pa kase kapitbahay ko ginagamit niya blade na maliit tapos kapag tanggal na ayun nandun pa rin yun markings ng sticker ginagawa niya na lang gumagamit na lang siya ng Turtle Wax kaso matagal bago ito mawala.Tsaka ingat na ingat siya sa pagtanggal gamit yung blade na maliit at kutkot siya ng kutkot para matanggal lang ang sticker.Tsaka kung matiyaga ka lang sa pagtanggal ng sticker. Try mo na rin kung kaya ng mga naglalagay ng tint na tanggalin yan sticker na yan.
Mahirap nga yan sir. Subukan mo muna yung small piece. Kung may sticker na medyo maliit sa tabi, basaain mo muna ng tubig na may halong shampoo. Basang-basa dapat. Tapos kutkutin mo ng daliri. Kung kaya mong cutter pero hindi matatamaan pintura, ok din. (Dentista or surgeon puwede. ) Yung natitirang adhesive, try mo kerosene pero konti lang tapos wash off mo kaagad ng tubig yung tutulo.
Pag ok sa small piece, puwede na sa big piece. Good luck!
Thanks sa mga inputs nyo guys, really appreciate it. I will try the sticker remover that I saw sa Concorde, it was worth 200. I'll update you of the results. =)
sir kung meron kang buffer eto ang ginamit ko para matangal ung sticker na duck tape na ginamit ko pang dikit ng plastic nung mabasag ang bintana ko sa kotse. inabot din kasi ilan months kaya talagang nag marka na ung tape gumamit ako ng buffer at rubbing compound natangal pero ingat lang ng gamit ng rubbing dahil nakaksunog ata ng pintura per oung sa akin natangal ang sticker naging parang powder tapos hinugasan ko lang ung parang powder tanggal. pero sywmpre mas maganda sa auto detailing. mas profesional.
You have to know what kind of sticker it is... kung paper type ba, plastic, etc etc. Plastic is a lot easier to clean up. Paper mas madaming matitira... but not that hard to "counter"
Either way, you should try to remove as much of the sticker through DRY means as much as possible. Meaning, no chemicals, liquids, etc used.
Once you've removed most of the solid stuff, check out what's left... kung paper type sya, use a lot of warm to hot water and soften it... scrape with a blunt tool as needed. Work on it from edge to edge... Konti konti lang, wag mong asahan na kaya sa isang kuskusan.
Pag adhesive nalang natira, Goo Gone is by far the best you can use. Meron sa True Value shops... Kung walang ganun sa pampangga, just use gaas, but make sure you dont let it dry up sa paint or sa adhesive, or else titigas lalo yan. As always, small sections at a time lang. How small? around 3 square inch at a time lang... Matatanggal din yan.
Unless sobrang tagal na yung sticker hehe, magmamapa yan kahit natanggal mo na.