let's say you're cruising along at >=80kph, tapos biglang merong pothole/bump, say about <10 meters away. assuming na di mo na pwede ilagan, what's the best thing to do?
tama saktuhin mo lang sa gitna.. ako di puwede talga daan sabog gulong ko niyan.. R18 panaman and 40 series lang.. butas un malamang.... meron ako mga nakikita bmw putik R19 tapos 35 series... ouch ...
dati nag iisip ako mag palit from 205/55/16 to 225/45/16 or upgrade ng rims to 17s. pero ngayon di na dahil rainy season na ulit and ang lala ng kalsado talaga sa pinas.
Ang ginagawa ko binabagalan ko hangga't kaya kung talagang malalim ang pothole na yun preno ko na lang ng medyo malakas hanggang maka first gear or second gear ako kase size ng gulong ko eh 145/70 R12 lang tapos yung likod ay 170/80 R12 which means maliit ang gulong ko tska napapamura na lang ako sa loob ng kotse at sinasabi ko pa masisira na naman axle boot ko...
kung sobrang lalim ng butas tulad ng manhole at 80kph.. malamang sabog ang gulong mo nyan at pwede din bumaliktad oto mo sa bilis.. meron na nadale ng ganito sa tandang sora flyover, butas yung flyover, ayun baliktad yung fx... tsk tsk.. kaya dapat naka seatbelt parati..
pag d kasi familiar yung road.. drive carefully nalang hehe madaling sabihin, mahirap gawin.. if meron man ako bumabagal talaga ako pero d naman fullstop..
Just look at as if someone stopped. Slow down, quick glance on the rear mirror. If malayo or no car sa rear slow down even more. Try to put the hole in between the wheels if possible. If not just take it. In case you take a real big one, observe the car if it drives differently. When you arrive at home, do some further inspection.
Basta lagi priority will be your safety 2ndary na kung mabenkong ang mags. Kaya ngayon naka 265/70 r16 ako, tapos ubod ng bagal ang sasakyan ko. Less worries for these.
It happened to me wayback in 1998. We're crusing Edsa and turning right to Kalayaan. I spotted a crater and decided na sagasaan na lang cause it is raining and I can't see clearly incoming vehicles. Pagdaan ko sa lubak, iyun sumayad ilalim ko sa lalim ng lubak and i have no option but to slow down since malapit na rin akong lumiko. Then suddenly Winstar Bus banged into my car, nalaman ko na lang sasalpok na ako sa pader sa lakas ng impact. I pressed the break pedal pero di pa rin humihinto at ginawa ko na lang sinadsad ko iyung rim sa gutter to deccelerate and thank God it did. Guess what, di ko alam na napahiga ako sa lakas ng bangga sabi ng GF ko dahil kasama ko siya. Na-verify ko lang when I see my sandalan na nakalevel sa floor at hindi ko na maangat dahil nasira din. And God is with me that night dahil wala naman kaming injury sustain. Kaya ngayon, no more slowing down on lubak on hiway.
doublea buti naman buhay ka pa... nakakatakot talaga, pero kung minor lubak lang naman tama si odell, hindi mo mararamdaman... pero ako ilan beses na ako sumasayad eh, pag tinatatamaan yun ilalim parang ako yun nasasaktan...
ang worst nabutas yun ilalim ng bumper ko, tumama ako sa putol na puno... yun tipong akala mo kasya sa ilalim, ginawa ko pinagitnaan ko para hindi masira gulong ko, biglang *pak* butas ang bumper, inatras ko... bad trip...
pag-17 matagtaga na diba? hehehe... oo nga full of surprises... minsan magugulat ka akala mo may "street party" sa kalye yun mga squatters ayun pala may lamay lang... or may shooting lang si juday at piolo hehehe...
pao,
un akin... hindenamna ganun katagtag.. pero dame times ko na as in shoot sa butas.. tipong ."barag" un tunog pero wala lang.. prng walang nangyari.hehehe