New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Results 1 to 12 of 12

Hybrid View

Previous Post Previous Post   Next Post Next Post
  1. Join Date
    Jul 2006
    Posts
    1,731
    #1
    Baka tama nga yung generalization... pag MMDA tubos lang... pero pag police, TMG, LTO... seminar....

    Ako kasi reckless (daw)... yung nasa kanan ko sa seminar nag u-turn sa no u-turn at nakita ko not following traffic signs ang nakasulat sa "resolution"... yung nasa kanan ko... overtaking... violation parang "overtaking in places not allowed to overtake"... Range of offense is 150-500 petot pero seminar kami lahat...

  2. Join Date
    Nov 2002
    Posts
    4,085
    #2
    Naka-attend na ko ng ganyang "seminar" wayback 2002, isuzu pick-up pa auto ko. Disregarding traffic light ako, malinis kasi kalsada. nagleft ako pula pa ilaw katipunan to UP C.P. Garcia, ayaw ko kasi maistorbo sa pagkain ng mani..ayun may nakatago pala sa may "kubo." Ganun din sinabi may seminar pa daw, naghihintay lang ako, ang tagal pa bago sinulatan yung ticket obvious na gusto ng pangmerienda..sakin okay lang para matry ko din tuloy lang pagkain ko ng mani..hehe

    After 5 days punta ako sa MMDA Kalayaan Ave Office sa may gilid ng cityhall. Kahit maaga ako dumating para walang hasel, tagal ko pa din naghintay kasi iipunin pa nila mga dumarating para sabaysabay ang seminar kuno.

    Dun kami sa may parang stage sa likod ng MMDA office, tapos may mga upuan at blackboard classroom style. Nung marami na kami, binigyan na kami ng mga testpapers. Exam kaagad walang lecture, seminar whatsoever. Subject tungkol sa mga simpleng traffic signages and regulations.

    So ung mga katabi kong mga taxi at jeepney drivers wala talagang alam.. nagkokopyahan pa nga sila. Sabi nga nung isang driver, boss panu ba to di naman talaga namin alam to panu kami papasa? Di ko na alam kung ano nangyari pero marami parin pumasa..hehe

    After ma-check punta na sa office, pila ulit para bayaran na. Paid P150 then nakuha ko na ulit license ko. Nahuli pa ulit ako ng dalawang beses for coding and another violation pero wala na ung seminar. Ngayon di na ko nahuhuli, masunurin na ako eh. Except na lang pag mayroon lang talaga mga kotong cops.
    Last edited by kiper; September 15th, 2006 at 06:44 AM.

  3. Join Date
    Jan 2004
    Posts
    3,362
    #3
    Quote Originally Posted by kiper View Post
    So ung mga katabi kong mga taxi at jeepney drivers wala talagang alam.. nagkokopyahan pa nga sila. Sabi nga nung isang driver, boss panu ba to di naman talaga namin alam to panu kami papasa? Di ko na alam kung ano nangyari pero marami parin pumasa..hehe
    Ayan ang mga may kasalanan kung bakit trapik at aksidente inaabot sa Maynila. LTO at drayber may problema.

  4. Join Date
    Jul 2006
    Posts
    260
    #4
    anyone have info on the theory about not having to attend a seminar kung mmda ang nanghuli?

  5. Join Date
    May 2005
    Posts
    4,819
    #5
    a few months ago, when i was apprehended sa SLEX, sa LTO East Ave pa ang tubos ng license.

    I went there tapos after presenting the ticket, i was told to proceed sa Seminar/Exam. Yun nga lang. wala ang seminar but direct to the exam. They have this Video system sa loob ng room but looks like non-functional. I was immediately given a test booklet to answer (multiple choice). AFter a few minutes, they give the result tapos bayad na. Then a little more of waiting till they release the license.

    SOme do not take the Seminar(?)/exam kasi may mga fixer (but paying them wont spare you time (you still have to wait).

"seminar" totoo ba?