Results 1 to 5 of 5
-
October 18th, 2005 10:17 PM #1
CAMPI nakakuha ng kakampi
Nadagdagan ng lakas ang Chamber of Automotive Manufacturers of the Philippines, Inc. (CAMPI) sa ipinaglalaban nito ukol sa importasyon ng used vehicle sa bansa.
Kamakailan ay nagpahayag ng statement ang Joint Foreign Chambers na naghahangad din ng pagsugpo sa importasyon ng used vehicle. Sa liham ay hinikayat ng foreign investors ang administrasyon ni Pres. Gloria Arroyo na tanggalin na ang direktiba na nagbibigay ng kalayaan sa pag-aangkat ng gamit nang mga sasakyan.
Hiniling din ng Joint Foreign Chambers sa pamahalaan ang muling pag-eliminate nito sa polisiya ukol sa used vehicle importation at kumpirmahin ang koleksyon ng P500,000 specific duty na ipinapataw sa bawat imported used vehicle sa ilalim ng Executive Order no. 418.
Binigyang-diin ng CAMPI na ang panawagan ng Joint Foreign Chambers ay napapanahon sa kabila ng patuloy na pagbabalewala ng gobyerno na maipatupad ang mga batas at regulasyon na nagbabawal sa importasyon ng used at right hand-drive vehicles lalung-lalo na ang EO 156, Republic Act no. 8506 at EO 418.
Tinutukan din ng automotive industry na ang pag-aalala na inihayag ng foreign investors ay dapat bigyang-pansin sa gitna ng mga expose na ginawa ni Sen. Richard Gordon sa malawakang smuggling at under-valuation ng used vehicles na nangyayari partikular sa Subic Freeport.
"It displays an obvious inconsistency in government directions and policies being in conflict with the objectives of the Motor Vehicle Development Program under Exec. Order 156 and the intentions of EO 418," saad ng statement of support ng CAMPI sa pananaw ng Joint Foreign Chambers
-
October 18th, 2005 10:23 PM #2
I don't agree with wholesale used-vehicle importation.
nagiging first resort kasi ng mga tao e. these vehicles are junked vehicles in their countries of origin, never mind that most of them are shoddy RHD conversions.
kadami-daming local used cars dito sa atin.
-
BANNED BANNED BANNED
- Join Date
- Oct 2002
- Posts
- 3,790
October 19th, 2005 09:42 AM #3yeah it kills another industry....tapos nagtataka pinoy bakit kulang ang trabaho...
-
October 19th, 2005 04:32 PM #4
hindi lang it kills another industry, it kills innocent people on the road pa.
-
October 19th, 2005 04:51 PM #5
during the time of Marcos he encouraged the car development program and supported it with the ban on importation ng second hand vehicles...remember nung nauso ang chop-chop na town-ace... dami hinuli after that total ban na... marcos was on the right track of enticing foreign investors for the car development program...nung na tumba sya naiwan ang MMPC with the box lancer and L300. Late 80's pumasok naman ang nissan at bumalik din ang toyota kasi they see the phils. going stable na.
natatawa siguro Gm at nakalusot sila sa gulo ng pinas kasi sa thailand(tama ba) na sila nagtayo ng asian hub nila. ang gulo kasi dito sabi ng presidente bawal, pero sa subic tuloy pa rin ang importation. iba-iba ang batas sa bawat agency na mapagtanungan.
19 years na after marcos, they said that we are better off with out him. pero parang hindi ata nagkatotoo, mas magulo pa ngayon kesa dati...
eto lang tanong ko... Are the laws during the past admins void? i mean, are those laws passed before not effective anymore at present date. kaya pwede na mag operate mga auctioneers sa subic? kasi parang ganun ang nangyayari.
yung nga palang barangay dito sa may sta. mesa has a subic previa as brgy. service, painted yellow and with names of politician...
Di ko alam about sa miata. But I was able to help my uncle acquire a unit para sa pinsan ko kasi...
6th Gen Mazda MX-5 Miata