Guys, i need your expert advise kung ano gagawin pag me banggaan. Kung ano yung mga hihingin sa mga nakabangga to ensure na hindi ka nila tatakbuhan or maalanganin. Thanks
Guys, i need your expert advise kung ano gagawin pag me banggaan. Kung ano yung mga hihingin sa mga nakabangga to ensure na hindi ka nila tatakbuhan or maalanganin. Thanks
sir just ask for the OR/CR of the vehicle na nakabangga sayo, the driver's license... ipaphotocopy mo para mas maganda at may copy ka, usually when you get to the precint dun may xerox machine sila... also ask for a contact number of the person both cellphone and landline...
i agrree with them... also lots of patience when dealing with them, at pls lang po pakitabi sa gilid para d makaabala sa ibang sasakyan... :-)
Thanks for the input guys. Actually, nakuha ko lang sa kanya cell number at home address, sana hindi nya ako takbuhan.. hehehe... First time ko kasi sa banggaan incident.
Just to add..... base from experience if you are 100% sure na kasalanan nung nakabangga, no need to get the police report..... sigurado kasing maglalagay ka pa (mababa PHP 1K). Just create an affidavit then present the affidavit together with the opposite party's copy of OR/CR and driver's license. Kunin mo na din phone number if possible. Let your insurance company work for you. Kausapin mo yung opposite party na sagutin na lang ang participation fee mo (for cars 3 years or younger). Kung hindi sya pumayag sabihin mo ayos lang. Ipapahabol mo na lang sya sa insurance company mo. Ang insurance company kasi kapag hindi nakasingil magkakaroon ng record sa police at NBI yung sinisingil na hindi nagbayad. Problema to sa job application not to mention sa pagkuha ng passport and visa. Wag kang papayag na sila ang mamimili ng talyer na pagpapagawaan, basta sabihin mo sasagutin mo na lang thru insurance instead sa talyer nila and ipahahabol mo na lang sila sa insurance company mo.
HTH!
Last edited by Macky; May 21st, 2007 at 02:12 PM.
ahh ok. speaking of insurance, reimbursement ba ang process or maglalabas muna sila ng pera bago mo ipa-repair? assuming na hindi pumayag ang third party na sagutin yung participation fee ko, sino ang magbabayad nun, ako pa rin? O hindi na ko magbabayad, bahala na lang insurance ang maningil sa kanila ng participation fee?
Siguraduhin mo rin nga pala na mas malaki ang repair cost kesa sa participation fee mo.
If less than 3 yrs old ang kotse mo, participation fee lang ang babayaran mo. Ito yung cost na dapat mo ipa-shoulder dun sa may kasalanan. Kung ayaw nya magbayad, ikaw ang sasagot nito pero pwede mo sya ipahabol sa insurance mo para bayaran yung total cost ng repair. Most probably papayag na sya to shoulder the participation fee instead of paying for the whole repair cost.