Regarding rules sa sasakyan, meron akong officemate na minsan nagkayayaan punta sa isang mall. Revo yung sasakyan, and 4 kami na lalaki lahat originally kasama. Kaya lang yung isang officemate namin nakiusap na sasabay daw yung GF nya since papunta din siya dun sa mall. Ang sabi ba naman nung may ari ng sasakyan di daw pwede kasi sinabi ng wife nya na hindi pwede magsakay/makisakay ang ibang babae sa kotse nya. Ayun commute na lang kami lahat at iniwan namin yung may sasakyan. Kayo kung same scenario, hindi nyo rin ba papasakayin?