New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Page 2 of 3 FirstFirst 123 LastLast
Results 11 to 20 of 29
  1. Join Date
    Nov 2002
    Posts
    1,398
    #11
    sir d na ba pde hilahin? nid ba naka angat ung harap? ung mekaniko na kaibigan ko may tow bar baka matulungan ka

  2. Join Date
    Feb 2008
    Posts
    5,179
    #12
    bakit hindi na lang hatakin papunta sa bahay muna. then buy half cut ng city sa surplus (dapat buo yung mga fenders, hood, at bumper) para pintura na lang sa body (pahilamos ka na rin kasi malamang malapit lang presyo ng hilamos sa repaint ng panels involved).

    engine support, radiator madali lang. ang mahirap lang sa nakikita ko kung nabend yung chassis. tapos sa compressor, kahit surplus na lang muna, sa ganyang banga, tingin ko pati container ng water (reserve, wiper) basag.,

  3. Join Date
    Apr 2011
    Posts
    148
    #13
    salamat po sa mga reply.

    honda city type z po siya. ( 2001 )

    tama kayo sir basag din yung lagayan ng tubig.

    ok naman daw po yung chasis. yung asa paligid lang talaga. ganun nga sir ang gagawin namin. pyesa pyesa muna. anu ba sir pinagkaiba ng hilamos sa repaint?

  4. Join Date
    Jan 2011
    Posts
    262
    #14
    Quote Originally Posted by Dobermaxx99 View Post
    salamat po sa mga reply.

    honda city type z po siya. ( 2001 )

    tama kayo sir basag din yung lagayan ng tubig.

    ok naman daw po yung chasis. yung asa paligid lang talaga. ganun nga sir ang gagawin namin. pyesa pyesa muna. anu ba sir pinagkaiba ng hilamos sa repaint?
    Good thing the chassis wasn't damaged. That's the most important thing next to the engine.

    Kung bitin sa budget sir, paayos nyo na muna yung mga dapat ayusin para lang tumakbo, think of the aesthetics after.

  5. Join Date
    Feb 2008
    Posts
    5,179
    #15
    si master lex makakasagot sa hilamos vs repaint. pero sa pagkakaintindi ko hilamos, papatungan lang yung existing paint then repaint, uubusin hangang primer then dun pipintura. (correct me if im wrong)

    unang bilin yung half cut.completo na kagad yun, mula headlights, fender, bumper, grill, and konting internals. yung iba half cut kasama na radiator and containers, yung iba naman kaha lang talaga. range ng price around 10k. engine support mura lang naman. hindi ka uubos ng 3k para sa buong set. pati pangilalim na rin lalo drive shaft.

    pacheck niyo chassis ng husto kasi critical yun sa mga ganyang trabaho.

  6. Join Date
    Jun 2010
    Posts
    321
    #16
    mas maganda tow mo muna pauwi sa bahay nyo saka hanap ng magaling na latero at mekaniko para mapa check mo maige kung ano ang kailangan replace, dami mo gagastusin dyan baka pati pang ilalim mo magpapalit ka, para maka tipid surplus ang bilhin mo......pag wala kang makitang front cut nose cut na lang ....... nose cut kasama bumper, radiator condenser at mga headlights , noong na aksidente eg ko ang kuha ko sa nose cut 6500php ...

  7. Join Date
    Jan 2011
    Posts
    262
    #17
    Quote Originally Posted by Dobermaxx99 View Post
    salamat sir sa mga feedback. self accident po. nabanga namin yung fence at post sa parking ng st lucia cainta ( hindi po yung mall ah ) yung tinatayo na st lucia condo pag kalagpas ng vista verde papuntang junction.

    wala po insurance e. 2nd hand po kasi nabili.

    nag tanung na po kami sa iba. ang price po e 35k-40k restoration lang po ng body. para mauwi na. kasi hangang ngayung araw e asa naghila pa since hindi pa namin nababayaran ang st lucia. pero mag babayad na din kami, ang mahal ng fee dun sa wrecker e 200 per day. tapos pyesa pyesa na lang kami bibili ng parts.

    wala din po ako masyadong alam sa mga auto pa since 1 month pa lang ako nag dadrive. pero yun nga ho sira daw ang buong baligid ng makina. pero yung mismong makina hindi na basag. pero umusog daw. bagsak daw yung apat na engine support.
    Sir grabe naman po yung damage.. Gaano ba kabilis ang takbo mo?

    *sir archie - Question sir. Is front cut really the viable solution? Can't it be repaired by a latero anymore?

  8. Join Date
    Feb 2008
    Posts
    5,179
    #18
    Quote Originally Posted by r1chm0nd View Post
    *sir archie - Question sir. Is front cut really the viable solution? Can't it be repaired by a latero anymore?
    pwede palatero pero sa dami ng panels, malapit na price niyan sa surplus. may bonus pa na radiator and containers plus headlight. sa half cut kasi pati skeleton kasama, no need for repairs na.

  9. Join Date
    Apr 2011
    Posts
    148
    #19
    35k daw po lahat lahat. kasama repaint. excluded po ang radiator, compressor, etc sa loob. pati po bumper di kasama. di daw po kayang irepair. tetestingin pa lang bukas yung electrical. pero mukhang di naman daw po nadale.

    bale ang gastos palang po namin ay 12k sa st lucia para sa damage to property. then 8k down sa repair. tapos 2k para sa headlight.

    aabutin daw po ng 1month para sa lahat. maraming salamat po sa mga feedback.

    ito na po siya.








  10. Join Date
    Apr 2011
    Posts
    148
    #20


Page 2 of 3 FirstFirst 123 LastLast
Mekaniko (Accident; need assistance/advice)