New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Page 3 of 6 FirstFirst 123456 LastLast
Results 21 to 30 of 54
  1. Join Date
    Mar 2005
    Posts
    8,837
    #21
    tatang, bakit di ka na lang bumili ng 2-3 tricycle? at least mapapakalat mo pa investment mo kaysa isang van lang na aasahan. siguro naman katumbas na ng downpayment sa van yun 2-3 tricycles.

  2. Join Date
    Aug 2004
    Posts
    1,632
    #22
    kung magbisnes kayo ng VAN for rent sa province, try nyo kausapin yung mga may agency dyan na nagpapadala ng workers abroad.. pang hatid-sundo sa mga OFWs...

  3. Join Date
    Aug 2006
    Posts
    9
    #23
    ang gaganda ng mga suhestyon nyo mga iho. iba talaga kapag nakapag-aral ng mabuti. pagpatuloy nyo ang pagtulong sa mga kagaya ko at bahala na sainyo ang maykapal. pabayaan nyo, pag naging maganda ang pagkakakitaan ko babalik ako dito sa tsikot libre ko kayo lahat magandang umaga!

  4. Join Date
    May 2006
    Posts
    138
    #24
    magandang hapon na tatang...

  5. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    2,470
    #25
    tatang hello po. medyo lihis din po ito sa pinag-uusapan.

    pag sa probinsya malakas din ang mobile sound system rental at tama yung videoke machine. kung malapit kayo sa eskwelahan pwede po ang xerox at computer shop

    pero kung talagang gusto nyo ay van na pang-business tama ho ang gusto nyo. maganda ho ang H100. yun nga lang po kung bibili kayo siguraduhin na ayos lahat. marami ho sa cavite along aguinaldo hi-way na mga shop na may financing din. mag-canvass po muna kayo at tyak makakakuha po kayo doon ng magandang H100.

  6. Join Date
    Nov 2002
    Posts
    1,220
    #26
    magandang hapon tatang.....yung mga colorum na FX dito sa Cavite ang mga paborito nila Nissan Urvan.

  7. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    10,620
    #27
    Quote Originally Posted by OTEP View Post
    Hindi naman po sa nililihis ko ang usapan, pero balita ko po sa probinsya magandang negosyo ang nagpapaupa ng Videoke machine. May bayad na yung pag-arkila, minsan may bayad pa din kada-kanta depende sa inyong usapan.

    Pero pabor din ako sa rent-a-van ni yebo basta kayo po mismo ang magmamaneho.
    sagot lang sa OT

    ang alam ko 800 a day ang renta sa videoke-an

  8. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    22,658
    #28
    OT din:

    Nung nag-community service kasi ako yan ang favorite ng mga tao dun sa area namin. Take note, medyo depressed area pa yun. Pero nag-aambag-ambag sila para maka-arkila.

    http://docotep.multiply.com/
    Need an Ambulance? We sell Zic Brand Oils and Lubricants. Please PM me.

  9. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    2,812
    #29
    tatang saan po ba probinsya nyo?

  10. Join Date
    Aug 2006
    Posts
    9
    #30
    iho, dito ako sa castillejos zambales.nakakuha ako maliit na lupa sa murang halaga at natirikan ko ng maliit na bahay

Page 3 of 6 FirstFirst 123456 LastLast
Magandang Umaga [negosyong VAN]