New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines



Results 1 to 3 of 3
  1. Join Date
    Nov 2006
    Posts
    96
    #1
    Last month lang, nagpa top overhaul ako kasi natirikan ako dahil sa overheat kso nung sunday lang after one month, nagpagawa ako ulit ng auto ko pinalitan ung hose na nagko-connect sa radiator at engine dahil muntik na naman ako mag-overheat, nakita may butas na pala yung hose, sinabihan ako nung mekaniko na masyado na daw madumi yung radiator, may kalawang na mas maganda daw kung palitan ko daw yung plastik at ipalinis yung radiator, and to make sure na hindi na sya mag-o-overheat, nagpalagay narin ako ng coolant. ok nman, nauwi ko pa nga samin pero nandun yung kaba kasi habang pauwi ako, bumababa-tumataas yung RPM ko na parang anytime titirik sya ulit, pero nauwi ko naman.
    Kinabukasan, hindi ko sya ginamit, pinagpahinga ko muna kasi natakot narin ako dalhin baka hindi parin ok. Kaninang umaga, I was about to bring it na sana sa Speedyfix para maayos na lahat ng problema, kaso hindi ko na sya ma-start. tapos may lumalabas na icon sa may meter, lahat yta umiilaw. ilang beses ko sinubukan i-start, kaso ayaw talaga. Ang problema ko, pano ko pa sya dadalhin sa Speedyfix? Saka ano na naman kaya problema nya? Tumawag ako sa dating mekaniko na nag top overhaul sa auto ko, sabi ipa charge ko lang dw yung battery tapos dalhin ko sa kaniya. Kaso nakakadala na baka tagain na naman ako sa presyo. Ano kayang dahilan nito? Any advice? sobrang broke na broke na ko, malungkot kasi first car ko to, pangalawa, malungkot kasi halos lahat ng pera ko napupunta na sa kakapagawa, pangatlo, nakakalungkot kasi lagi ako natyetyempo sa mga nananagang mekaniko. Guys, baka may advice naman kayo kung ano pwede ko gawin para mapaandar ko sya at madala sa Speedyfix. please! I will really appreciate your replies. thanks sobra!

  2. Join Date
    Feb 2005
    Posts
    3,298
    #2
    first question: what is your ride (make, model, etc.)
    second question: whare are you located (baka kasi malayo ang speedyfix sa inyo)

  3. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    14,824
    #3
    you already have an existing thread for this:

    http://tsikot.yehey.com/forums/showthread.php?t=41985

Im broke! Please help me!