Magtatatlong taon na ba ang iyong pinakamamahal na kotse? Puwes, malapit nang magsimulang sumakit ang ulo mo sa pagpapaayos dahil matatapos na rin ang warranty ng sasakyan mo.
Mabuti na lang at nandiyan na ang Extended Warranty, ang pinakabagong produkto ng Fortune General, isa sa pinakamalaking kumpanya ng insurance sa bansa. Ang Extended Warranty ay isang uri ng insurance na sasagot sa pagpapaayos ng iyong sasakyan sakaling may masira rito.
Ayon kay Michael Rellosa, pangulo ng Fortune General, ang Extended Warranty ay magugustuhan ng mga may-ari ng kotse na nag-expire na ang warranty.
"Dahil sa mahal ng pagpapaayos ng kotse sa panahong ito, malaking tulong ang Extended Warranty. Sagot namin ang parts and labor para sa repair ng mga importanteng parte ng kotse mo. Wala kang sakit ng ulo," aniya.
Ayon pa kay Rellosa, ang Extended Warranty ay magandang investment din sa mga taong madalas magbenta ng kotse. Dahil dito, magiging mataas ang resale value ng kanilang sasakyan.
Sa kasalukuyan, ang puwede lamang bumili ng Extended Warranty ay ang mga may-ari ng Honda, Isuzu, Mitsubishi at Toyota na hanggang pitong taon ang edad. Inaayos pa raw ng Fortune General ang ilang bagay para makapag-offer din sa mga may-ari ng ibang brands.
Lahat ng piyesa at labor na aabot sa P300,000 ang presyo ay sasagutin ng Fortune General.
Ayon naman kay Edwin Martinez, assistant vice president ng Fortune General, ang premium na babayaran ng may-ari ng kotse ay aabot sa 15 porsiyento ng kabuuang halaga ng seguro. Bumababa raw ito base sa kondisyon ng sasakyan.
"Kung well-maintained ang sasakyan, maaaring bumaba ang premium. Gusto naming bigyan ng kaukulang halaga ang pagme-maintain ng sasakyan dahil dito nakasalalay ang itatagal nito," aniya.
Para sa karagdagang kaalaman, tumawag sa Fortune General sa 633-9232


Reply With Quote
Now, they're be free to jack up their premiums and if I refuse and transfer insurance, there goes my premium for the extended warranty even if it hasn't started yet.