I think may demand parin naman, lalo na sa mga gusto ng Starter Pack na kotse. Or sa mga galing sa motor tapos nagkaroon ng enough budget para bumili ng 90s car, and madami pa naman buy and seller na mekaniko ngayon. Kaya sa tingin ko medyo malaki pa demand ng older models.
Like nung binenta ko last month or two yung 91 Model Small body Corolla ko, isang araw lang ako nag try maghanap ng buyer, pero next day nabenta ko na din agad. Pero alagang alaga naman kasi yun, kaya siguro napansin agad ng mekaniko na maganda yung condition ng sasakyan kaya kinuha nya agad, and mukhang ginamit nya for personal, kasi nakikita ko pa yung old vroom vroom ko, pinang seservice ata nya ng mga apo nya sa school. And also bago ko naisipan ibenta yung sasakyan na yun, halos monthly may lalapit at nagtatanong sakin if interested ba daw ako ibenta yung sasakyan, lalo na if nadadaan ako sa trusted mechanic / auto shop ko, may mga bigla nalang magtatanong if ready na ba daw ako ibenta

Medyo namimiss ko din yun, pero kasi crowded na sa garage eh, kaya naman 3 sasakyan pero ang sikip tignan if sasagarin ko parking space, may mga bikes din kasi and isang motorcycle na ginagamit for quick bili sa tindahan, kaya naisipan nalang din namin ibenta yung old corolla ko.
If magawa nyo na in pristine or good condition yung mga ireresell nyong mga sasakyan, mukhang decent naman na business yan, lalo na if hilig nyo din talaga.
Pero gaya ng sabi ng iba, malaking kalaban nyo ngayon is yung easy financing schemes and dirt cheap na models, yung iba kasing bumibili, imbilis pambili nila ng lumang model, pang dagdag nalang nila sa downpayment sa eithe eon, wigo or mirage tapos babagsak nalang ng 5k-7k yung monthly nila.