New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Page 4 of 5 FirstFirst 12345 LastLast
Results 61 to 80 of 91
  1. Join Date
    Oct 2005
    Posts
    5,465
    #61
    Quote Originally Posted by hominid View Post
    Is it true na madali kang matututo mag drive if u learn to ride a motorcycle first? Naririnig ko kasi sa ibang driver eh.

    Well, d naman bihira yan. Most motorcycle owners panay naka student license lang na no knowledge on street safety kaya marami na sa kanila kinuha ni GOD.
    i think the opposite is true. pag marunong ka sa oto mas madali ka matututo sa motorsiklo. kase alam mo na yung basics mag adjust ka na lang sa operating differences nila.
    driving position palang, then sa kotse sa kamay ang kambyo sa motorsiklo sa paa, meron pang clutchless manual ang motorcycle, sa kotse mag BMW ka muna bago ka mangarap nun hehe, ang clutch sa kotse sa paa sa motorsiklo sa kamay, ang brakes sa motorcycle paa na meron pa sa kamay sa kotse sa paa lang same as with the accelerator, opposite lang.
    ako kase nauna mag drive ng car, nung pinapagamit na ako ng motorcycle ng dad ko sumampa nalang ako at konting adjust sa difference nya sa kotse. but so far, Kotse pa din ako...

  2. Join Date
    Sep 2006
    Posts
    11
    #62
    Nung bago pa lang ako mga 5 years ago, nag park ako pero incline yung papasok. Nakalimutan ko na naka 3rd gear ako so nung medyo nasa gitna na ako nararamdaman ko na na malapit nakong mamatayan pero pinilit ko padin pero di talaga kinaya. So nagpanic ako nag roll down yung sasakyan hanggang baba buti na lang nakita agad ako nung kasunod ko. Kasama ko pa naman buong pamilya ko nun. Hanggang ngayon kapag paakyat ang parking palaging may paalala sakin mga kapatid ko hehe.

  3. Join Date
    Feb 2009
    Posts
    46
    #63
    ako nung unang hawak ko ng auto akala ko parang arcade sa mall yung pag apak sa gas.. tinodo ko yung apak ayun iyak ang makina, kumadyod yung oto sabay namatay ang makina.. hehe... tapos nagpractice ako atras abante para matimpla ko yung gas and clutch.. ang hirap ma perfect, lagi namamatay... nung na perfect ko na atras abante, labas nako sa kalye namen.. biglang nagtrapik sa inclined na part.. wow, umangat ang puso ko sa kaba, biglang umatras, kahit perfect ko na yung timpla biglang nawala sa konsentrasyon namatay pa din makina... buti na lang na i hand break ng pinsan ko.. hehe... naisip ko nga nun na pag kumuha ako ng license restriction 4 na lang kuhanin para A/T na lang pero mas maganda pa din kung marunong ka magmanual.. kaya ayun dumerecho na sa 1,2 para pwede kahit motor na xrm.. haha..

  4. Join Date
    Jun 2006
    Posts
    2,027
    #64
    The worst experience I had is when I was going up on an incline and the car stopped exactly on top of a hump.

    Panic ako. Iniwan ko yun car sa neutral na naka-handbrake lang. tinawag ko yung driver namin... pagbalik ko yung car nasa start uli ng slope. ang nasabi ko na lang "mahina pala ang handbrake ng honda" nyahaha.

  5. Join Date
    Oct 2007
    Posts
    1,324
    #65
    I started with a van van 75cc mt suzuki motorbike 10 years old ako noon,
    nang nakita nila sa bahay na nagmomotor na ako, aba ako na designated vallet parking attendant
    ang sarap. Pag vacation ko naman sa province tiga hakot ng palay para sa millers. For a kid
    sarap buhay ko kain at drive lang ako. At hangang ngayon naa alala ko pa ang tuwa sa mga mukha ng mga
    tauhan ng grandparents ko pag dumadating ako para tumulong maghakot ng palay. Ang bilis ng trabaho nila kasi mas madali kesa sa kalabaw isakay then palipat lipat pa ng mga hauler. Malayo kasi ang palayan
    namin. Sarap tulog ko parati saka good boy ako sa mga grandparents ko dahil me pakinabang na ako.
    Lahat ng request ko approve agad.
    Last edited by mark_t; February 21st, 2009 at 04:13 AM.

  6. Join Date
    Sep 2007
    Posts
    3,358
    #66
    actually bata palang ako naka kandong na ako sa daddy ko then from 3 years old akyo palagai ng ganon so hanggang abot ko na yung pedal, grade 4 ako that time ako na magisa sinasamahan nalang ako ng driver namain.

    one day nakabangga ako ng dalmatian. ayun so natrauma fo a while pero nakalimutan din.

    now i have my own license.

  7. Join Date
    Feb 2008
    Posts
    1,636
    #67
    ako naman, ako nag backing ng car namin nung paalis na kami ng church. ipapark ko na sana e hndi ko namalayang may island pala kaya ayun dineretso ko umakyat tuloy sa island ng di oras. at malapit pa yun sa may entrance ng church. may papalabas nun may dala dala pang bata, gulat na gulat sya at nanlaki mata nya akala nya sasagasaan ko sya naka atras nga sya ng bigla.. buti naapakan ko agad brake :hysterical:

  8. Join Date
    Aug 2006
    Posts
    77
    #68
    Nung 3rd year Highschool ako nag start mag aral mag drive. May 6 wheeler Mitshubishi Canter truck kami noon na ginagamit sa business, doon ako natuto magdrive. One night nag aaral ako mag drive sa may National Highway sa province namin nagdecide na kami noong driver namin na bumalik na ng bahay, so I decided to maneuver the truck back within the national road. Kaso noong minamaniibro ko na, napa sobra atras ko kaya nahulog sa kanal iyong apat na rear wheels ng truck, kinabahan ako kaya hinatak ko kaagad iyong hand brake tapos iyong driver namin ang sumampa sa driver seat para iangat iyong truck. Thank God di pa masyadong nahuhulog iyong mga gulong sa kanal ng tuluyan at successfully niya naihaon iyong truck. Kundi sobrang laking problema.

  9. Join Date
    Dec 2007
    Posts
    3,938
    #69
    Iyung mga disgrasya ko nun puro miscalculation about the position of the vehicle.

    Minsan, sa akin ipinauwi ang pickup namin na kagagawa pa lamang nung inatrasan sa side - bagong pintura ang fender sa likod. Pagdating sa masikip na garahe, pa-abante ang pag-park ko. Hayun, nagasgasn ulit, this time sa pinto naman.

    Minsan naman, nag-right turn ako, di ko napansin iyung kanal na walang takip, hayun, ang lakas ng kala-BUG! Buti medyo mabilis ako, umahon rin naman, parang nalubak lang.

    Iyung Galant namin, iniurong ko sa parking lot para ilabas, di ko nakita iyung puno. Pasok ang bumper!

    Those experiences made me a much better driver. A few years after, nakaya ko nang umatras using a long bed pickup nang mahabang distances kahit may mga masisikip na spaces in between cars parked on the road. (tinamad mag-maniobra, e. hehe)

  10. Join Date
    Jun 2006
    Posts
    3,306
    #70
    Sa loob ng gate dati practice ako ng atras abante...na atrasan ko kulungan ng aso namin kaya yon 1st and last(sana) na accident nangyari sakin na gamit kotse.

  11. Join Date
    Sep 2007
    Posts
    8,452
    #71
    noon, sa sobrang ngatog ng paa ko nung nagaaral ako magdrive, nakayapak lang ako. pero unti unti ko naman nagagawang mawala ang pangangatog ng paa ko

  12. Join Date
    May 2009
    Posts
    4
    #72
    ako naman...haha...very funny topic...new driver lang din...last January lng ako nag-aral...nabili na nga un car, di pa ko marunong magdrive =P, 1st car ko un. Student license pa.

    Morning after madeliver un car, tinest drive ko na (kahit di marunong), may go signal naman ni Mommy...iatras abante ko raw. so un ginawa ko..I drove up one block lang naman with the side mirrors folded. kasi natakot ako sumabit e. I saw side mirrors then as hazard...sabi ko pa, ano ba talaga use nun e sasabit lang naman...un tpos may liko na, di ko na alam pano mabalik...so lumabas na ako at nablank...di ko na alam un next na gagawin e, paglabas ng mom ko, tinawag niya na ung neighbor namin, siya na nagbalik, tapos natawa sila sa ginawa ko...haha, ciempre, nakitawa na lang din ako.

    ang lakas ng loob ko noh!

    1st real drive ko sa admu. maluwag kasi pag walang pasok...di pa mahigpit ang mga guards...Nagpaturo lang ako sa friend ko kasi nga iba pag family member ang nagturo...puro bad words abutin mo...at mas nakakakaba...

    Full turn sa parking lot..walang lane lane...haha...barefooted din ako kasi nga galit sa gas...impatient pa'ko..kaya lumipat kami sa boni high..ang lakas talaga ng loob..try lang ng try...ayun, nikain ko na ung lane ng isa pang yaris! Puro beep beep inabot ko! Haha! 1st real drive un! kaya thanks sa teacher ko! =D

    Ang aga ng mga experiences ko..parang personal blog na nga toh..haha..wala pang 1 month, nabangga ko na...di pa ok mgdrive, nagsolo na..aun, inabot ung nakapark na car...(e ang dilim e!) dun ko lang na notice na, pacurve pa la ung body nito sa rear...Nakabangga na rin ako ng tao nung pinagdrive ako sa laguna, pero dumikit lang naman ung side mirror sa siko ng traffic aide...ayos noh! my license na ako nun..so don't worry! haha

    after 2 months naman, pumunta kami ng pier, MV Doulos, map lang ang dala ko...sabi ko sa dad ko alam ng officemate ko un papunta dun para lang payagan ako...ayun ok naman...nung pauwi, nauna ung brown uniform(TMG)...muntik na...un blue, ayun, nayellow lane ako..what was I thinking! dumaan ako sa pink fence, kahit feeling ko may mali..pero ciempre iniyakan ko na si manong mmda...salamat! nakita naman na bago license ko..2 mos. pa lang..kaya ayun I went home ticketless!


    grabe talaga! di pa ako magaling na driver pero so far, ok naman...

    Napansin ko lang ng nag-aaral ako, eto un order ng obstacles I tackled:

    1. Lanes - pag estimate if my car is on the right lane ( dati un side mirror niset ko nakita un white lines at body ko, un ung una ko ginawa para matancha un lanes, tapos nicorrect lang ni Kuya, sabi nya, ano mas importante, kita mo nga un katawan ng kotse mo, di mo naman kita ung mga paparating na kotse sa likod mo)

    2. Turns - nun fist time ko, two hands ang liko, tapos abrupt...un parang ikaw naghahabol sa steering wheel.

    3. Parking - medyo ok lang naman toh...pero di pa ko expert

    sige i'll park
    my fingers na..sleepy na din! good luck sa work bukas!

  13. Join Date
    Oct 2008
    Posts
    113
    #73
    ako naman natutu ako nung 16 palang ako, alang nagturo sakin nun,...nakikinig lang ako sa papa ko habang tinuturuan nya si mama,tsaka natuto din ako sa mga sigaw ni papa nun kasi nagsisigawan silang dalawa sa kotse eh..hehe...ayun dun lang ako natuto, tapos konting apply lang ng common sense...nagpraktis nako dun sa garage namin, atras abante lang..actually parang mas marunong nga ako sa mama ko eh, ang hirap kasi sya turuan......pero ngayon ayaw pa ko pakuhain ng license, pag 18 nalang daw....masaya ako kasi mag 18 nako eh .

  14. Join Date
    Sep 2007
    Posts
    8,452
    #74
    nagumpisa ang interest ko sa pagdridrive nung ang dala pa na sasakyan ni erpats eh lumang fj40 land crusier. lagi niya ko kinakandong sa lap niya. that time, 4 years old palang ako. pinapahawak na sa kin noon ang manibela pero nakaalalay siya noon. tapos yung mga nasa arcade na rides, pinapatulan ko at tuwang tuwa na ko noon, na feeling ko, ako na ang driver. hindi naman ako nagsabi na gusto ko magdrive pero si erpats na ang nagkusang turuan ako ng basics. i remember, grade 1 or 2 ako noon, pinapastart na sa kin ni erpats ang fj40. since manual tranny yun, tinuro nya sa kin na dapat ganito ganyan ang pagstart. so ayun, konting practice pa at hanggang sa ako na ang pinapastart ng sasakyan every morning bago ako ihatid sa school.

    grade 4 ako nung una ako turuan ng tuluyan ni erpats sa pagdrive, nissan pick up na ang sasakyan namin nun. natakot ako kasi palagi ako namamatayan ng makina. paikot-ikot lang kami noon sa place namin. dun din nya ko tinuruan ng shifting. 2nd try ko, nakaabot na ko sa 4th gear, sabi ko mukhang mabibilisan ako matuto magdrive. pero hindi pala, kasi nahinto ako sa pagdrive. ang naging practice ko nalang eh ang paglabas-paosk ng sasakyan sa garahe. 4th year high school na ko nung nakahawak ulit ako ng manibela at dun, sobra ang kaba ang nginig ng paa ko na nagdridrive ako ng barefooted. sige lang practice ko nun hanggang sa nawala at pinakuha na ko ng student permit. after 3 months ko hawak ang permit, kumuha na ko ng non-pro pero hindi pa rin ako pinapayagan magdala ng sasakyan.

    just two years ago lang niya ko pinayagan magdala ng sasakyan, yung fx namin, just after maipasa ko ang board exam ko. then just half a year after nun, binili na ang una kong sasakyan at dito na ko naging full pledged driver ng pamilya, ng tropa, at syempre ng mga dinadate ko

  15. Join Date
    Oct 2009
    Posts
    2
    #75
    Di ko alam kung nasa tamang thread ako.

    Mga 3years na din mula nung natuto akong magdrive, kaya lang sa A/T yun, ngayon magpapalit na kami ng car M/t na sya.

    mahihirapan ba ko mag M/T kahit na may experience na ko sa pag drive?

  16. Join Date
    Aug 2009
    Posts
    197
    #76
    Yes sir mahihirapan ka. pero sa pag papatakbo lang kase im sure mamamatayan ka nyan kase you dont know how to release clutch pa at bigay gas kung galing ka sa AT. lalo na sa hanging baka umatras ka kase titimplahin mo clutch at gas mo. pero dali lang yan sir pag aralan mo lang timpla ng clutch at gas. atras abante ka lang muna

  17. Join Date
    Nov 2009
    Posts
    20
    #77
    Late Bloomer ako when I learned to drive, 26 yrs old so "totoy" pa rin sa dra drive. 1st time ko magkasasakyan when i was 27 yrs old (a 3AU Owner type jeep). It was a saturday when i invited my workers to go to SM, 1st time ko magpunta ng malayo layo.

    Namatayan ako ng makina twice habang traffic and worse, nung magparada ako sa carpark ng SM, hindi tuwid , a almost 1 dangkal na lang bangga na sa adventure, iniwan ko na lang ng ganun sa takot, pinagtawanan ako ng mga kasama ko. Nung, bumalik na ako para umuwi, salamat at nawala na ang adventure. Ano kaya naiisip nung driver ng adventure hehehe.. Hanggang ngayon naiilang pa din ako magpark lalo na pag na sandwich ako ng 2 sasakyan sa kalye pero mas Improved na ako.

  18. Join Date
    Mar 2008
    Posts
    199
    #78
    ako din dati, sa matic ako nagsimula. hirap ako sa manual pero ok na ngaun

  19. Join Date
    Jan 2010
    Posts
    8
    #79
    ako..

    mahilig ako sa arcade noon time na hindi pa ako natutuo mag-drive....

    14 pa lang ako nung time na tinuruan ako ng 2nd cousin ko..
    (pinsan ni ermats).. wayback 2002.. 2 nights lang ako tinuruan..
    sa province nila sa ormoc..

    di ko malimutan yung ginawa sa akin nun...

    papa-drive daw nya sa akin yung suzuki vitara..
    madali lang daw kasi automatic...
    ako naman tamang kaba kasi TOTOONG AUTO NA ANG GAGAMITIN KO:shocked:
    so ang ginawa sa akin..
    pinatagay ako ng dalawang baso ng pale pilsen..

    hehehe
    ayun!!! lumakas na ang loob at dun ako nagsimula...


    tapak sa break..
    lagay ko sa D yung cambio..
    ayun!! takbo na..

    nung una medyo nahirapan ako kasi sa arcade...ang steering wheel..
    hindi masyadong malaking ikot...unting ikot lang..sagad agad

    pero yung ginamit ko yung vitara...hinahabol ko yung steering wheel...
    kasi ang laki ng ikot...

    sabi ng pinsan ko...relax lang...

    wala pang 5mins...ayun kuha ko na!!

    tpos nung time na pinag-reverse ako... inilagay ko naman sa R
    biglang tapak ba naman ako sa gas pedal...ayun!! muntik na akong maka-atras ng tao...

    sabi sa akin....tingin ka sa likod mo pag-aatras ka..
    ayun mga 1hour later.. kuha ko na...dali lang

    then nung second night..ako pinag-drive pauwi sa kanila..
    tamang kaba ulit!! 2 bottles again of pale-pilsen..hahahaha

    ayun walang tao, walang kotse, put the pedal to the metal!!
    hahaha full throttle...!!!

    tangal daw amats nila nung ginawa ko yun!! kasi delikado daw yung
    ginawa ko...ayun!! wag mo na lang daw uulitin yun..next time..

    ayun!!! after 2yrs...dito na ako nagformality mag-drive..
    nung time na nakuha ni ermats yung brand new revo namin sa toyota makati...

    dito na ako na-challenge!

    from AT to MT!!!

    but this time... no bottles of pale pilsen na!!
    seryoso na ang usapan dito..

    bagong kuha sa casa, ayun pinagpraktisan ko agad..
    barkada ni erpats nagturo sa akin...

    namangha ako sa kanya nung pinakitaan nya ako ng primera
    na hindi bumababad sa clutch...kahit trapik hindi nya binabad
    saka lang nya tatapakan pag hihinto!!

    sabi ko paano yan!! ayun tinuran nya ako..
    nung una nahirapan ako dahil 2yrs din ako hindi nakapagdrive..
    saka hirap din ako kasi may cambio na akong ginagalaw!!

    madalas akong mamatayan ng makina noon..hehehe

    parang rollercoaster yung revo namin nung time na pinagprakitsan ko!
    biglang kabig!! kasi puro kurbada! hahaha! sa loob ako ng subdivision tinuruan...buti din nung time na iyon..wala pang masyadong tao saka malawak ang kalsada...

    di ko din malimutan nung time na nagalit yung barkada ni erpats sa akin
    humataw daw agad ako saka nung time na kumambyo ako
    siguro nasa 25KM/HR galing segunda, binalik ko sa primera!!
    ayun!! katakot takot na sermon ang inabot ko!! baka daw maputol yung crankshaft ng sasakyan namin sa ginawa ko!!

    pagkatapos ng training ko....hindi pa natatapos ang lahat!!
    nasermunan din ako ni erpats!! dahil ginagawa ko daw racecar ang sasakyan namin...ginagawa ko daw arcade yung sasakyan namin..

    2 days lang din ako tinuruan ng barkada ni erpats..

    wala pang isang linggo after nung time na tinuruan ako

    at dumating ang pagkakataon na iniwan ang susi ng kotse!!
    nasa makati sina ermats at erpats!! at ako naman nasa cavite!!
    ang sabi lang sa akin, ibaba lang ang kotse dahil lalagyan ng pebbles yung grahe namin..

    AYUN!!! HAHAHAHAHA!!! TAKAS NA!!!!! SELF-LEARINING NA TO!! :naughty2:
    nagsawa ako!! hataw dito hataw doon!! hahaha!!
    banat agad ng 80KM/HR sa LOOB NG SUBDIVISION!!!
    dahil malawak ang kalsada namin at walang pang masyadong tao!!
    kaya OK LANG

    PASAWAY!!!

    dun na nagsimula ang driving skills ko!!! take note!! WALA PA AKONG LICENSE NUNG TIME NA IYON

    lakas ng loob!!! ako lang mag-isa!!!!
    kusa ko na lang natutunan yung mga bagay tungkol sa pag-mamaneho..

    lalo na yung pa-akyat!!! buti na lang may bridge na matarik sa loob ng subdivision namin!!! ayun!! kusa mo palang matutunan yun..
    hindi ako nagtry magpa-akyat dati...siguro mga 2months bago ko sinubukan magpa-akyat ng sasakyan sa tulay!!

    parking, atras, abante, pagmamane-obra! braking, handling,..

    nadale lang ako isang beses...

    muntik nang tumaob sasakyan namin dahil sa lintik na gutter..hahaha!
    may chicks kasing naglalakad..ayun nalingap ako..nagulat na lang ako na biglang...BOOM!!! akala ko tataob na ako buti na lang..
    kabisado ko na yung sasakyan namin...tamang preno lang..


    nagkataon pa na panghapon ang sked ko dati nung highschool ako!!
    kaya every morning!! tulog pa sna erpats at ermats!!!

    bantay salakay!!! then!! TAKAS THE CAR!!!

    ayun!!! halos isang taon din akong nag-drive sa loob ng subdivision!!
    nung naging 17 na ako..kumuha na ako ng student license!!
    pinatulog ko lang ng isang buwan!! walang ka-alam alam magulang ko!!

    MAY NON-PRO na ako

    ayun!!!!

    dating GAWI!!! TAKAS THE CAR PAG WALA SILA!!
    this time!!! hala, EDSA, COASTAL, SKYWAY, bsta highway...
    ayun!!! hataw to the max!!!

    trapik!!! sabayan to the max din!! gitgitan dito gitgitan doon!!
    maraming pasaway sa kalsada!! lalo sa EDSA!! pag di ka nakipagsabayan
    ipit ka!!

    dun ko din na-realized na MARAMING PASAWAY SA KALSADA!!
    saka habang tumatagal....dun na din na-develop ang pag iingat ko sa kalsada!!

    lalo na pag may mga pasahero ako na dala sa sasakyan namin
    from agressive to defensive... pero depende pa din sa situation..

    nagsawa din ako!!

    kaya ngayon, 21 na ako, pag gusto ko na lang magdrive yun na lang...
    mas masarap mag-commute eh!!! hehehe mahal pa ng gas!!

  20. Join Date
    Mar 2011
    Posts
    31
    #80
    Reklamo ko sa nagturo saken dati, masyadong syang OA kapag merong mga obstacles, kala nya I would not be able to handle it kaya ako naiinis. :D Kasi bigla nyang hinahawakan ang manibela.

    Ngayon tinuturuan ko si esmi, mas matindi pala ako sa nagturo saken )

    As in nagpipintig ang tenga ko hehehe!

    Madali naman ako natuto, even sa hanging. Pinaka malaki kong damage e sumabit ang tagiliran ng likod sa poste dahil ang sikip ng intersection at may nakabalandrang concrete blocks sa may gitna. :D

Page 4 of 5 FirstFirst 12345 LastLast
Basics of Driving. Experiences nung "totoy" pa kayo sa driving.