New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Page 1 of 2 12 LastLast
Results 1 to 20 of 91

Hybrid View

Previous Post Previous Post   Next Post Next Post
  1. Join Date
    Sep 2006
    Posts
    35
    #1
    Hi mga sir!

    Lahat naman po ata dito dumaan. Pa share na lang po nung mga experiences nyo nung nag aaral pa lang kayong mgadrive. How-To's and Tips and tricks sa driving na natutunan nyo na baka makatulong sa mga baguhan. MT vs AT, nakahang o stuck sa traffic na uphill, highway driving and paano magdrive sa mga nakakainis na daan ( lalo na sa edsa ). :meeting:

  2. Join Date
    Feb 2005
    Posts
    3,299
    #2
    naku..hindi ko na matandan. nung natuto kase akong mag-drive, si Ferdinand Marcos pa ang presidente at si Ninoy Aquino eh nasa Boston pa.

  3. Join Date
    Apr 2006
    Posts
    913
    #3
    ako laging namamatayan ng makina, lalo na from complete stop.

    ang ayaw na ayaw ko ay yung hanging pataas tapos traffic he he. practice mo mabuti yun.

  4. Join Date
    Sep 2006
    Posts
    35
    #4
    palagi me namamatayan rin from complete stop. lalo na pag may kasama me na habang magaral magdrive. pag ako lang magisa, parang ok naman. kabado. hahaha. takot din ako sa edsa kaya sa konting sasakyan muna. village ng pinsan ko. wala gaanong kotse. yung "timpla" ng clutch at accelerator ba habang hanging ka sa uphill kanya kanyang "timpla" lang ba talaga yun o may dapat kang sinusunod?

  5. Join Date
    May 2006
    Posts
    8,357
    #5
    kanya-kanyang timpla siguro ako nga noon todo apak sa clutch para hindi mamatay makina.

  6. Join Date
    Aug 2004
    Posts
    22,702
    #6
    Hmmm... I've spent the last ten years trying to unlearn what I was taught when I was learning to drive... anggaling naman kasi ng mokong nagturo sa akin...

    Ang pagbalik ng comeback...

  7. Join Date
    Sep 2006
    Posts
    593
    #7
    ahehe.. naaalala ko pa.. when i was around kinder or grade1, my dad or my uncles would sit me on their lap and let me take the wheel. then when i was in grade 3 or 4 they'd let me shift. so by grade 6 i knew how to drive. ofcourse I can barely reach the pedals and see beyond the dash then

    another thing i remember was.. i thought that as i worked my way through the gears that i dont need to downshift anymore even after slowing down. kala ko laging nasa quarta nalang sha

  8. Join Date
    Aug 2006
    Posts
    17
    #8
    Dito ako nagpraktis sa Saudi way back 1998,wala pa akong lisensya, pahiram hiram lang , kaso bumaon ako sa buhangin akala ko pwede pwersahin sa silinyador pero lalong bumaon.Buti na lang me tumulong sa aking trailer... hinatak nya...

  9. Join Date
    Jan 2006
    Posts
    2,105
    #9
    namatayan sa makina sa stop ay okey lang... yung nagpa-panic kung namatayan ng makina sa traffic ang hindi okey.
    Last edited by rion; October 3rd, 2006 at 09:27 PM.

  10. Join Date
    Oct 2005
    Posts
    51
    #10
    ako naman grade 6 ako, gumising ako ng maaga para walang tao first time ko magdrive nilabas ko yung oto sa garahe paatras sobrang excited ko nakalimutan ko isara yung pinto ng oto. pag atras bumangga sa gate namin yung pinto ng oto wasak. nagising erpats at ermats ko ayun palo sa pwet hahaha

  11. Join Date
    Sep 2003
    Posts
    21,384
    #11
    Natuto akong mag-drive, sa owner ng erpats ko. Atras-abante muna, para matututo lang kung paano "kontrolin" yung clutch at accelerator. Then, parallel parking.

    Eto na......nung sinubukan kong sa labas na magmaneho, okay pag tumatakbo na. Problema, kung inabot ako ng "stop" sa traffic light. Yung full stop. Pag binusinahan na ako nung nasa likod ko, nagugulat ako, namamatay makina ko!
    He-he! Puro mura inaabot ko......

  12. Join Date
    Nov 2005
    Posts
    7,976
    #12
    all of my apprehensions were beating the red light

    and swerving (kuno) namumutla ako kasi kala ko ikukulong

    ako but thats 19 yrs ago. mga gate ang inaatrasan ko,

    gate namin at gate ng simbahan na nananahimik.

    buti na rin kesa tao.

  13. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    1,829
    #13
    totoy days sa driving... (1983)

    - naka-yapak magmaneho.
    - walang humps-humps sa akin noon. (kablag!!!)
    - mahilig mag-dirty finger sa jeepney drivers.
    - kaskas ang gulong sa gutter while parking sa sidestreets.
    - namamatayan ng tsikot kapag primera or green light na!
    - P5.00 per liter pa noon.

  14. Join Date
    Sep 2005
    Posts
    939
    #14
    ako eto.

    - practice car ko 1976 Mitsubishi Galant hindi ako natuto tuto dito sa kotse na ito. medyo nadalian ako sa pagdadrive nung ginamit ko iyong isa naming sasakyan na 1992 Nissan Sentra. year 1996 nun at mga nasa 11php per liter ang gas. nung naguumpisa akong magdrive takot na takot akong lumiko. as in ayaw ko lumiko at feeling ko mababangga ako. pagliliko ako talagang full stop tapos tingin sa kaliwa at kanan tsaka lang ako liliko.
    - masipag sipag pa ako maglinis ng sasakyan hehehe.
    - may oras din na mahilig akong magpaiyak ng gulong :D. ano pa ba.

  15. Join Date
    Sep 2006
    Posts
    36
    #15
    Pina-enroll ako ng utol ko sa A1 Driving School sa tabi ng Sto. Domingo Church. Tanong sa akin ng driving instructor, "Ano alam mo sa shifting?". Sagot ko, " Basta alam ko letter H". Wala akong idea noon kung kailan ko gagamitin ang primera, segunda, tercera at cuarta. Anak ng tipaklong......yun 1 week na driving ko ay tumagal ng isang buwan dahil laging napo-postpone dahil sa burol noon ni Ninoy sa Sto. Domingo. Laging ang daming tao sa paligid ng driving school. Further training ko ay sasakyan ng utol ko na 79 Corona. Engineer noon sa NAPOCOR kaya 1 weekend ay test nya ako doon sa isang kalye sa gilid ng BIR. Noong actual driving exam ko na sa LTO ay naghihintay kami para sa practical exam ko. Wala siguro tiwala kasi baka ibangga ko lang yun Corona niya, nagtaka na lang ako na OK na raw. Yun pala binayaran na lang yun examiner. Wala pa rin tiwala sa akin kaya hindi ako nag-attempt humiram ng Corona niya noon at kasi sobra alaga niya ito. Doon ako sa isang utol ko humihiram ng Lancer box type o kaya yun Liftback na una naka-3K makina tapos pinalitan ng 2TG.

  16. Join Date
    Dec 2002
    Posts
    1,542
    #16
    Praktis vehicle naming HS magbabarkada yung stainless na Ford Fiera na gas type na Panghakot ng isda ng isa naming kabarkada....

    Sumasama kami sa paghakot, dun pa yun sa Malabon/Navotas Fishport. Eh tagal yun kaya habang wait praktis muna kami dun sa maluwag na parte ng parking lot.

    Tapos pag uwi, paalam namin sa magulang nya kunwari huhugasan namin sa kanto, ayun dinadala namin sa Fort Bonifacio (wala pang The Fort noon, puro open field pa ang kampo kaya super luwag). Ambag-ambag sa gas, tapos take turns sa manibela.

    Tapos nung magkadyip sila na pampasada, yung barkada namin ang naglalabas sa gabi tapos 5 kaming pahinante/alalay. Ruta namin Guadalupe-Cartimar. Ayun, habang nakapila, kami tiga-abante.

    Pero on da serious side, si erpats may Volks noon, ayun ang pinagtripan ko ng husto. Nagsimula sa simpleng start/stop engine muna. Then paurong-paatras. Tapos ayun di nya namalayan asa kalye na kami.

    Initial na sakit ko lang that time is di ko masyadong napi-press yung clutch kapag shift ng gear kaya ayun parang may yelong kinakayod sa makina

    Pero di ko malimutan one time, on my first job, pinakuha sa akin ng boss ko yung Lancer nya sa casa coz naiwan nya license nya. Ayun, nagmayabang ako at nag-volunteer na ako na lang. Pagdating sa casa, eh di ilalabas ko na sa working bay, start engine, baba handbrake, apak clutch, ayaw pumasok ng gear, in short ayaw umandar. Baba ako, got a phone and tawag ke boss sabi ko may problema pa coz ayaw umandar. Punta agad sya dun, nung sya nagpa-andar one click lang lahat, turned out na medyo engot lang ang pag-apak ko sa clutch, asa 1/4 lang ata ang apak ko kaya di pumapasok yung gear

  17. Join Date
    Jan 2006
    Posts
    360
    #17
    Ako sa jeep ng erpats ko natuto, marunung na ako mag drive pero one time may karga ako na mabigat and ang daan is paakyat ( dalton pass) nag karoon nga buildup sa daan napilitan ako mag stop on the incline. Naku eto na di ko na matimpla maigi kasi mabigat karga ko namamatay makina! My dad who is besides me told me to step on the brakes and clutch at the same time with my left foot. Give some RPM on the engine and slowly release together (Clutch and brake) by slowly raising my left foot. sabay timpla konte sa gas. ayun umabante ang jeep na di namatay.. but now I dont need it may hand brake very effective sa incline..

  18. Join Date
    Jul 2007
    Posts
    121
    #18
    I learned driving when i was 10 on our corolla liftback and started driving alone when i was 16 years old with license. My dad teached me how to drive with just using the clutch alone without the accelerator muna so that i can "FEEL" the car then as i progress in moving the car he thought me naman with the use of the clutch and the accelerator pedal altogether. As i mastered the correct "TIMPLA" of acceleration, i was trained naman thru "INCLINES". That was a bit easy for me considering that there is "Handbrake" already. Nasubukan ko rin talaga yung hanging without the handbrake. kailangan mabilis talaga ang paa mo. Currently,im learning how to drift na. Its fun pero its a bit expensive because wala pa akong sponsor sa tires hehe.

  19. Join Date
    Apr 2007
    Posts
    11
    #19
    hehehe ako una natuto nung 12 yrs old pa lang ako hehehe. tinatakas ko pa nga yung kotse ng erpat ko eh, nagtataka siya bakit bawas lagi yung gas hehehe, nung beginer pa lang ako kala ko yung sa tachometer uubusin mo i mean yung kailangan hangang 8 or 7 hehehehe di ko alam nun. uhm kasi ako di ako nagpaturo eh kusa lang ako. kasi kapag willing ka talaga matututo ka agad eh, tsaka dapat relax ka lang at easy ka lang sa pagddrive kasi baka madisgrasya ka pag mainit ulo mo at wag ka kaskasero. wag mo rin habulin yung mga nag oovertake sayo kasi naranasan ko na yan bawat may nagoovertake sakin pinipilit ko rin lagpasan hehehehe. kaya tol sa pag ddrive ingat lang lalo na pag may passaenger ka, buti kung isa ka lang gawin mo kung ano gusto mo, pero iba pag meron ka pasahero isipin mo muna sila bago sarili mo^^

  20. Join Date
    Oct 2005
    Posts
    5,465
    #20
    About 5 years ago, i learned to drive in our then car, a 97 Nissan Sentra EX Saloon. Ayos naman, madali natuto. I guess my passion in car and driving went to play there. Di ako nag driving school. Pag gabi, since dito ako sa p4 nakatira lapit lang sa katipunan. Itatakas ko ung oto namen bitbit ng dalawang malaking bato. Basta i know naman how are the basics of driving, saka baon ang matinding inspiration na makapag maneho at maka porma kapag marunong na magmaneho heheh... hindi naman ako nahirapan. Yung dalawang bato, baon ko lang kase nung una hirap talaga ako sa 'hangin'. Pag hangin tapos intersection or likuan, mag hand brake muna ako tas mag lagay ng bato sa likod na gulong tas pag nakaalis na ako sa spot. Ipaparada ko yung oto sa patag, tas babalikan ko talaga yung bato na pang kalso ko kahit gaano pa kalayo ko sya naiwan. hehehe
    That went on, for a couple of weeks until binigla ko na lang ang parents ko na marunong na ako mag maneho. Ang tinuro na lang sa ken ng dad ko is pag 'menor' dahil i come to intersections quite quick daw and some other polishing to my driving techniques.

    and did i tell y'all guys that i dont have a license nor student permit that time?
    hehehe another thing in learning how to drive is 'lakasan lang ng loob'. But dont get me wrong, get your permits first before laying your hands on the wheel and have a pro by your side. ;)

Page 1 of 2 12 LastLast
Basics of Driving. Experiences nung "totoy" pa kayo sa driving.