New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Page 1 of 3 123 LastLast
Results 1 to 20 of 43
  1. Join Date
    Apr 2006
    Posts
    20
    #1
    mga sir, advice naman. first time ko kasi mainvolve sa ganito and almost 1 year pa lang ako drive.

    while driving last night biglang nag-stop yung truck ahead of me so nag sudden break din ako. ingay nga nung gulong ko talagang sumadsad. around 60kph yata takbo namin. luckily di ko naman sya inabot. kaya lang yung L300 FB na sumusunod sa akin di yata kumagat agad yung break ayun sapol likod ko. buti hindi natumbok, right side lang.

    eto ngayun, after lahat lahat na, investigation, police report etc... insurance na raw nila bahala sa damaged. paano ko ba dapat i-handle to? sabi nga nung pulis mabuti pa kung tao tao lang. pag insurance baka abutin daw siyam-siyam. kaso no choice insurance talaga mag-aayos. help naman what to do? ano ba yung mga dapat kung gawin para mapabilis? sabi lang nung pulis bahala na kami mag-usap nung nakabangga. pag walang nangyari balik daw ako to file a case...

    comments naman po...

    thanks!!!

    upload ko pix later...

  2. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    22,658
    #2
    Dapat magkasundo kayo ng kabilang party na insurance nila magbabayad since they rear-ended you. Yun, eh kung may insurance sila. Kung wala, dapat bayaran nila damages mo ng out of pocket.

    http://docotep.multiply.com/
    Need an Ambulance? We sell Zic Brand Oils and Lubricants. Please PM me.

  3. Join Date
    Apr 2006
    Posts
    20
    #3
    yun na nga sir ang usapan kagabi, insurance nila magpapagawa. di lang daw dala yung insurance policy. kaya meet kami mamaya para dalhin nya yun. paano ba yun? kung sakali man na may dala syang insurance policy maghihintay ba ako na kontakin ako nung insurance nila o ako na maunang tumawag? di ko pa rin daw pwede ipagalaw yung kotse hanggat di nakikita nung insurance company nila. eh baka isang buwan na di pa tinitingnan....

  4. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    22,658
    #4
    Hindi naman aabot ng isang buwan iyan. Pero hindi din ganun kabilis. Example lang, nabangga yung Starex dito last September 2. Yung insruance na mismo ng Starex ang ipapangpaayos. Kahapon nagpunta ko sa Ssangyong Quezon Ave. to check the progress of the work. Lo and behold, wala pa ding nasisimulan. Hindi daw magkasundo ang insurance at repair shop kasi masyado ata mababa ang gustong ilabas na pera ng insurance. Pero natignan na ng adjuster yung sasakyan (3x na ata). Hindi lang talaga sila magkasundo.

    Baka next Tuesday pa masimulan ang trabaho. That's already 17 days na naka-tambak sa talyer yung Starex. Tapos mga 10 working days pa daw ang gawaan. Kung hindi lang malaki sira, out-of-pocket na lang ipapagawa yung unit.

    Mag-usap nga muna kayo ng kabilang party. Kung maayos naman silang kausap at maayos din ang insurance company nila, hindi naman masyadong matagal. May police report naman na kayo, pwede ka mag-file ng case kung tinakbuhan ka.
    Last edited by OTEP; September 14th, 2006 at 10:12 AM.

    http://docotep.multiply.com/
    Need an Ambulance? We sell Zic Brand Oils and Lubricants. Please PM me.

  5. Join Date
    Mar 2005
    Posts
    8,837
    #5
    L300FB na naman

  6. Join Date
    May 2004
    Posts
    1,175
    #6
    Pwede din naman na gamitin mo yung insurance mo para mas mabilis. just ask the other party to pay for the participation. tapos both insurance na lang ang mag-uusap.
    Just make sure that you ask them to sign in the insurance claim/report. Don't forget to get a photocopy of the driver's license, latest OR/CR...just in case takbuhan ka.
    Malamang kasi na tumagal ang pag ayos ng kotse mo kung insurance nila.

  7. Join Date
    Apr 2006
    Posts
    20
    #7
    ganun po ba, thanks....by the way ako ba pipili ng pagpapagawaan? pwede ko kaya ipasok sa casa? kasi parang lumalabas binabarat nung insurance eh...

  8. Join Date
    Apr 2006
    Posts
    20
    #8
    kaso sir walang insurance kotse ko....i bought it 2nd hand eh. 1994 model pa..

  9. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    22,658
    #9
    I-check mo sa insurance kung ano ang accredited shops nila. Hindi lang naman iisa iyan, mamili ka na lang. Ano ba ang sasakyan mo? Kung i-cash settlement mo kasi minsan mas mababa. Yun nga lang pwede ka mamili ng talyer kahit yung hindi accreditted.

    Pwede mo nang dalhin sa totoong crash repair facility (hindi sa casa). Madaming recommended paint and body shops ang Tsikoteers. Sa More than Looks section siguro. Casa is not really the best choice pero acceptable na din naman minsan ang trabaho.

    Yung unang bangga ng Starex (sumabit sa tricycle), sa casa ng Hyundai ginawa. Ang panget ng resulta. Nung sumunod na masabit, dinala ko na lang sa not-so branded na shop ng kakilala ko, mas maganda pa resulta kasi binantayan. Mas mura pa singil. hehehe. Yun nga lang nabangga ulit (dun pa sa bagong gawang section nabangga!).

    kaso sir walang insurance kotse ko....i bought it 2nd hand eh. 1994 model pa..
    Kung insurance naman nila magsesettle, hindi mo na kailangan ng insurance sa part mo. Sila na sasagot ng repairs diba?

    http://docotep.multiply.com/
    Need an Ambulance? We sell Zic Brand Oils and Lubricants. Please PM me.

  10. Join Date
    Apr 2006
    Posts
    20
    #10
    1994 accord sir,...

  11. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    22,658
    #11
    http://tsikot.yehey.com/forums/showt...hlight=zinggoy

    Ito yung thread ng Zinggoy (paint shop).

    Mag-usap muna kayo ng kabilang party kung paano isesettle ang manner.

    http://docotep.multiply.com/
    Need an Ambulance? We sell Zic Brand Oils and Lubricants. Please PM me.

  12. Join Date
    Apr 2006
    Posts
    20
    #12
    thanks a lot sir... bagal mag upload photobucket. post ko sana para maestimate kung magkano abutin...

  13. Join Date
    Apr 2006
    Posts
    20
    #13
    got the number of zinggoy, try ko tawagan mamya. btw calamba area ako...does anyone knows a good shop here? body works malamang....

  14. Join Date
    Apr 2006
    Posts
    20
    #14
    eto yung pix.....sa tingin nyo magkano aabutin?


  15. Join Date
    Jan 2005
    Posts
    687
    #15
    sir by the looks of the damage to your vehicle, malaki ang gastos dyan... malamang eto mga gagawin dyan...
    for replacement: rear tailgate, rear rh taillight, rear bumper
    other things to do: repaint, alignment

    these are some of the things that i can think of na gagawin... more or less ang gastos dyan hindi bababa ng 50k... kung ang gagastos insurance nya, definitely babayaran nya participation plus % kung magkano yung mga papalitan... example: if a new tailgate would cost them around 25k and since your vehicle is more than 10 yrs old then there is already a depriciation of the value ng vehicle and yet bago ang ikakabit na tailgate so that would be unfair for the insurance company kaya may share na ang assured ng more than 75% of the total value nung cost nung pinalitan... mods and gurus kindly correct me if i'm wrong...
    Last edited by jvdejesus05; September 14th, 2006 at 11:07 AM.

  16. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    22,658
    #16
    JV, yung Php50k is for insurance estimate (bloated figure). Kapag alam ng shop na out-of-pocket mo ipapagawa, normal industry rates o kaya presyong kaibigan lang.

    Counting two major panels, one bumper, and one taillight: mga Php15k iyan kung out of pocket mo ipapagawa sa mid-level na shop. Sa high end shops like Alex, nasa Php36k iyan kung out-of-pocket.

    Kung sa ordinary shop mo ipapagawa iyan without replacing the rear bumper. Count on something like Php8k. Basta alam dapat ng shop na out of pocket.

    http://docotep.multiply.com/
    Need an Ambulance? We sell Zic Brand Oils and Lubricants. Please PM me.

  17. Join Date
    Apr 2006
    Posts
    20
    #17
    out of pocket means sa bulsa ko manggagaling tama ba? and not from the insurance...

    iniisip ko kasi kung sakali nga na sabihin nila na cash na lang then ako magpagawa. at least may idea ako kung magkano aabutin. if ever na papalitan ko lahat ng damaged. 50k kaya abutin???

  18. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    22,658
    #18
    Out of pocket means insurance won't be dealing with talyer. Cash basis kayo. Pwedeng galing talaga sa iyo ang cash or nag-cash settlement kayo ng insurance.

    Diyan ko din naatrasan Honda ng pinsan ko. Where the trunklid, taillamp, and bumper meet. Cracked yung taillamp. Nung inestimate, Php12k ang damage. Per panel kasi talaga ang bilangan. Sayang nga ang liit lang ng damage. Sana sinulit ko na since sa Alex din naman nila pinagawa (high end).

    Pwede ka naman na magpaestimate sa mga talyer ngayon. Wala naman bayad ang written estimate (except sa casa, lahat may bayad dun). Para lang may idea ka. Wala din ako kilalang shops sa area mo. Malay mo mas mura diyan.

    Pero the best pa din, antayin mo ang pagkikita at pag-uusap niyo ng kabilang party.

    http://docotep.multiply.com/
    Need an Ambulance? We sell Zic Brand Oils and Lubricants. Please PM me.

  19. Join Date
    Apr 2006
    Posts
    20
    #19
    yun pa isang problema, tanghali na wala pang tawag. usapan namin magkikita kami ngayung 2pm. rizal pa daw sya manggagaling. kaso tinatawagan ko unattended lahat nung binigay nyang number

    btw yung L300 FB is company owned. FMIDC company nila, plus 2006 yung make/model yung FB nila.

  20. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    22,658
    #20
    Wala ba sa yellow pages ang landline ng company nila?

    http://docotep.multiply.com/
    Need an Ambulance? We sell Zic Brand Oils and Lubricants. Please PM me.

Page 1 of 3 123 LastLast
HELP!!! nabangga kotse ko!!! what to do???