Pagcheck ko kagabi ng headlight ko, isa lang pala umiilaw. pundido ata yung isa dahil kahit galawin ko yung wire hindi na umilaw. Ask ko lang pano alisin yung bulb. May goma kasing naghohouse dun sa wire. Unlike sa rear lights, iikutin lang then madali nang alisin yung bulb. yung sa headlight parang mahirap alisin. Sakto pa yung papalitan ay nakaharang yung lalagyan ng tubig for windshield.
baguhan pa lang ako kaya hindi ko kabisado lahat ng parts pati mga bulb type. pero stock pa yata yun. nakalagay sa pinakamalaking bilog ng headlight. may yellow sa ilalim kapag park lights then nasa looban yung white. yung white yung napundi.