Gecko, wow ang laki, grabe parang gusto kong mag refund na lang ng down ko hahaha at pumunta na lang ford balintawakyung new everest na din ba yun? Yung lumang everest kasi ICA1, binibigay sa akin 135,000 discount, pero dito sa new na ICA2 na gray na interior 110,000 lang talaga, sa ford libis nga, wala daw discount dahil bagong labas, napa "nge" ako, LOL. Thank you sir.
Noel, thank you sir. sa pagdating nung unit ko pa bayaran din insurance, salamat sa tips mo sir, gagawin ko yan. I-go ko na din siguro sir 5,000 ang difference? wala naman kasi akong ibang alam na insurance, ang hirap din ng ngayon lang nakabili ng sasakyan, wala naman ako ibang mapagtanungan, kasi wala kaming relatives na malapit sa akin.
oo nga sir Gecko, ano nakuhang freebies? ang nakuha ko lang 3 yrs. LTO, tint saka yung mga seat cover ata. Pero wala ng ibang matinding freebies, hehe.
sa special plate nga sinisingil ako ng 25,000-35,000, nanghihinayang naman ako, kaya sabi ko hindi na lang.
sabagay mga sir, ang ford cainta malapit sa amin, kasi diba doon din ako mag papa maintain ng sasakyan, hindi pwede sa ibang ford? Eh sulit na rin siguro, kasi isang bato lang ang layo sa amin nung dealership, ganun ba yun? Kesa kung balintawak, pahirapan ako nito sa pag punta sa kanila for maintenance.
*Noel: Meron backing sensor and usual freebies
*snow: 2013 model na, although very minimal lang naman difference ng 2013 model sa previous one eh. (EVEREST sticker sa hood instead na engraved sa grill, no socket key at the back on 2013 model, steering wheel controls sa 2013 and the different color variants)
Just remember that it all boils down to your haggling/negotiations talent
I got my Eve before with a discount of 80K but with a FREE ICE, usual freebies like window visor, car cover, back sensor, car seat cover and FULL Tank----- sa Global City pala ako kumuha.
New 2013 Everest owner here, got mine last 04/26, pahinga muna Accord ko
Question lang sa mga naka A/T, does yours make a hissing sound when you put it in Reverse?
*Gecko Guy- sir paki kunan naman ng pics ang steering wheel controls , wala kasi sa mga site nila. T.i.a.
Congrats on your new ride!![]()
Oo Sis, kaya nakapagbigay din ako ng advices kasi kakukuha ko lang din yung sa akin. Fresh pa yung mga transaction ko dito. Nag-inquire din ako sa Ford makati pero hindi na ako nakipagkulitan kasi nagbigay agad ng deadline yung SA na kaya nyang ideliver yung unit within the week dito sa Dagupan kung saan malapit at convenient ako na puntahan.
Congrats sa mga new Eve owners!
Register na po sa FCP and umpisahan na ang kamot hehehe
Sir Noel, taga dagupan ka pala, taga calasiao kami, hehe, pero dito kami sa rizal area nakatira. Natawa naman ako sa gapang na, hahaha, sabagay yung nissan frontier din namin, pag pabilisan na, gumagapang na din, hehe.
Sir Gecko, naka registered na ako dun, same nick, post ko dito at doon ang pic ni new eve, kapag nakuha na namin mamaya. hehe.
Would ford possisibly fit the wildtrak engine on Everest? Same as Chevy did on trailblazer and Colorado?
San ba nakakabili ng mud guard para sa likod ng Everest? nadudumihan kase kagad...
*Beni, sir, ilang taon na si Eve mo, bakit may kalawang? dapat pala iche check din yan palagi, hindi kasi ako ma alam talaga sa sasakyan.
*Brennt, sir, yan din problem namin ngayon, nadudumihan si everest pag naulan, kasi walang mud guard sa likod.
*Noel, hello sir, may mudguard na ba si Eve mo sa likod sir, saan ka nagpakabit?
sa mga bagong owner ng Ford Eve 2013, may mudguard na ba sa inyo? Help please..
Grabe putik na tumatalsik sa body niya kahapon kasi maulan, kawawa naman si Eve![]()
Going 3 years na siya this July kaya hinabol ko sa warranty.
Meron kay Auto intensity Banawe. 600 per pair ang bigay saken. Pero nung nagpunta ako dun last month wala sila stock. Sabihin niyo na lang nirefer kayo ni Beni ng Team Ford Everest para 600 lang din bigay sainyo or malapit sa presyo na yun. Hehe.
My observation kay Eve at 1800km odo run:
1. Riding comfort are very good (not stiff nor bouncy)
2. FC is good (10kpl average)
3. Kailangan ng extra effort sa backing, medyo mabigat yung steering wheel. (or nasanay lang kay ASX)
4. Up to 90kph ok ang arangkada, 90-120kph parang pagod na, at 130kph up gapang na.(smiley)
Overall, satisfied & never envy other SUV on its level!
Kababaley!
Sarap ulit ihataw ng eve ko, unioil euro 4 diesel na pinapakarga. Anggaan ulit at smooth. Hehe.
Hehehe, naninibago lang siguro ako sa arangkada. Anyway, madalang naman akong abutin ng 130kph kaya no big deal kahit ganun nga si Eve. May time kasi na sinusumpong ako ng ayaw patalo sa maangas sa highway kaya kailangan ko ng power, pero madalang naman yun. Importante yung riding comfort nya, satisfied na satisfied ako!
Congrats sa new ride mo.
Check up agad ng mga defects lalo na yung beyond minor para makahirit ka pa ng freebies. Pag major ang defects, huwag mong tanggapin, yun nga lang lalo kang mae-excite kay Eve mo.
^ Nakuha na namin si Eve kanina Sir Noel, mga sir, sa inyong lahat, thank you sa lahat ng tips, mabuhay kayong lahat, pa share na rin ng konting pic, eto ako, na drive ko na kanina,:
Nissan frontier yung 1st car namin, aba grabe ang gaan ng manibela ni Eve, natuwa ako hahaha, saka, yung lubak, walang wala akong maramdaman, kaya hindi ko nga alam kung bakit sabi matagtag siya, siguro kasi nasanay ako kay pick up na matagtag to the max hahahaha
super saya, worth it, sana lang wala kaming maging problema.
Maraming salamat ulit sa inyo, sa ford club member din ako hehe.
Nga pala mga sir, patanong naman, ganun ba talaga yung side mirror niya sa right side, may linya na hati? sabi nung SA, ganun daw talaga, para malayo ang kita mo, pero ganun talaga? parang naduduling kasi ako, divided kasi, yung left side naman hindi naman ganun.