
Originally Posted by
twistan_bebe
Mga sirs, regarding sa hill launch assist feature, hindi tayo puwedeng dumepende sa mga SA's lamang dahil kahit sila minsan hindi nila alam ang mga features ng sasakyan na binebenta nila. Isa pa, maging alert din tayo sa mga features na kasama ng unit dahil minsan, magkakaiba ang features ng unit na nadedeliver sa atin. May mga batches ng unit na dumarating na may ganitong unit, tapos sa susunod na batch ng unit hindi ito kasama. Nakadepende din kasi talaga sa planta nila ang mga unit na pinapadala dito. Kaya kahit sabihin na natin na sobrang knowledgeable ang SA natin pero pag dating naman ng unit mo ay biglaang magbabago ang feature nito, naooverlook na niyang icheck pa ito. Ang maganda talagang gawin ay magresearch muna sa internet ng unit na gustong bilhin. Mainam din na kahit nagkakaubusan ng unit, kahit nagmamadali ka ng bumili, pinepressure ka na ng SA mo na bilhin ang unit dahil may ibang gustong kumuha, icheck mo lahat ng features na mayroon ang unit na kukunin mo. Para ng sa ganoon, hindi na natin kailangan hanapin ang mga features na wala naman sa unit natin. Isa pa, basahin ng maigi ang manual. Malaki maitutulong nito sa mga bagong owners ng sasakyan.
Para naman sa hill launch assist, IMHO, huwag din tayo maging dependent sa feature na ito. Bahagi ng pagkatuto natin magdrive ay ang matutong mag "hanging" kapag steep ang kalsada. Mahirap dumepende sa computer, baka magkaroon ito ng failure madisgrasya ka pa (huwag naman sana). Mas mabuti pa din na ang driver ang may control sa sasakyan at hindi ibang bagay.