Serenitea
Chatime
Gong Cha
Happy Lemon
Infinitea
Moonleaf
Ersao
Dakasi
Tea 101
Bubble Tea
Share Tea
Others
Grabe talaga ayaw paawat milktea craze ngayon. Pati yung kowloon house west avenue eh nakisali na. Napapaisip ako kung kakain jumbo pao tapos nakita ko bakit ang dami kumpulan tao eh alas-onse na ng gabi. Pag lapit ko eh may milk tea pala. Kaya pala patok kasi meron 1 liter size parang yung sa tea 101 na empire.
Yung lasa pwede na. Syempre hindi kalevel ni chatime or gonghca pero above naman kay zagu na powder based na hindi dapat binabalikan kung may taste kayo kagaya ko.
Tapos nung isang araw din napadaan ako scout tobias street eh may milktea shop din. Tataka ako bakit ang dami tabi-tabi ng grab food motorcycles sa tapat. Yun pala pipila sa milktea mga mokong.
masarap na milktea " The Alley " sa BGC
^________________________^
after some time with milk tea,
i'm bored already.
not so with classic hot tea.
The milk tea itself isn't really special
Part of the fun is going out at midnight to get it
And seeing other night owls hehe
Last edited by uls; March 1st, 2019 at 02:02 AM.
A new milk tea shop will open here on Friday, sikat daw to sa Pampanga, sana masarap yung matcha latte nila. [emoji5]
Sent from my H8266 using Tapatalk
grabe mahlupet yung boba milktea ng kowloon west ave ah. Kanina around 11pm eh within 30minutes eh mukhang 100cups na agad nabenta. Kasi parang every 5minutes magpopool ng palima-walo customer. Eh tumambay pa kami at 1am na umalis. Dami kotse naghahazard.
Its the pearl talaga kaya binabalikan milktea. Yung combination talaga slighty pait astrigent ng tsaa, creaminess ng milk, sugar, tapos yung pagchew sa pearl = makacreate ka ng happy food na affordable delicious unpretentious. Almost all milktea shop eh takeout ang order. Tapos dami din nakamotorcycle. Ganda rin kasi ng pwesto nila na kanto na paakyat. Kita agad eh.
Ayaw magpaawat ng milktea craze. Ayaw din magpafranchise ng chatime and coco. Yung iba nagtatayo ng sarili eh punta talaga sa taiwan to study the business model.
Pag nagkatime ako eh gusto ko ipasok yung bihira na dahon na mas mahal pero pag natikman nyo mapapasipol ka sa sarap. Kasi ayaw ko din mang-gaya. Gusto ko may yabang ako na im the first. Ang dame klase tea masarap sa china. Basic pa lang ito naiinom sa pinas.
does the kowloon basic product already come with the pearls, or is this an extra, with extra charge, of course?
Ako di na pupunta sa taiwan , mag oppen na lang ako
Ng
Buko pandan milk tea
Leche flan milk tea
Bibingka Macapuno milk tea
Mais Con Yelo Milk Tea
Sapin sapin milk tea
Halo halo milk tea
Tsokolate Batirol milk tea
Puto Bungbomg Milk Tea
Puto Queso Milk Tea
Yema Milk Tea
Good Sheperd Ube Milk Tea
Kalabaw Milk Tea
Pulbisin ko na lahat ng milk tea na yan
Habang umiinom ka milk tea, magsalita ka ng "Kags. Kags. Kags". Kung may ngumiting tao, si kagalingan na yun. Haha
Anyways, matry nga yang milk tea sa Kowloon.
Sent from my SM-N960F using Tapatalk
Putsa 1 liter milk tea at 12mn , anukaba uls bat ka nagpapataba. Yun lang minention mo naghahanap ka ng kapwa mo midnight owls eh giveaway na, are you experiencing some sort of pre-depression or something? Snap out of it uls, I care coz i care
After a week of drinking boba eh balik chatime centris ako. Iba talaga quality. Sa pearl pa lang winner talaga. Yung marble collection tinary ko sarap talaga pag latte kasi real milk gamit. PAg kuha direcho sa kotse tapos hindi ko muna inistart, shinake ko muna milkte kasi malapot yung liquid brown sugar sinigurado ko namix na bago tusukin ng straw. Habang shineshake eh napansin ko mga dumadaan eh sumusulyap pala habang nagsheshake ako eh wala tint windshield. Parang natatakam din sila eh shake palang ginagawa ko. Inggit much!!!!
Pero this week or next magtry ako happy lemon. Super tagal na ako hindi nakainom jan. Maaga kasi magsarado magnolia tapos sa sinehan pa nakapwesto.