‘Unli rice’ ibabawal ng NFA
Dahil sa walang katiyakang pagkaubos ng supply ng bigas, pinag-iisipan ng National Food Authority (NFA) na ibawal muna ang “unlimited rice” na inaalok ng mga fast food chains at ibang kainan sa bansa.
Ayon kay NFA Administrator Lito Banayo, isang problema ngayon ng Pilipinas ang pagkonsumo ng bigas na hindi naman nakakain.
“Kung pwede nga lang payuhan natin ‘yung mga Filipino na magtipid ng pagkonsumo ng kanin. Isa pa itong mga fast foods na nag-aalok ng unlimited rice, sa tingin ko hindi maganda ito dahil hindi natuturuan ang mga tao na magtipid ng bigas,” ani Banayo.
Ginawa ni Banayo ang pahayag sa gitna ng mainit na usapin sa pagsipa ng presyo ng bigas sa bansa dahil sa hindi supisyenteng rice production at du*magdag pa ang pagmahal ng produktong petrolyo.
Sa monitoring ng NFA, piso kada kilo na ng commercial rice ang itinaas noong Marso at posible pa raw itong madagdagan dahil sa serye ng oil price hike.
Kontrolado man daw ang supply ng bigas, apektado ng pagmahal ng krudo ang presyo ng mga pangunahing bilihin kaya nahihila pataas ang presyo ng bigas.