
Originally Posted by
misseksaherada
Sa McDo lagi ko order: Brewed Coffee + pancake + apple pie; Brewed coffee + McCrispy chicken sandwich (without mayo / dressing) + apple pie; brewed/iced coffee + Burger McDo + Chicken Nuggets (minsan may apple pie); brewed/iced coffee + quarter pounder. Kapag tatambay na may mahabang kwentuhan, tsaka lang mag shake shake fries or large plain fries (hindi ako nagke-ketchup), minsan coffee float, or sundae.
Sa Jollibee, Champ (without mayo / dressing), burger steak meals nila lalo na yung makasalanan na ultimate burger steak with egg, palabok, jolly hotdog, jolly spaghetti, peach mango pie, kapag breakfast meal order ko yung corned beef (hindi kasi kami nagku-corned beef sa bahay) plus hot choco (masarap hot choco ng Jollibee, ang coffee nila hindi matapang). Minsan lang ako na order ng jolly chicken joy kapag nag-crave lang talaga.. Once or thrice a year, kasama na dyan kapag may libre sa office..
Walang itulak+kabigin sakin ang McDo and Jollibee sa food.. Pero kung dine in, mas pipiliin ko ang McDo.. Wala akong reklamo talaga sa maintenance ng McDo.. Consistent sa lahat ng branches na nakakainan ko.. Laging malinis at maayos, wala ako nakikitang pinababayaan na nanlilimahid na sahig.. Sa Jollibee yan ang lagi ko napupuna, may branch na talaga naman ang poor sa maintenance.. Napansin ko din sa McDo laging disposable kahit dine in.. Sa Jollibee, ang labo ng baso nila kapag dine in, kaya lagi ko sinasabi na take out ang drinks, nanghihingi na lang din ako disposable spoon and fork..