New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Page 1 of 2 12 LastLast
Results 1 to 10 of 20
  1. Join Date
    May 2005
    Posts
    8,078
    #1
    Suspek bawal iharap sa media



    Bilang pagkilala sa sinasabi ng Konstitusyon na "presumption of innocence" ng mga akusado hangga’t hindi napapatunayang nagkasala, inaprubahan ng House committee on human rights ang panukalang batas na nagbabawal i-display ang mga ito sa publiko lalo na sa pamamagitan ng media.

    Nakapaloob ang panukala sa House Bills 833,3582, 3160 at 3581 na naglalayong proteksiyunan ang karapatan ng mga akusado lalo pa’t sumasailalim pa lamang sa imbestigasyon ang kanilang kaso.

    Ayon kay Akbayan Rep. Loretta Ann Rosales, chair ng komite, masyadong nakakababa ng dignidad ang ginagawang pagdi-display ng mga akusado gayong hindi pa naman siguradong mayroon nga silang kasalanan.

    "Kalimitan, akusado pa lang pero parang siguradong-sigurado na ang pulisya na sila nga ay nagkasala," ani Rosales.

    Sinabi pa ni Rosales na nawawala na ang integridad ng isang tao na itinuturing pa lang na suspek sa sandaling iprisinta sa media kahit hindi pa sila nahahatulan ng korte.

    "The eagerness of law enforcers plus the media hype damage the integrity of the persons accused even before they are proven guilty of their offenses," pahayag ni Rosales.

    Dapat din aniyang maging responsable ang media lalo na sa telebisyon dahil kalimitang nalalabag ang karapatan ng mga akusado.

    Hindi aniya maiiwasang makisimpatiya ang mga viewers sa mga biktima kahit wala pa sa korte ang kaso

  2. Join Date
    Mar 2005
    Posts
    2,019
    #2
    bakit bawal ihaprap sa media?! nahihiya sila?! dahil gumawa sila ng krimen!? BS yun!

  3. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    2,307
    #3
    ok lang sakin iharap sa media, pero kung proven innocent, dapat siguro iharap ulit sa media and sabihin na innocent..
    Got Mazda?-http://www.MAZDAtech.org [SIZE="1"]est. 2000[/SIZE]
    got mazda 2? -> mazda2ners

  4. Join Date
    May 2005
    Posts
    689
    #4
    Quote Originally Posted by baurtwellXUV
    bakit bawal ihaprap sa media?! nahihiya sila?! dahil gumawa sila ng krimen!? BS yun!

    Ginagawa na yan sa Amerika. Mapapansin nyo na bli-nu-blurred nila sa TV ang mukha ng mga akusado (kahit naka-posas na) dahil hindi pa tapos ang court proceedings. Dito lang naman sa Pilipinas ginagawa yung mang-hiya ng kapwa ke inosente ka ke hindi.

    Natatandaan nyo yung panahon ni Mayor ALFREDO LIM, nilalagyan niya ng pinturang "Drug pusher, huwag tularan!" yung bahay ng "pinag-hihinalaang" drug pusher. Hindi lang niya hiniya yung akusado, pati pamilya niya at mga inosenteng bata na nakatira doon hiniya niya rin.

    Natatandaan nyo rin ba yung hawla sa gitna ng kalsada kung saan kinukulong yung mga "jaywalker" at yung megaphone na ginagamit ng mga MMDA para hiyain yung mga nagkakamaling tumawid: "Hoy ikaw babaeng naka-stripes na pula! Oo, ikaw nga! Wala ka bang pinag-aralan at hindi mo alam kung saan ang tamang tawiran?"

    Mga pagano kse ang turing sa mga tao dito sa Pilipinas.

  5. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    14,822
    #5
    I am in favor of that.

    Watch Batman Begins. Lots of real-life lessons to be learned.

  6. Join Date
    May 2005
    Posts
    42
    #6
    Remember Acsa Ramirez? She was presented by the NBI as a suspect when in fact, she was the whistle blower and witness to the scam! Poor lady, PGMA was even there to berate her in public! Worst of all, they never apologize to her after realizing their mistake. Damn Wycoco and PGMA!

  7. Join Date
    Mar 2005
    Posts
    8,837
    #7
    wow, 4 house bills for the accused/suspected offenders! improving hehehe

  8. Join Date
    Oct 2003
    Posts
    2,973
    #8
    how about yung reputation nung person if innocent pala siya? eh di people would think twice before doing any business with that person forever...sira na reputation niya.

  9. Join Date
    Feb 2004
    Posts
    2,421
    #9
    Quote Originally Posted by mazdamazda
    I am in favor of that.

    Watch Batman Begins. Lots of real-life lessons to be learned.

    OT: I agree. Its now who you are underneath. Its what we do that defines us.

  10. Join Date
    Feb 2005
    Posts
    2,849
    #10
    well, seems appropriate lang na wag muna iharap. i'm in favor.

    i had a feeling there was something about Batman here. and i was right. ahahaha :inlove:

Page 1 of 2 12 LastLast
are you guys in favor on  this ???