New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Page 1 of 13 1234511 ... LastLast
Results 1 to 10 of 129
  1. Join Date
    Sep 2011
    Posts
    1,313
    #1
    ito na naman po ako muling humihingi ng tulong sa tsikot .:sweat:

    papa-advise lang po ako sa mga expert at tsikoters loverboy's

    may type ako na girl. gusto ko siya diskartehan kaya lang natatakot ako at hindi ko alam kung paano .

    so ito ang scenario

    nung 1st year high school ako , nag ka crush ako sa isang classmate ko peru hindi niya alam na may crush ako sa kanya , ayun nakatext text ko siya at dahil sa kanya natuto ako lagyan ng sim ang akin cellphone , pero may bestfriend siya simula daw nung elementary at ayun di nagtagal naging sila ,at parang nalungkot ako at ayun ata yung sign na may gusto pala ako sa kanya , pero simula nun hindi ko na siya tinetext at gaano pinapansin kasi may kasintahan na nga siya , peru Nung 3rd year kami nag ka gusto din ako sa isang classmate namin at barkada pa ni GIRL yun peru hindi naman naging kami ,at ng nag 3rd year hs na kami nag break sila palagi ng bf niya peru nag kaka-balikan din palagi away bati at hanggang maka graduate kami palagi na nga ganun ang relationship status nila, akala ko nga mag kaka pag asa na nga ako, wow mali pala , at lumipas ang high school year namin at hanggang maka graduate na kami hindi ko na siya ganun ka kibuan ,at nag kaka usap lang kami tuwing mag kaka group kami sa project or group work lang.

    ngayun sa manila na nag college si classmate GIRL, Pero nung nag college nag break na sila ng tuluyan ng bf niya , nabalitaan ko nga kasi hindi pa man sila kakilala ko na yung boyfriend niya .

    yung batch namin ng hs buo pa din, (hs tropa ), kahit college na madalas pa rin mag kakasama at tuwing my birthday ang bawat isa samin nag kita kita padin , tuwing sembreak or summer vacation umuuwi nga sila classmate GIRL madalas namin sila nakasama sa libot at outing tuwing summer, at ganun pa din kami ni classmate GIRL hindi ka close gaano parang mag kakilala lang kami talaga, peru parang nag tatagal na TL ata talaga ako kay classmate GIRL peru hindi parin ako papahalata..

    ngayon 2nd year college kami , kahit sa manila nag aaral madalas umuuwi si classmate GIRL dito tuwing kapag long week end or end of the month ,tapos tuwing uwi nila meet up palagi ang hs tropa sa school namin at lunch palagi at kung may free time naman na mapupunta na sa gala yun ,ngayon 2nd year medyo medyo nag pa feeling close na ko ke classmate GIRL, tuwing uuwi kasi sila nag tetext siya kung available time namin para mag luch or mag gala , at kapag aabutin ang gabi hinahatid ko siya sa bahay kahit hindi on the way, peru syempre parang wala meaning yun , parang nag papaka gentleman effect lang ako.

    kagabi nga nag meet up ulit ang hs tropa kasi may celebration ang isang tropa namin ,at hindi ko ine-expect nakasama nga namin ulit si classmate GIRL ayun inaya ko nga sila mag road trip at mag dinner ,hinatid pa namin siya sa bahay nila at ayun nag chat ako sa kanya na nag pa thank you ako sa tissue na hiningi ko kasi di ko mapiglan yung moisture sa winshield at sabi niya na parang yun lang at nag thanks din siya pag hatid sa kanya, at ayun naka kwentuhan ko nga na , Napaka kaskasero ko parin daw mag maneho , humihingi naman ako ng pasensha hehe . sa isip isip ko uy after 6 years ngayun ko lang ito naka chat/txt ulit ng ganito

    True Love talaga ang nararamdaman ko kay GIRL at sana kung mabibigyan ako ng pag kakataon gusto ko ligawan si GIRL kaya lang syempre bago ang lahat dapat mauna muna ang pag build ng friendship. Kaya lang ang problema di ko alam kung saan sisimulan at kung paano ?, kasi diba nga hindi kami close at parang mag kakilala lang kami ni girl ,Baka kasi mag manibago at mag taka yun sakin na nakikipag close or friendly effect ako sa kanya,

    sisimulan ko muna sa 1st step , paano ko kaya sisimulan i build ang friendship na hindi siya mag tataka o maninibago ? ,para kung sakali hindi siya mailang sa akin (-:

    sa itsura, hindi naman ako ka gwapuhan ,peru hindi naman din panget , sa postura ng muka, kamuka ko daw si randy orton ng wwe hehe .
    Last edited by jrn29; August 26th, 2013 at 12:08 AM.

  2. Join Date
    May 2010
    Posts
    2,836
    #2
    bata ka pa, mag aral ka muna't piliting makapag tapos. Libog lang yan.

  3. Join Date
    Feb 2013
    Posts
    487
    #3
    Paps, marami pang darating na babae, kapag stable ka na sa trabaho dun mo mas maenjoy ang pagkabinata. Kung ligawan mo yan ngayun aand maging kayo, then di naman kayo nagkatuluyan in the end, sisihin mo lang sarili mo na nag stick ka sa isang babae at di mo na enjoy buhay mo sa pang titsiks.

    Aral ka lang muna, darating rin ang time para sa mga tsika babes.

  4. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    40,095
    #4
    Tulong ka na....


    Sent from my iPad using Tapatalk 2
    #retzing

  5. Join Date
    Nov 2010
    Posts
    24,763
    #5
    Quote Originally Posted by shadow View Post
    Tulong ka na....


    Sent from my iPad using Tapatalk 2
    #retzing

    nabuyoy ka at shadow?

    baka what you mean is matulog na siya at puyat lang yan? hehehe


    *jrn29: for me okay lang magka-Gf kahit college pa lang basta huwag llang super seryoso na kasal na pinag-uusapan niyo ha. It is still better to test the field ika nga and since may tama ka kay Girl, ligawan mo na kahit may BF pa (tutal hindi pa kasal, puwede pa yan, babastedin ka lang naman if aayw talaga diba).

    Huwag na patumpik-tumpik pa, ikuwento mo na matagal mo na siyang crush at gusto mo na manligaw ngayon. Where to start? Padalhan mo bulaklak. Kapag nagtanong bago ka na mag-kumpisal.

    Sent from my Lenovo using Tapatalk
    Last edited by Ry_Tower; August 26th, 2013 at 10:45 AM.

  6. Join Date
    Nov 2007
    Posts
    2,566
    #6
    ang kahinaan ng babae ay ang kanyang tiyan..


    alam mo na siguro ibig sabihin nyan

  7. Join Date
    Feb 2013
    Posts
    487
    #7
    Quote Originally Posted by jansky View Post
    ang kahinaan ng babae ay ang kanyang tiyan..


    alam mo na siguro ibig sabihin nyan
    Patalsikan sa tyan? HUwahahaha!

  8. Join Date
    May 2011
    Posts
    1,114
    #8
    TL= Tulo Laway

  9. Join Date
    May 2010
    Posts
    2,836
    #9
    Quote Originally Posted by jansky View Post
    ang kahinaan ng babae ay ang kanyang tiyan..


    alam mo na siguro ibig sabihin nyan

    Oo, tama. Sikamuraan mo siya, TS.

  10. Join Date
    Sep 2003
    Posts
    21,384
    #10
    anong friendship friendship........

    ligawan mo na. dalawin mo, dala ka j.co.
    baka maunahan ka pa ng magma-manok.
    Last edited by chua_riwap; August 26th, 2013 at 04:36 PM.

Page 1 of 13 1234511 ... LastLast

Tags for this Thread

TL ako sa kanya  :c