New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Page 1 of 2 12 LastLast
Results 1 to 20 of 26
  1. Join Date
    May 2012
    Posts
    27
    #1
    Good day mga sirs, kailangan ko lang po ng advice niyo, may nagawa po kasi ako kasalanan sa daddy ko po. bali ganito po nangyari:

    Pinagagamit po saakin ni daddy ung auto na binili niya para pang service po sa college. Bali 3 Weeks old palang po ung kotse na pinapaggamit saakin. Then kanina lang po, pauwi ako ng bahay galing sa school, aksidente po na sumabit ung kotse sa isang road divider. Hindi ko po natancha ung paliko kaya sumabit po. Medyo malaki po ung naging damage nung auto kasi ung isang pinto po sa passenger side e nagasgasan po. Hindi ko pa po nasasabe pa sa kanya kasi nasa work pa and hindi ko din po alam ung sasabihin ko po dahil malaki ung tiwala niya sakin sa pagmamaneho kaya pinapagamit niya saakin ung kotse po kahit na bago pa po. Ano po ba dapat ung sabihin ko po? Kasi sobrang kinakabahan at natatakot po ako sa nangyari kanina. Thank you po.

  2. Join Date
    Mar 2009
    Posts
    21,667
    #2
    Sabihin mo na-hit & run ka. Tapos magimbento ka ng lugar na walang CCTV para wala na siyang habol.

    But then again, in the end.. like the popular saying goes "the truth will set you free..."

    Alam ko alam naman ng tatay mo na mababangga at mababangga ka eventually. It's normal. I guess he'd understand, although hinde ko alam kung paano ugali niya.

    Malamang sa malamang kung mabait naman yan sasabihin niya "ok lang yan anak, ipagawa mo nalang..." Then you charge it to experience. Mag-ingat parati.

    Kung kunsintidor erpats mo, siya magpapagawa niyan.

    Kung strict talaga, malamang wala ka nang kotse. Pero ayun nga, if you gain his trust malamang maibabalik mo sa iyong pagaari yung kotse. You just learned a lesson through a hard way.

  3. Join Date
    Aug 2009
    Posts
    1,956
    #3
    aminin mo TS. Hindi mo naman ginusto na magasgasan eh.

  4. Join Date
    May 2012
    Posts
    27
    #4
    Thank you po sir renzo sa response, mahirap po kasi na magsinungaling lalo na malaki ung tiwala sakin. Gusto ko naman po sabihin ung totoo na nangyari kaya lang ikinatatakot ko lang po na baka hindi na niya pagamit saakin. Sana'y naman po ako mag commute kaya lang ginagamit ko ung auto pag medyo tagilid ung schedule ko po sa school. Sa tingin ko po baka hindi na paggamit saakin since bago pa lang po ung auto e nagasgasan ko na agad, what if po sa darating na mga araw, baka ganun po kasi isipin ni daddy, gusto ko lang po na hindi niya un isipin. Kaya hindi ko po alam ung sasabihin ko pag nalaman niya po.

  5. Join Date
    Oct 2010
    Posts
    249
    #5
    Sabihin mo na lang yung totoo
    Offer to pay kung afford mo, if not, offer something to help "pay" for the damage. do more chores etc.. bahala ka.

    Lahat naman eventually magagasgasan kahit bagong-bago pa, hinde mo naman ni Vroomvroom yan siguro so hinde ka naman papagalitan ng masyado.

  6. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    21,433
    #6
    Matagal naman na sigurong nagda-drive tatay mo. Dapat maintindihan nyang aksidente lang yan at hindi mo kagustuhan. Ang importante, hindi ka nasaktan o napano.

  7. Join Date
    Apr 2010
    Posts
    634
    #7
    tama sabihin mo na yung totoo para hindi mawala ang tiwala sa yo ng tatay mo saka pwede mo naman yang i charge sa insurance

  8. Join Date
    May 2012
    Posts
    27
    #8
    Quote Originally Posted by iceblueyes View Post
    Sabihin mo na lang yung totoo
    Offer to pay kung afford mo, if not, offer something to help "pay" for the damage. do more chores etc.. bahala ka.

    Lahat naman eventually magagasgasan kahit bagong-bago pa, hinde mo naman ni Vroomvroom yan siguro so hinde ka naman papagalitan ng masyado.
    Hindi naman po ako nagVroomVroom pa nagddrive kasi isa po sa mga natutunan ko sa pag babasa dito is hindi kailangan mag yabang pag nasa kalye. Nasobrahan lang po talaga ako sa kabig ng manibela kanina dahil nadin may motor po sa harap ko nun. Wala naman din po ako malaki pera para ipagawa ung damage na nagawa ko po. kaya di ko pa po alam pano gagawin sa damage. salamat po sa inyo mga kuya.

  9. Join Date
    Mar 2009
    Posts
    21,667
    #9
    Brand new ba ung kotse? Baka naman may insurance yan 3k lang naman babayaran mo for participation

  10. #10
    pay the participation fee nalang bro below 5k siguro yan.. sabihin mo nalang sa erpats mo bawasan yung allowance mo

    btw i think natural reaction talaga ng magulang ang magalit/mainis kapag nakakaalam ng ganyan.. sympre bago oto tska for sure sila rin magbabayad nun hehe

  11. Join Date
    Aug 2009
    Posts
    1,956
    #11
    mahirap mag sinungaling kahit scripted pa yung mga dialogue tapos in the end malalamn din ng tatay mo lalo lang mawawalan ng trust sayo tatay mo.

  12. Join Date
    Oct 2005
    Posts
    5,465
    #12
    Aminin mo na lang paps. Ang deductible naman ng insurance is more or less around 5K. Charge it to experience na lang. Btw, if Pioneer ang insurance ng car nyo. Ang 1st claim nyan ay free (at least ganun sa Accent ko, pati yung offer nila upon renewal). Coordinate with your car insurance liaison officer on how to claim a repair.

  13. Join Date
    Jul 2009
    Posts
    10,310
    #13
    as a parent ang pinaka ayaw ko eh yung magsisinungaling sa akin ang mga anak ko, di mo naman ginusto nangyari, wala kang masamang intensyon. Offer to pay na lang for the damages, importante you learned the lesson.

  14. Join Date
    May 2006
    Posts
    1,620
    #14
    aminin mo na lang TS. kung magalit man erpats mo, sa una lang yon. saka baka magpasalamat pa yon kasi di ikaw ang napahamak kundi yung auto lang. di mo naman ginusto yung nangyari.

  15. Join Date
    Mar 2004
    Posts
    434
    #15
    wag matakot. tell the truth. accident yan. your father WILL understand.

    may possibility of sermon etc. but, kasama yun. lying will not get you anywhere.

  16. Join Date
    May 2012
    Posts
    27
    #16
    Salamat po sa mga reply niyo po. Opo bago po ung auto. Sinabi ko na po kaninang umaga ung totoong nangyari. Hindi naman po nagalit o nasermonan ng sobra. But then ayaw pa po makita ng daddy ko ung current condition nung car, tinanung lang po ako kung gaano kalaki ung naging damage sa auto. Hindi naman din po sinabi kung banned po ba ko sa paggamit pero nararamdaman ko po na baka di muna saakin paggamit ung auto for couple of weeks po. Tanung ko lang po kung sakaling mag claim po kami sa insurance hindi po ba matagal kung sila magpapagawa? May bad experience po kasi ung tita ko nung nag claim po siya sa insurance kaya medyo napapaisip po si daddy kung magcclaim po ba kami sa insurance.

  17. Join Date
    Oct 2009
    Posts
    473
    #17
    Own damage naman ang claim mo. Get a copy of the insurance policy and contact the insurance company. If dealer /casa ang nagrcommend ng insurance company, most of the time casa na rin magrerepair niyan. If you are lucky, baka sila ng lahat magaasikaso nung damage. You'll just bring the car pagmay schedule na ng paint job.

  18. Join Date
    Jul 2003
    Posts
    2,267
    #18
    kung totoong napasobra lang ang kabig mo kaya napasabit yung kotse, napakadali ng problema mo.

    sabihin mo lang yung totoo. ang mahalaga hindi ka nasaktan at wala ka din nadisgrasya.

    kung nakainom ka tapos naaksidente, yun ang problema.

  19. Join Date
    Mar 2010
    Posts
    2,209
    #19
    good job TS! buti sinabi mo yung totoo. mahirap kung nagsinungaling ka. di ka makakatingin sa mata ng daddy mo ng diretso.

    commute ka muna. pag nakita nya na hirap ka, sya na mismo magsasabi sayo na dalhin mo na yung oto.

  20. Join Date
    Feb 2011
    Posts
    1,442
    #20
    malamang pag napagawa na yan, sa kapatid mo na ipagmit ang oto

Page 1 of 2 12 LastLast

Tags for this Thread

Mga sir need ko lang po ng advise