New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Page 1 of 3 123 LastLast
Results 1 to 10 of 26
  1. Join Date
    May 2012
    Posts
    27
    #1
    Good day mga sirs, kailangan ko lang po ng advice niyo, may nagawa po kasi ako kasalanan sa daddy ko po. bali ganito po nangyari:

    Pinagagamit po saakin ni daddy ung auto na binili niya para pang service po sa college. Bali 3 Weeks old palang po ung kotse na pinapaggamit saakin. Then kanina lang po, pauwi ako ng bahay galing sa school, aksidente po na sumabit ung kotse sa isang road divider. Hindi ko po natancha ung paliko kaya sumabit po. Medyo malaki po ung naging damage nung auto kasi ung isang pinto po sa passenger side e nagasgasan po. Hindi ko pa po nasasabe pa sa kanya kasi nasa work pa and hindi ko din po alam ung sasabihin ko po dahil malaki ung tiwala niya sakin sa pagmamaneho kaya pinapagamit niya saakin ung kotse po kahit na bago pa po. Ano po ba dapat ung sabihin ko po? Kasi sobrang kinakabahan at natatakot po ako sa nangyari kanina. Thank you po.

  2. Join Date
    Mar 2009
    Posts
    21,667
    #2
    Sabihin mo na-hit & run ka. Tapos magimbento ka ng lugar na walang CCTV para wala na siyang habol.

    But then again, in the end.. like the popular saying goes "the truth will set you free..."

    Alam ko alam naman ng tatay mo na mababangga at mababangga ka eventually. It's normal. I guess he'd understand, although hinde ko alam kung paano ugali niya.

    Malamang sa malamang kung mabait naman yan sasabihin niya "ok lang yan anak, ipagawa mo nalang..." Then you charge it to experience. Mag-ingat parati.

    Kung kunsintidor erpats mo, siya magpapagawa niyan.

    Kung strict talaga, malamang wala ka nang kotse. Pero ayun nga, if you gain his trust malamang maibabalik mo sa iyong pagaari yung kotse. You just learned a lesson through a hard way.

  3. Join Date
    Aug 2009
    Posts
    1,956
    #3
    aminin mo TS. Hindi mo naman ginusto na magasgasan eh.

  4. Join Date
    May 2012
    Posts
    27
    #4
    Thank you po sir renzo sa response, mahirap po kasi na magsinungaling lalo na malaki ung tiwala sakin. Gusto ko naman po sabihin ung totoo na nangyari kaya lang ikinatatakot ko lang po na baka hindi na niya pagamit saakin. Sana'y naman po ako mag commute kaya lang ginagamit ko ung auto pag medyo tagilid ung schedule ko po sa school. Sa tingin ko po baka hindi na paggamit saakin since bago pa lang po ung auto e nagasgasan ko na agad, what if po sa darating na mga araw, baka ganun po kasi isipin ni daddy, gusto ko lang po na hindi niya un isipin. Kaya hindi ko po alam ung sasabihin ko pag nalaman niya po.

  5. Join Date
    Oct 2010
    Posts
    249
    #5
    Sabihin mo na lang yung totoo
    Offer to pay kung afford mo, if not, offer something to help "pay" for the damage. do more chores etc.. bahala ka.

    Lahat naman eventually magagasgasan kahit bagong-bago pa, hinde mo naman ni Vroomvroom yan siguro so hinde ka naman papagalitan ng masyado.

  6. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    21,250
    #6
    Matagal naman na sigurong nagda-drive tatay mo. Dapat maintindihan nyang aksidente lang yan at hindi mo kagustuhan. Ang importante, hindi ka nasaktan o napano.

  7. Join Date
    Apr 2010
    Posts
    634
    #7
    tama sabihin mo na yung totoo para hindi mawala ang tiwala sa yo ng tatay mo saka pwede mo naman yang i charge sa insurance

  8. Join Date
    May 2012
    Posts
    27
    #8
    Quote Originally Posted by iceblueyes View Post
    Sabihin mo na lang yung totoo
    Offer to pay kung afford mo, if not, offer something to help "pay" for the damage. do more chores etc.. bahala ka.

    Lahat naman eventually magagasgasan kahit bagong-bago pa, hinde mo naman ni Vroomvroom yan siguro so hinde ka naman papagalitan ng masyado.
    Hindi naman po ako nagVroomVroom pa nagddrive kasi isa po sa mga natutunan ko sa pag babasa dito is hindi kailangan mag yabang pag nasa kalye. Nasobrahan lang po talaga ako sa kabig ng manibela kanina dahil nadin may motor po sa harap ko nun. Wala naman din po ako malaki pera para ipagawa ung damage na nagawa ko po. kaya di ko pa po alam pano gagawin sa damage. salamat po sa inyo mga kuya.

  9. Join Date
    Mar 2009
    Posts
    21,667
    #9
    Brand new ba ung kotse? Baka naman may insurance yan 3k lang naman babayaran mo for participation

  10. #10
    pay the participation fee nalang bro below 5k siguro yan.. sabihin mo nalang sa erpats mo bawasan yung allowance mo

    btw i think natural reaction talaga ng magulang ang magalit/mainis kapag nakakaalam ng ganyan.. sympre bago oto tska for sure sila rin magbabayad nun hehe

Page 1 of 3 123 LastLast

Tags for this Thread

Mga sir need ko lang po ng advise