New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Page 2 of 7 FirstFirst 123456 ... LastLast
Results 11 to 20 of 70
  1. Join Date
    Mar 2010
    Posts
    3,823
    #11
    ok lang naman sana sa akin na di mag bayad pero sana naman kausapin ako di yung parang walang ng yari. alam mo yon yung simpleng pasensya na di ko pa kita kayang bayaran or pasensya na pero baka pwede hulughulugan ko na lang. kaso wala talaga. yung 1-5k na inuutang niya ok lang naman sa akin kahit di bayaran kahit halos every other week siya humihiram non para sa akin parang tulong ko na lang yon sa kanya. pero 40k kasi ibang storya na talaga yon, di pwedeng parang walang ng yari, sa akin lang naman kahit di niya ma bayaran simpleng pasensya na ok na sa akin para lang di mawala respeto ko sa kanya.

    Quote Originally Posted by cast_no_shadow View Post
    Mahirap nga yan bro, parang bigay na din kasi pag ganyan.
    if i may ask bakit hindi alam ng wife mo na nangungutang pala sayo mother niya?
    May arrangement ba kayo ng in-laws mo na hindi ipaalam sa wife mo?
    ikaw ba may ayaw or mother niya may ayaw ipaalam na nangungutang siya sayo?..

    or better wag mo na singilin, for sure hindi na makakaulit yan since magdadalawang isip na siya kasi may utang pa siya sayo.
    ayaw niya pa alam sa wife ko kasi alam niya di papayag wife ko

    yes nung unang humiram sa akin sabi niya baka daw pwede wag na ipaalam sa wife ko kasi magagalit sa kanya kaya ever since non parang naging understanding na namin na pag humiram siya wag na ipaalam sa asawa ko

    mabait naman mother in law ko kaya hirap din singilin ayaw ko mag karon kami ng samaan ng loob, yon nga lang sa akin eh bakit naman ganon diba madali naman ako kausap. isang lapit lang niya sa akin binibigay ko agad sa kanya kung ano kelangan niya kaya sana naman wag yung parang walang ng yari.

  2. Join Date
    Jun 2011
    Posts
    4,513
    #12
    sakin naman pag nanghihiram ang byenan ko....

    hindi ko na inaasahan na magbabayad pa... tulong nalang yun.... kaya pag nanghihiram ng pera half lang ang ibibigay ko or any amount na hindi mabigat sa bulsa ko.... kung hindi man sya magbayad........... oki lang

  3. Join Date
    Mar 2012
    Posts
    351
    #13
    Quote Originally Posted by loverlionus View Post
    Malamang i ang magandang 'Christmas gift' na lang yung P 40k mo. Remembrance na lang na huwag na ulit pautangin si mother in law.

    Sa amin naman pag may 'delicate' na interaksyon with in-laws, ang usapan namin, as much as possible, ang haharap ay yung Kamag anak. So ako sa parents ko at siya sa Kanya.
    Yup.. this is always the best set-up... sila pa rin naman magkapamilya..

  4. Join Date
    Dec 2005
    Posts
    39,162
    #14

    I know it is not norm, nor expected from us,- but wifey and myself give money to our parents (both sides) monthly....

    Wala ng utang-utang.... Everything charged to experience na lang...

    18.4K:sun:

  5. Join Date
    Oct 2009
    Posts
    473
    #15
    Hindi naman hiram yun....kung di hingi. Goodluck sa next niyang pangugutang sa inyo. ��

  6. Join Date
    Nov 2009
    Posts
    12,363
    #16
    Quote Originally Posted by foresterx View Post
    ayaw niya pa alam sa wife ko kasi alam niya di papayag wife ko
    Dun aka nadale bro, kaya ka naipit maningil. maganda kasi kung alam ng wife mo may taga singil ka i mean may tao na kaya magsalita ng direct.
    Yup mas magaan sana na hindi ka bayaran pero andyan yun humihingi sayo ng pasensya and hindi nakalimot sa pinahiram mo.

  7. Join Date
    Mar 2012
    Posts
    1,945
    #17
    nakupo.. mahirap na masingil yan unless you let your wife know about it at sya na bahalang dumiskarteng maningil.

    ask ko lang nakapangutang na pala sya before ng 1-5k na walang bayaran, bakit pumayag ka pa rin sa 40k.. emergency ba yun? pampaopera or something.. 40k is a lot of money..

  8. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    15,528
    #18
    Quote Originally Posted by foresterx View Post
    pano ba magandang approach singilin mother in-law ko? humiram kasi sa akin nung november pa ng 40k hangang ngayon di pa din ako nabayaran. dati na humihiram sa akin ng pera at di nag babayad pero ok lang naman since 1-5k lang naman hinihiram niya non pero since 40k ang hiniram ayaw ko naman palagpasin ng ganon ganon na lang. hirap tanggihan at singilin since mother in-law. tapos di pa alam ng wife ko na ng hihiram sa akin nanay niya. ayaw ko naman din sabihin sa wife ko kasi sigurado magagalit yon sa akin at sa nanay niya.
    the best thing you can do there is to talk to your wife.
    kung ano decision nya (kung sisingilin o hindi), would be up to her... ermats nya yun eh.

  9. Join Date
    Nov 2009
    Posts
    12,363
    #19
    Quote Originally Posted by stickers View Post
    nakupo.. mahirap na masingil yan unless you let your wife know about it at sya na bahalang dumiskarteng maningil.

    ask ko lang nakapangutang na pala sya before ng 1-5k na walang bayaran, bakit pumayag ka pa rin sa 40k.. emergency ba yun? pampaopera or something.. 40k is a lot of money..
    Paldo kasi si foresterx!

  10. Join Date
    Sep 2003
    Posts
    21,384
    #20
    kung nahihiya kang magsabi, text mo na lang siya......

Page 2 of 7 FirstFirst 123456 ... LastLast

Tags for this Thread

pano singilin ang mother in-law?