
Originally Posted by
airshaq20
depende sa mag-asawa yan. what works for a couple may not work for everyone. ako kasi ganito, kung ayaw kong gawin ng misis ko, di ko na gagawin - kahit siguro payagan ako, iisipin ko muna kung sya ang gagawa non. kasi pano kung may ladies' night out sila at mag ka kareoke sila? instead na babae ang tine table e lalaki - syempre, most of us, di papayag don. so anong difference non sa ginagawa nating mga lalaki?
like what is mentioned previously - kung may asawa ka na, dapat mag-asal may-asawa ka rin dahil di ka na binata. pano kung may mga anak ka na?
iba ba yung lifestyle mo pag kasama mo sila at pag wala sila sa tabi mo? if thats the case, then you're living a double-life. ako, prinsipiyo ko sa buhay ko, sino man kasama ko, or di ko kasama, dapat kung ano ka, ganon ka lagi - dapat consistent. hindi yung mabait ka pag nandyan asawa mo, anak mo or magulang mo.
you can still have fun when you're married - yun nga lang, di na katulad nung binata tayo - dapat pag may asawa ka na, do something fun with your wife or your whole family.
kung sa tingin natin di mo pa kaya gawin yun - dapat di ka pa nag asawa muna - because frankly, you still have a lot of growing up to do.