What if kung sakaling malalaman mo yung tatay mo eh may anak sa ibang babae ? . or may kapatid ka pala sa ama .
ano gagawin mo ?![]()
What if kung sakaling malalaman mo yung tatay mo eh may anak sa ibang babae ? . or may kapatid ka pala sa ama .
ano gagawin mo ?![]()
Wala lang.....just move on..if i meet my sibling, ill treat him like a normal sibling..
Dapat ba magalit at mag amok?
normal. treat them like the other sibling. your fathers mistake (and the kabit) is not theirs (half sibling/s).
nangyari sa kamag-anak namin ... pinalayas yung ama ... ayun, yung ama nasa 2nd family na nya![]()
Kaya nga sabi ng mga damats.... "Magbayad na lang kayo!!!"
"Kung talagang hindi ninyo mapipigilan,- huwag na huwag bibili ng buong baka,- bumili na lang kayo ng por kilo"
19.8K:sailor:
wala....since we are old enough to handle it.
sa case ko, kakamatay lang ni erpats nung december.
so process namin na yung monthly SSS pension nya is malipat kay ermats.
laking gulat namin na pinadalahan kami ng letter ng SSS... hindi kami or si ermats ang beneficiary.
and yes, may kapatid ako na lalake..... mas matanda sa akin.
how did we take it? wala.... dedma..
maski walang nakuha sa SSS.
ganito case ni misis - second family sila. wala naman problem sa kanilang magkakapatid.
yung nanay lang nya ang di makatanggap.
ang masama eh ginaya nung kapatid ni misis - ayun 2 na rin panganay.
I have a half Brother sa isang canadian and meron ako din na half sister din dito sa pinas.
Ako ang pinakamatanda sa lahat, may kapatid ako na babae. Tinanggap ko sila kasi kapatid ko naman sila eh hindi nila kasalanan. Close ako dun sa half brother ko at sa mommy nya ( tinuring na din nya ako na anak )... natatawa nga sila na kapatid ko yun kasi foreigner eh. hehehehe
Ang masakit yung half sister ko noong pumunta sa bahay namin noong 16yrs old na sya nun gusto lang daw nya makilala ang tatay nya. Maganda ang buhay nila hindi sustento ang habol makilala lang talaga ang tatay niya. Ang masama pinagkaila nang tatay ko at pinalayas nang kapatid ko na babae.
Hinanap ko yun nung nalaman ko sa nanay ko mga 21 yrs old na ako nun dahil hindi naman galit nanay ko dun sa bata naawa pa nga. Nag away kami nang tatay ko sinabihan ko sya bakit nya ginanun wala sya masagot sa akin. Now we have communication nung half sister ko pero until now hindi pa din matanggap nang tunay na kapatid ko na may mga kapatid sya sa labas. Medyo spoiled at masama ang ugali nang kapatid ko.
It happened to me... the first time I met may half brother.. I felt something may lukso ng dugo... then he called may dad.... daddy.. ewan ko bakit masaya ako nung nalaman ko na may kapatid pa pala ako at na meet ko cya.. may half brother is now 13yrs. Old palang...
In the final analysis,- it still is "a choice"...
Hindi puwedeng idahilan mo sa sarili mo, sa pamilya mo at sa ibang tao (just to justify your pathetic situation) na "tao lang ako,- nadadarang at marupok"...
Such is a reflection of the decadence in the society we are all a part of....
19.8K:sailor:
wala. wala na magagawa eh. nakakainis din ng konti may maghahabol e hehe
dapat sa mang inasal sila kumain kasi the more the merrier daw. hehe ang corny
ito po ang situation ko :
nung umuwi kasi si paps dito sa pinas, naki log in siya sa pc ko ,may nakita ako na RED mitsubishi adventure na album so di ko pinapansin peru may hinala na ako, and may nakikita narin ako na mga babae na ka chat niya, peru prang flirt flirt lang .. so pinapabayaan ko lang
and nung last week, nag swap kami ng cellphone tapos may kaunti na naiwanan sa conversation sa cellphone niya dito naka nag medyo nag hinala
at ito ang mga nakalgay
"" ANO GAWA MO ? ANAK MO NAPAKA DOMINANT ...AYAW PALABASIN KALARO ,AYAW DIN PAKAININ"
"JAY-J tingin lang sa ate"
" OO TAWA lang, MAY TUNOG NA HALAKHAK PRINSESA MO , TALAGANG SPOILED " (napaisip din ako dito dalawa kaya sila ?)
tapos may nakita ako na picture, na yung bata nakasakay dun sa adventure na red. at isa pa eh Jay-J yug name nung bata, eh kasi sa pamilya namin puro J kami , until sa mga plate number ng sasakyan namin puro cuztomized ng J ..
and about sa may sustenso hindi naman kami tinitipid, kapag may hiniling bigay din niya, and lahat naman nagiging properties sa mama ko naman niya ipanapapangalan , wala naman ako balak sabihin sa mama ko, unang una wala pa ako sapat na ebidensya and baka hindi kayanin at wala talaga ako balak sabhini hihintayin ko nalang yun g pag kaaktaon na lumbas yung totoo kung meron man dapat ...
BTW, me edad na ko, peru 38 yrs old palang dad ko , bata kasi nag asawa ang parents ko.