New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines



Page 1 of 8 12345 ... LastLast
Results 1 to 10 of 71
  1. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    22,658
    #1
    Ewan ko ba kung bakit parang ang laki ng galit nila kay Cesil (yung hinarana natin). Hindi ko talaga maintindihan. Parati na lang ako hinihiritan na maghanap ako ng iba, hindi kami bagay, at kung ano-ano pa. Kapag kasama ko siya plastikan pa kung mamansin. Tapos kung ano-anong parinig ang ginagawa.

    *LAST SATURDAY LANG NUNG BIRTHDAY NG LOLO KO: Habang naghihintay ako dito sa bahay to fetch her nilapitan ako nung isang pinsan ko. Tinatanong kung kami pa. Sabi ko hindi na. ABA, NATUWA ANG GAGA! Makakahanap daw ako ng iba, ihahahanap pa daw niya ko, achuchuchu. Sabi ko mahal ko pa si Cesil, biglang nanlumo. Ano daw ba nakita ko dun (ano naman pakealam niya, diba?).

    Nung dumating na dito si Cesil, kain kami at tsika sa mga kamag-anak na 'kakampi' (father's side ko). Dumating isa kong pinsan sabay tanong sa akin kung sino kasama ko tonight. Sabi ko si Cesil. Sagot sa akin: "KALA KO BA HINDI NA KAYO, BA'T NANDIYAN PA RIN IYAN!" Kakainis diba?
    Tapos punta kami ni Kumander sa TV room nood ng pelikula ni binoy at regine. Aba paglabas namin nandoon yung isa. Nakangisi, "Tagal niyo, ha. Ano ginagawa niyo diyan?" (sarcastic).

    Bakit kaya may mga taong kontrabida parati? Tahimik naman kaming namumuhay ni Cesil, ha. Hindi naman namin sila pinapakealaman.

    Ano kaya magandang gawin sa mga ito? Kasi sa susunod na gaguhin na naman nila ako, I don't think I can keep it to myself anymore, eh. Makikipagsabayan na ko sa kagaguhan nila.

    Advice naman peeps. Thanks.

    http://docotep.multiply.com/
    Need an Ambulance? We sell Zic Brand Oils and Lubricants. Please PM me.

  2. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    1,478
    #2
    Usap kayo ng pinsan mo ng masinsinan. usap kayo sa harap ng Pajero tapos sabihin mo hintay lang siya may kukunin ka sa loob ng tonka... paandarin mo habang naghihintay siya he he... :twisted:

    *joke

    brutal yun... sundin mo lang yun first sentence sa suggestion ko

  3. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    14
    #3
    Wow...ang hirap naman ng situation mo. Pero kung ako ikaw...kung saan ka masaya doon ka. Kung masaya ka with Cecil...go ahead...huwag mo na lang papansinin yung mga pinsan mo. Talk to your cousins and tell them na you are happy with Cecil and she treats you right and they should treat her with respect.

    Always remember, life is too precious to worry the things you can't change. You only live once...so live life to the fullest.

    --->OTEP's Cousins <--- Otep


    Thats my 2 cents.

  4. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    22,658
    #4
    Kausapin? Sa bagay, hindi ko naman alam kung ano ang ipinuputok ng mga butchi nung mga iyon. Kesyo daw inaander ako ni Cesil, dominating daw siya, etc. If I know insecure lang ang mga iyon dahil malayong mas maganda at mas matalino si Cesil sa kanila.

    Parati nilang pinipilit palabasing masamang babae si Cesil. Kahit ano na lang gawin niya may masamang connotation sa kanila. Ewan ko ba talaga. Sabi naman ng lolo ko (o sige na nga, lolo namin) pabayaan ko na lang mga pinsan ko basta masaya ako at walang nasasagasaan.

    And yes, I am happy with her kaya nga kahit break kami ngayon I'm still doing my best to prove to her that I'm worthy. Para ba kong engot?

    Salamat sa payo Super at Maricar.

    http://docotep.multiply.com/
    Need an Ambulance? We sell Zic Brand Oils and Lubricants. Please PM me.

  5. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    693
    #5
    well... kung ayaw nila sa kanya, ano ba pakialam nila, dba??? kung ayaw nila madala sa matinong usapan, i think you have to push what you really want to happen. kasi parang wala silang respeto kay cecil and your relationship with her.

    why dont you try to find out din kung bakit sila galit doon? baka may valid reason nman sila.. i dont think nman na meron kasi kung meron man, dpat alam mo na un, dba?

    anyway, try to talk to them na lang muna. if everything doesn't work, sakyan mo na lang trip nila, just dont be bastos and rude. gawin mo na lang ung mga hirit na nde ka nila pagbibintangan na nangiinsulto ka pero they know what you really mean. gets?

    nde ba nila naiisip na kung sa kanila gawin yan mababadtrip din sila.....

  6. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    22,658
    #6
    I guess it all started out when I left my former girlfriend for cesil. But that was three years ago!!!

    Gusto nila 'yung dati kasi nauuto-uto nila, eh.

    http://docotep.multiply.com/
    Need an Ambulance? We sell Zic Brand Oils and Lubricants. Please PM me.

  7. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    10,620
    #7
    talagang may ganyan otep, ang maganda pabayaan mo na lang sila tutal bihira mo lang naman sila makasama eh what's important ay masaya ikaw at si kumander let them pag makipag argue ka lalo lang gugulo dapat earn your respect by being civil... tama na ito hindi ko bagay

  8. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    22,658
    #8
    Quote Originally Posted by kimpOy
    talagang may ganyan otep, ang maganda pabayaan mo na lang sila tutal bihira mo lang naman sila makasama eh what's important ay masaya ikaw at si kumander let them pag makipag argue ka lalo lang gugulo dapat earn your respect by being civil... tama na ito hindi ko bagay
    Ana mahirap kasi ser eh PARATI KAMING NAGKIKITA! Dalawang pamilya na lang kasi kami sa mother's side ko na naiwan dito sa Pilipinas, eh. Kaya kami-kami rin ang nagkikita. Bad trip talaga. Pakshet. Buti na lang masaya sa father's side ko. Puro kwela ang tao.

    http://docotep.multiply.com/
    Need an Ambulance? We sell Zic Brand Oils and Lubricants. Please PM me.

  9. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    693
    #9
    ok lang yan. kung gawin nila ulit, sabihin mo na ikaw nman ang makikisama sa gf mo at hindi sila.

  10. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    22,658
    #10
    Quote Originally Posted by daZed chiq
    ok lang yan. kung gawin nila ulit, sabihin mo na ikaw nman ang makikisama sa gf mo at hindi sila.
    I've said that already. Ayaw pa rin talaga tumigil. Hirap talaga maging sikat sa angkan, oo. Hehehe.

    http://docotep.multiply.com/
    Need an Ambulance? We sell Zic Brand Oils and Lubricants. Please PM me.

Page 1 of 8 12345 ... LastLast
Nabibwiset ako sa mga pinsan kong babae...