New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Page 1 of 4 1234 LastLast
Results 1 to 10 of 34
  1. Join Date
    Sep 2003
    Posts
    7,500
    #1
    habang lumalaki kayo ang pinakamagandang sinabi or advised nang inyong ina...

    ako noong 1yr high school nagkaron na ako nang GF at nagpaalam ako na may date ako hehehehe... first time syempre excited dahil kilala din naman nila yung girl at open talaga ako sa nanay ko dahil pinapayagan nya ako.

    Binigyan ako nang pan-date sabay abot sa akin nang condom... ang sabi anak kung hindi ka makatiis gamitin mo eto dahil pagnakabuntis ka palalayasin kita.

    Sabi ko Nay 13 lang po ako and ang sagot sa akin bakit ka nakikipagdate kung 13 ka lang... hahaha tama naman sya eh... kaya hindi ko pinahiya ang nanay ko lagi akong may dalang condom noong bata pa ako.

    Noong papasok ako nang college alam naman nya na hindi ako magaling sa school lagi nga ako may bagsak noong high school at elementary. Ang sabi nya sa akin anak tapusin mo ang college kahit 7 yrs pa suportahan kita... Sa hiya ko tinapos ko nang 3 1/2 yrs. kaso nga lang hindi ganun kagandahan grades ko pero ni minsan hindi ako bumagsak.

    Wala nga nag aakala sa pamilya namin or sa mga nakakilala sa akin noong bata pa ako na maabot ko ang kinalagyan ko ngayon dahil ang alam nila isa akong hamak na bagamundo at walang mararating sa buhay. Aasa na lang sa mga magulang.

    Tama ang nanay ko hindi nasusukat ang kapalaran nang tao sa ginagawa nya ngayon o noong bata pa sya kundi sa mga bagay na matutunan nya sa hinaharap.

  2. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    15,528
    #2
    nakow.... brings back memories....

    nanay ko?

    a) *#$!(*&, bilisan mong damuho ka na grumaduate! laki ng gastos ko sa inyo!!
    b) !*)(*F! Kung di nyo kayang sumunod sa mga patakaran ko dito sa bahay, magsilayas kayo!!!!

    my mom was not demonstrative.... highly strict and disciplinarian. during my elementary days, if my general average goes below what is expected, nagugulpi ako.... maski mataas na... pero nung lumipat ako sa school ni CVT, wala syang magawa.... umuulan ng karet dun eh.

    during college, she wants me to finish my 5 year engineering course in 3.5 years...... nakuha ko ng 4.5 years, nagalit sa akin.

    this could be the reason why I married early..... but forgave her already...... I realized that if kung hindi ganun, lalambot-lambot siguro ako ngayon.

    and yes, my mom-in-law is more demonstrative.... dun lang ako nakatikim ng salitang, "I love you anak...." Things i never heard from my own mom.
    Last edited by 1D4LV; June 28th, 2013 at 02:22 PM.

  3. Join Date
    Sep 2003
    Posts
    7,500
    #3
    siguro kaya hindi ganun nanay ko sa akin dahil ang alam nya na mahina ang ulo ko ( BOBO ) sa tamang salita... grade 4 na ako natutong magbasa at lagi pang may mga bagsak sa grades ko nang elementary... magsisimula nang 1st grading 4 na subject hanggang mawala na lang lahat sa 4th grading... nilalangisan na lang nang nanay ko ang mga teacher para ipasa ako.

    Kaya siguro wala akong drive mag aral dahil laging bida sa usapan ang kapatid ko dahil lagi nya pinagmamalaki yun na sobrang talino at pag ako na ang tinanong lagi nya sinasabi pinagtyatyagaan ko na lang.

    Ang naging masama nito nagkaroon kami nang sibling rivalry nang kapatid ko dahil lagi nya sinasabi paborito ka kasi nang nanay mo... pero hindi naman totoo yun dahil naging mabait at masunurin lang akong anak pagnasa bahay.

    Dahil ni minsan hindi ako nagdala nang gulo sa bahay namin lagi ko tinatapos sa labas.
    Last edited by CLAVEL3699; June 28th, 2013 at 02:24 PM.

  4. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    15,528
    #4
    there is a purpose bro.....
    unfortunately, if we are young and immature, we will not see the purpose.

  5. Join Date
    Sep 2003
    Posts
    7,500
    #5
    Quote Originally Posted by 1D4LV View Post
    there is a purpose bro.....
    unfortunately, if we are young and immature, we will not see the purpose.
    yah tama ka... kung hindi naman ako ginanoon nang nanay ko hindi ko maiisip na magsikap dahil ako mismo ang napahiya sa sarili ko...

    naalala ko nga noong pagkagraduate ko nang college wala ako makuhang trabaho for 5months dahil tatanga-tanga ako... hindi ako marunong magsalita at wala ako confidence sa sarili ko.

    Sabi nang nanay ko kung gusto ko ba daw mag aral ulit, mag master's sabi ko kung pwede ba at tulungan nya ako sa pagbayad. Ipasa ko muna daw yung entrance at pag usapan namin kung nakapasa ako.

    Dahil sa hirap maghanap nang trabaho nagsumikap ako makapasok nang master's after 2months habang nag aaral nakapasok ako bilang high school teacher nang isang chinese school dahil kinuha ako nang isang professor ko dahil nakita nya pagsisikap ko kahit minsan hindi ko alam tinuturo nya.

  6. Join Date
    Oct 2011
    Posts
    26,787
    #6
    Quote Originally Posted by CLAVEL3699 View Post
    habang lumalaki kayo ang pinakamagandang sinabi or advised nang inyong ina...

    ako noong 1yr high school nagkaron na ako nang GF at nagpaalam ako na may date ako hehehehe... first time syempre excited dahil kilala din naman nila yung girl at open talaga ako sa nanay ko dahil pinapayagan nya ako.

    Binigyan ako nang pan-date sabay abot sa akin nang condom... ang sabi anak kung hindi ka makatiis gamitin mo eto dahil pagnakabuntis ka palalayasin kita.

    Sabi ko Nay 13 lang po ako and ang sagot sa akin bakit ka nakikipagdate kung 13 ka lang... hahaha tama naman sya eh... kaya hindi ko pinahiya ang nanay ko lagi akong may dalang condom noong bata pa ako.

    Noong papasok ako nang college alam naman nya na hindi ako magaling sa school lagi nga ako may bagsak noong high school at elementary. Ang sabi nya sa akin anak tapusin mo ang college kahit 7 yrs pa suportahan kita... Sa hiya ko tinapos ko nang 3 1/2 yrs. kaso nga lang hindi ganun kagandahan grades ko pero ni minsan hindi ako bumagsak.

    Wala nga nag aakala sa pamilya namin or sa mga nakakilala sa akin noong bata pa ako na maabot ko ang kinalagyan ko ngayon dahil ang alam nila isa akong hamak na bagamundo at walang mararating sa buhay. Aasa na lang sa mga magulang.

    Tama ang nanay ko hindi nasusukat ang kapalaran nang tao sa ginagawa nya ngayon o noong bata pa sya kundi sa mga bagay na matutunan nya sa hinaharap.

    13yrs old ka pa lang, matulis ka na sir.

  7. Join Date
    Sep 2003
    Posts
    7,500
    #7
    Quote Originally Posted by Retz View Post
    13yrs old ka pa lang, matulis ka na sir.
    daig ako nang anak ko. 10yrs old may GF na.

  8. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    15,528
    #8
    Quote Originally Posted by CLAVEL3699 View Post
    daig ako nang anak ko. 10yrs old may GF na.
    hwag ka na magulat pre.... may pinagmanahan.

  9. Join Date
    Sep 2003
    Posts
    7,500
    #9
    Quote Originally Posted by 1D4LV View Post
    hwag ka na magulat pre.... may pinagmanahan.
    hahaha... hindi talaga... i supported him sa mga regalo nya... ako pa talaga ang bumibili pero may kondisyon hindi nya pababayaan ang grades nya kahit pasang awa wag lang bagsak.

  10. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    15,528
    #10
    Quote Originally Posted by CLAVEL3699 View Post
    hahaha... hindi talaga... i supported him sa mga regalo nya... ako pa talaga ang bumibili pero may kondisyon hindi nya pababayaan ang grades nya kahit pasang awa wag lang bagsak.
    pre, next year yan.... turuan mo na gumamit ng condom yan. hehehehehe. baka mapaagal.... tule na ba?
    anak ko may basic understanding na on condom usage eh.... kailangan na lang ng onti pang orientation tsaka actual application and usage.

    pero ganyan din ako.... may niligawan next year... ako bumibili ng chocolates.... lindt pa.... hehehehehe.
    kaya lang since mga bata pa yan, hindi naman tutuloy yan eh.

Page 1 of 4 1234 LastLast

Tags for this Thread

My nanay...