
Originally Posted by
misseksaherada
Hahahahahaha ok ito ah Sir Ninja.. [emoji23]
Very good [emoji1303]
Yun lang din kasi iniisip ko, wala naman din mapipikot kung di naman papatulan.. Tito ko kasi, kapatid ng mama ko napikot yun.. Sinubukan niya takbuhan yung babae sa Iloilo, nagpunta dito sa bahay.. Iyak siya sa mama ko kasi hindi niya gusto yung babae..
Sabi ng mama ko, "Ang tanda mo na.."
"Bakit mo kasi pinatulan, eh alam mo na"..
Araw-araw kasi siya pinupuntahan nung babae at pinagluluto pa ng pagkain.. Eh meron siya talaga girlfriend nun.. Pero ayun nga nabuntis niya yung hindi niya gusto..
Pinagbigyan ng mama ko.. "O sige mag-stay ka muna dito pero hindi kita kinukunsinte sa ginawa mo.. Dito ka muna para makapag-isip-isip ka.."
Ayun after 1 month, umuwi ng Iloilo pinanagutan niya yung babae na nabuntis niya.. Masaya ba ang Tito ko? Syempre hindi nung una.. Kapag nalasing siya umiiyak siya..
Pero ngayon, naka-pito na silang anak.. [emoji1787][emoji1787][emoji1787] Ok na ba yung Tito ko? Oo naman, wala na siyang episode na umiiyak sya.. And yung naasawa niya na Tita ko ay isang matiisin na babae.. I think natutunan siya mahalin ng Tito ko..
----------
Masama na ba ang tao na tinutulungan mag flirt ang babae sa lalaki na gusto niya.. Kahit alam na balak pikutin yung lalaki? I don't know.. Maybe yes, maybe no.. Bahala na lang sa makakabasa yung tingin nila na intention behind the help..