New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Results 1 to 4 of 4
  1. Join Date
    Nov 2004
    Posts
    505
    #1
    Ang madalas na dumayo rin sa kanya galing pa ng manila/north/south at kung saan saan pa yung nalalakasan sa konsumo ng gas tsaka yung nahihinaan sa hatak o power ng makina. Napakagaling kasi mag tono ng makina, lahat ng aspeto ginagawa, perfect A/F Mixture-adjustment sa kuryente-distributor,contact point, valve clearance, gapping, basta lahat tinotono nya kaya siguradong gaganda hatak at titipid ka sa gas.
    Executive Tuneup talaga!
    At higit sa lahat, mura maninggil! Imagine P450 lang, ang ginawa Kinalas buong carb hanggang huling clip at pyesa, lininis, sinundot mga bara, chek kung lahat working fine etc, binuksan distributor, pati kung ano ano pa sa kuryente, meron pang inadjust na dapat daw 16mm lang para pagbuka 18mm di daw kapusin bigay ng kuryente sa arangkada, basta wholistic tuning talaga!
    Pag testing namin wow parang nawala yung hika ng oto. From cavite to manila laki ng tinipid ko sa gas kaunti yung binaba ng needle ramdam mo talaga!

    Magaling nga yan si Mang Ben, alamat na sya sa Cavite pag dating sa Carb Type. Tanungin ka lang ng sintomas na nararamdaman mo sa oto mo, alam na nya mga possible salarin. More than 50yrs na sya mekaniko, chief mechanic, volkswagen beetle days pa pati nung peace time mekaniko na sya.
    May mga mekaniko sya sa shop, pero sya mismo tumitingin, nag susupervise, puro sunod lang ginagawa nung mga bata nya sya pa din tumitingin mismo sa oto. Ultimo kaliit-liitan na pyesa ng carburador, distributor, etc alam nya kung alin dun ang cause base sa sintomas na sabihin mo. Minsan kalas buong carb to the last clip at pyesa, o kaya buong distributor atbp. ayun kita nya kung ano kulang o sira, kaya pala walang hatak, kaya pala malakas sa gas. syempre pati valve clearance at timing. Chinechek din nya vacuum advancer etc. Hanggang sa kaliit-liitang detalye ng makina. Yung mga nagpunta sa kanya na 10beses na pabalik balik sa ibat ibang mekaniko, alam nya agad kung ano mga suspek at ayun tuwang tuwa yung customer nasolve ang problema. Pati suspension, clutch, overhaul, change engine, lahat ginagawa sa shop nya. Pag nakita nyo at naka-kwentuhan malalaman nyo talagang isa ngang alamat. Makulit pa at kwela kausap. Hehehe.
    Naging chief mechanic pa sya sa taxi company nung kabataan nya, 300+ daw na taxi, nako sakit nga raw sa ulo. Galing na din sya ng toyota at mutsubishi. Basta carb type siguradong nakangiti kang uuwi.

    How to get there:
    Courtesy of sir Radical Duke.
    Pag pasok mo sa Salitran mga 500 meters sa kanan may makikita kang gasoline station lagpasan mo lang ng konti pa mga 20 meters makikita mo yung MANG BEN na sign board.yung shop niya medyo naka elevate sa kalsada. Siguradong andun sya palagi, kung sakaling wala madali tawagin dahil dun nakatira sa shop yun isa nya anak.

  2. Join Date
    Jun 2010
    Posts
    354
    #2
    na try ko na ito si mang ben pero di na ako babalik pa ulit. naayos nila ang power steering pump ko kasi oil seal lang naman. pero yung carburator ng nissan vanette ko di nila naayos. masyadong mayabang si mang ben. sabi niya pa ay patapon,masikip at pangit ang nissan vanette. ang ginawa is nilagyan ng extra spring yun carburator kasi hindi nabalik. tapos some few adjustments and then pag bomba bomba ko ang nangyari naman nalunod daw sa gas. so no choice iniwan yung van. after ng kinabukasan pag balik namin. ok na yung van pag papauwi naman namin biglang 2200rpm tapos hanggang makauwi sa bahay. pag uwi sa bahay biglang baba ang rpm sa normal na 800-900 pero rough ang idling nanginginig. tapos nawala pa ang lamig ng aircon. ipit ang ibang wires pag balik ng upuan. im from laspiñas pa and didnt even solve my problem. lalo pang lumala. dapat una palang hindi na nila inaccept yung vanette ko bago palang ako pumasok para hindi kami nag aksayahan ng panahon kasi sinabi nya pa na sinusuka daw nila ang nissan vanette. damn!. mag aadjust lang ng idle at a/f mixture tinanggal pa ang upuan. pero nung pumunta ako sa ka vanette club ko sinunggkit lang. i think magaling lang sila sa mga kotse.

  3. Join Date
    Aug 2011
    Posts
    17
    #3
    + 1 ako dito kay mang ben, magaling, mabait at mura maningil, sobra, ang dami pang alam, tama nga na specialty siguro nya mitsus, pero walang bakas ng kayabangan si mang ben nung nagpagawa ako, siguro sa paraan ng pagsasalita nya, di rin si mang ben yun tipo ng mekaniko/talyer na walang ibang alam kung di sabihin sayo "palitan mo na ng bago yan..." etc. kay mang ben hindi ka papabilin ng pyesa hanggat alam nyang maayos pa, may malasakit sa auto, hindi katulad sa iba na pera lang ang habol. nagpa check din ako ng brakes sa likod dahil mahina, pagbukas, mali daw pala yun kabit nung lokong mekaniko na pinagpagawaan ko before (magsarado na sana talyer nyo)
    kung carb type auto nyo, lalo na mitsu, recommended ko kay mang ben, tune up, carb, underchassis, brakes, etc.
    (may libre pang kape)

  4. Join Date
    Jan 2012
    Posts
    18
    #4
    ano na po feedback kay mang ben? ayos parin po ba siya? balak ko kasing patingin ang 2e carb ko lalo lumipat na ako dito sa cavite area ang layo ko na kasi sa kamuning..

    mayroon po ba kayong mairekomenda? bandang cavite?

    nakalkal ko pa itong thread na to. eheheh

Alamat ng Mekaniko ng Carb Type na oto. Problem solved guaranteed!