New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Results 1 to 4 of 4
  1. Join Date
    Mar 2009
    Posts
    5
    #1
    Mga Bro ask ko lang yung fuel na unleaded ngayn lahat may halo nang e10 ok lang po ba yun sa koste ko. May car is a 1977 Galant sigma po, ang pagkakaalam ko po kc ung e10 dpat sa fuel injected lang na engine. Pano po yun? D ko rin po kasi pwede lagyan nang premium kc po napugak.hehe ano po kya magandang gawin? Tnx po

  2. Join Date
    Apr 2008
    Posts
    537
    #2
    bro sa ngayon hindi pa naman lahat ng unleaded ngayon ay may halong ethanol or mas kilalang E10 fuel bale inuubos na lang yan ngayon yan ordinary unleaded gasoline para pag dating ng 2010 or 11 ay karamihan na E10 na ang gagamitin.

    sa kaso ng kotse ko kahit naglalagay ako ng E10 sa corolla 2E carb engine ay wala naman naging problema kahit nung ordinary unleaded palang ang nilalagay ko sa kotse ko kahit ngayong palagi ng E10 ang ginagamit ko ay parehas lang ng performance sa pagtakbo at paghatak at isa pa mahigit 1 isang taon ko na itong gamit.

    yung sinasabi mong nag napugak ang 77 galant sigma kapag nalagyan ng premium ay natural lang yan kasi nasanay na ang makina mo sa ordinary unleaded eh...... dati naman nung wala pa tayong unleaded ay premium naman ang ginagamit nating gasolina sa mga makinang de karburador at kasama na ang sigma mo dun tapos yung lumabas naman ang unleaded yan na unti unti nang nagsi palit ng gasolina ang mga nagkokotseng de karburador at ganyan ang unang naging kaso sa makina nila una napugak pero nung inaraw araw na nila ang pag gamit ng unleaded.


    hindi sa sinasabi kong gumamit ka ng E10 para sa sigma mo kasi may na research naman ako na puede rin naman ang E10 sa de karburador..... kaya naman kasi mas recommended itong E10 sa EFI engine.

    kaya naman kasi mas recommended ito sa EFi or fuel injected dahil ang fuel system nito ay wala gaanong rubber na katulad sa fuel system ng de karburador..... sabi ng mga ilang eksperto ang ethanol na meron sa E10 ay isang alcohol based chemical so ibig sabihin very corrosive ito sa mga fuel system na karamihan ay rubber (likewise in carb engine).

    dahil corrosive nga ito rubber hoses ng fuel system sa carb mo puedeng magkaroon ng crack dahil puede itong maging prone sa pamamaga ng gomang hose, puede rin paliitin ang mga passage ng gomang hose na dinadaanan ng fuel at higit sa lahat puede rin magkaroon ng limescale or white rust sa carb mo dahil ang E10 ay may ethanol na mula sa alcohol at ang alcohol ay isa ring water based chemical.

    pero sa kaso naman ng kotse ko dahil lagi akong nagchecheck na nagkaroon ng corrosion ang mga nasabi kong bagay ay wala naman.

  3. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    15,528
    #3
    imho, only the shell and petron's products have E10 blends already. the rest are still selling separate e10 blends.

  4. Join Date
    Dec 2006
    Posts
    273
    #4
    Nikoru, wag kang gumamit ng ethanol-based fuel. Mag premium ka na lang gaya ng Petron XCS na 95 octane. Yung unleaded ay 93 octane at dun nasanay ang car mo. I'd suggest na i-advance mo ng mga 1 or 2 degrees from the original ignition timing mo kasi mataas ang octane rating ng premium.

Unleaded fuel