Nalilito pa din talaga ako dito. Ang impression ko kasi sa torque from when I was in HS ay 'lifting power'. At the time, I just projected it as 'pulling' power pagdating sa engines. Noon, ang mga diesel ay mabagal umarangkada pero malakas bumatak at ang dahilan ko noon ay dahil low HP, high torque. Doon ko din napapaliwanag na pag mas mataas ng malaki ang torque ay mas mahirap pigilan ang pag-arangkada.

Kaso ngayon, ang mga diesel ay malaki na ang binilis sa arangkada. Ano ba ang nangyari? Baka naman kasi HP ang tumaas sa diesel RELATIVE sa torque? Kasi dati nang mataas ang torque ng mga diesel di ba? Pero mabagal sila umarangkada noon?