mga idol, ngpaayos ako ng carburetor sa m2m nung isang araw and nagpalit ng carb. Pinalitan ng 3K yung carb ko. Ngayon naman, nag-tataas-baba ang idle ko sa 500 to 700. Pag nag-aircon 800. Pag nag-ilaw ako, bababa sa 600 or 500.

Medyo nanginginig din yung makina ko. So ang ginawa ko, tinaas ko idle ko ng 800. Kagagaling ko sa labas nito, meaning running temp pa makina ko. So okay na.

Then kanina nung lumabas ako, pumasok ako sa office. Pag start ko, medyo mababa 600, which is normal. Then nag-drive ako. Pagdating ko sa office, gulat ako nung nakita ko nasa 1000 ang idle ko. To think na 3kms lang naman office sa bahay.

Questions ko, bakit kaya ganun, di ko sya matimpla ng sakto lang. Minsan mababa minsan mataas. Then pag naka-idle lang, bakit taas baba yung rpm ko, although difference ng 100 lang naman. And bakit kaya parang nanginginig? Kailangan kaya mag-adjust ako ng hangin (air/fuel)? Pano ba inaadjust ang hangin? yung gumawa kasi sa M2M, habang umaandar makina, tinatakpan lang ng kamay yung carb then papakinggan, saka aadjust hangin. Pano ba optimal setting nito?

More Power. Sana po matulungan nyo ko. Thanks!