Nagpacheck kasi ako dati ng check engine light ko sa casa. Umiilaw kasi pag nag iidle yung koche, sabi nila TPS daw ang problema. Pero di ko pa napapalitan.
So, a month after at di ko parin napapalitan, napansin ko pag naka aircon ako, mahina hatak niya, tapos pag nasa mga 1800-2000rpm na, biglang tataas ng bigla yung rpm to mga 2200-2300rpm siguro..kaya biglang bibilis yung sasakyan kahit steady lang yung tapak ko sa gas..
Dahil kaya sa TPS yung ganun o may iba pang problema yung sasakyan?