New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Results 1 to 10 of 10
  1. Join Date
    Feb 2007
    Posts
    79
    #1
    Good day mga tsikoteers!

    May nabili ako ulit ng nissan lec (94 model carb type) last month. Last week ko lang napansin na yun pang 3rd na sparkplug (from oil filler cap) eh wala na palang nut. meaning di na sya mapipihit para mapalitan. Ano kaya best way? Pwede kaya ito gamitan ng easy out tool? Ayoko muna sana kasi ipatanggal ang head.

    Thanks in advance po!

  2. Join Date
    Jan 2010
    Posts
    47
    #2
    kung thread ba ng sparkplug hole na kalbo ,,baba ang engine for re-threading.

  3. Join Date
    Feb 2007
    Posts
    79
    #3
    Quote Originally Posted by billnomoney View Post
    kung thread ba ng sparkplug hole na kalbo ,,baba ang engine for re-threading.

    Hindi yun thread. Nakakabit pa ang spark plug. Ang problema hindi matanggal kasi wala na yung hex-nut nya so walang way para mapihit at matanggal ang spark plug. Gusto ko sana malaman kung may naka-experience na dito ng ganon.

  4. Join Date
    Jan 2010
    Posts
    47
    #4
    I done this before & it work ,,,pasilsil using plat screw driver or spot welding .

  5. Join Date
    Jul 2009
    Posts
    4,078
    #5
    Patignan mo muna sa machine shop . Humingi ka ng advice kung paano tatangalin ang spark plug sa ganoon kundisyon ano mainam gawin mas alam nila ito . Suggestion ko lang .

  6. Join Date
    Jan 2010
    Posts
    47
    #6
    at baka pag natangal mo na yun spark plug ay ibang problema nakatago ! suprise !

  7. Join Date
    Feb 2007
    Posts
    79
    #7
    Quote Originally Posted by billnomoney View Post
    at baka pag natangal mo na yun spark plug ay ibang problema nakatago ! suprise !
    gaya ng ano? parang kinakabahan ako ah.

  8. Join Date
    Jan 2010
    Posts
    47
    #8
    ako rin !,,, this can be happend if improper tools used or sadya to hide something.

  9. Join Date
    Feb 2007
    Posts
    79
    #9
    ok na ang spark plug. natanggal ko kagabi. natakpan lang pala ng dumi ang hex nut. palibhasa na-stuck ang sasakyan.binabaran ko kasi ng wd-40 tapos yun kinakabitan ng hi-tension wire eh dinikitan ko ng flat na screw driver then pinukpok ko ng dahan dahan until lumubog na nag konit ang screw driver at napihit ko unti unti ang spark plug. inexpect ko na ang mga dumi kaya vinacuum ko muna. pagtanggal ko ng spark plug, dun ko lang narealized na nandun pa din pala ang hex-nut nya. natakpan lang ng napakaraming dumi. . ok na sya ngayon. running smoothly na ulit.

  10. Join Date
    Jan 2010
    Posts
    47
    #10
    drive safely & no phone zone

Sparkplug na natanggalan ng nut