I have a similar problem, although mas worse. Altis 2002 matic. From a coldstart, kelangan ko siyang irevolution ng mga 10 seconds bago siya magmove forward. Pero kapag pa-atras, walang problem. From garahe kasi kelangan ko munang umatras ng konti para makalabas ako ng bahay. Naramdaman ko lang in the past 2 weeks. Normally naman aabante na siya sa konting tapak sa gas.
Ang weird pa, from cold start lang nangyayari yun. Once nabyahe ko na, normal na siya. Kung nakapark siya after, say 3 hours and then gagamitin ko, di ko naman kelangang i-revolution.
Dadalhin ko siya sa mekaniko this Thursday. Aside from transmission (based sa info above), ano pa ba ang kelangan kong ipa-check?