Good day guys, bale newbie lang po ako dito.

Bale heto po ang scenario sa sasakyan ko, kwento ko na po ang lahat para may idea po kayo. (anyway, 2nd hand lang po yung auto ko at yung previous owner, hindi honest, sana karmahin siya.) After ko siya mabili, nung 2nd day ko siya drinive along batasan road, napansin ko na may problema sa temp gauge ko (overheating) so I visited a mechanic sa amin at ang ginawa ay inoverhaul muna yung radiator then check yung thermostat pero bago yun, nakita na nila na bat wala daw thermo switch. So ako, mang-mang at hindi ko alam. so ayun, they check the thermostat at nakita nilang sira na, wala na nga spring eh. So they suggest na wag na ibalik yung thermostat saka yung thermoswitch kasi parehas lang naman daw yun. So after the radiator overhauled, test drive ko and until now, wala na siyang overheating. heto po ang mga tanong ko.


1. Kung i-rerestore ko po ang thermo switch at thermostat, ano po ang changes na ma-eexperience ko once they are restored? As my mechanic said, baka may history daw ng overheating yung sasakyan kaya naka-rekta na siya at tinanggal ang thermoswitch/thermostat. Saka napansin ko, magbabago ba talaga ng FC once they restored? sa ngayon kasi, matakaw siya sa gas kahit kakapalit ko lang ng iridium spark plug.

2. Saan po trusted shop na pwedeng magpa-restored ng thermoswitch at thermostat around quezon city area at magkano po ang possible na aabutin ng repair? Parang hindi kasi kaya ng mechanic ko kasi wala siyang auto-electrician, ayoko naman ng trial at error ang gagawin.

Yun lang po, maraming salamat po in advance sa mga makakasagot ng aking problema. Bale ang auto ko pala is Honda Accord 2000.