New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Results 1 to 7 of 7
  1. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    902
    #1
    guys,

    1. paano ba talaga malalaman kung gumagana ng maayos yung oil pressure gauge?

    yung gen1 pajero ko kasi ganito:

    sa umaga, pag malamig ang makina, tumataas siya ng todo.
    tapos pag medyo umi-init na yung makina, unti-unti syang bumababa hanggang 1/8 ng gauge.
    tapos pag humahataw naman ako, tumataas sya pero hanggang 1/4 lang. never syang umabot ng 1/2.

    ito ba yung tamang galaw ng gauge?

    2. dun naman sa temp gauge, never na umabot sa 1/2 yung gauge. nag-overheat na nga yung makina, as in kumukulo yung tubig, pero yung gauge nasa 1/4 lang.
    tinest naman namin yung wire galing sa sensor (shorted the wires), tumaas naman yung gauge upto red line. bago naman yung sending unit (nakakabit sa cylinder head)

    ano kaya problema dito?

    lubos na nag-aalala,

    bogart

    p.s. ang mga katanungang ito ang bumabagabag sa aking isipan, kasi nabaluktot yung main bearing na humahawak sa crankshaft. di ko alam ang dahilan kung bakit nabaluktot yun.

  2. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    10,942
    #2
    Kasagutan:
    1. Pagmalamig ang makina mas malakas ang pump ng pressure ng langis kasi marami-rami ang kinakailangang langis na ikakalat sa loob ng makina. Above 4 below 8 psi dapat pag bagong andar. Katagalan ng pagtakbo maraming langis na ang nakalat sa makina kaya ito bababa below 4.

    2. Di ko kabisado kasagutan sa tanong mo, hehehe. :mrgreen:

    p.s. Malamang nagoverheat ka dati? O kaya over rev ang engine. impossibleng mabaluktot yan ng di na pwersa ang makina.

  3. Join Date
    Nov 2002
    Posts
    2,059
    #3
    the oil pressure gauge is really like that/ but the temperature guage check mo is ang sender mo is different ang signal ya na send sa meter. as you say 1/2 pa lang pero boiling point na ang tubig baka iba ang tolerance niya so ang signal meaning ang voltage na sinisend niya sa meter reading ng meter is 1/2 palang. senders transmit volage and the meter is the one processing the signal and send out the right reading.

  4. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    5,235
    #4
    bogs:::ganyan talaga ang oil pressure gauge ng gen1. pero there will come a time na mababa na ang pressure reading. this is the time to clean the oil sender unit (use gaas or WD40). kung gusto mong palitan yan eh mayroon kasya na pang Isuzu (medyo mahal P450) pero sulit since 1999 pa yun sa akin. sa caloocan ko nabili. wag kang bibili ng repalcement na P120 ang presyo sandali lang ito. yon temp gauge baliktad ang nangyari sa akin. nasa overheat na pero malamig pa ang makina. bali na lang ako ng surplus P150. actual test ang kailangan sa pagbili ng surplus. bring the vehicle ang install the surplus part kung tama ang reading bayad na. :wink:

  5. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    3,790
    #5
    Bogart,

    Para sa pangalawang tanong mo....dapat ka ngang mabagabag....hindi dapat ganun ang nangyayari.. ang punto ng pagkulo ng tubig ay natala na na masmataas ito dapat sa gitna ng iyung gauge (madalas malapit sa pulang gitla). Sa hindi ko lubos na maisip ang katiyakang sagot, pero malamang merong sira ang sensor o kaya ang gauge ng oto mo kaya ganun ang naoobserbahan mo.

    ito aking haka-haka lamang.

  6. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    902
    #6
    mga katoto,

    dumating na sa punto ang aking kina-ta-takutan! 8O

    binaba ang makina ko!

    bale, yung stabilizer bearing ay natanggal, samantalang yung crankshaft at main bearing ay may "kain". :cry:

    ngayon, nandun na naman sa machine shop. :cry:

    may buyer pa naman na gustong tumingin. :cry:

    malabo na ko dun sa basic offroad ah!

    pagti-tiyagaan ko na lang yung 2002 Ford Ranger 4x4 sa opis. :oops:

  7. Join Date
    Nov 2002
    Posts
    2,059
    #7
    stab bearing or balance shaft bearing. kung may kain see to it before you grind it that there are oversize bearings available for the main and con rod bearings. complete overhaul ang mangyari sa engine mo.

question sa oil pressure gauge & temp gauge