Hi guys,
I'm kinda new here in Tsikot. Gusto ko lang magpatulong sa inyo, I'll be honest wala akong gaanong alam sa mga parts ng car. I just bought my Wigo (1.0 A/T G variant) since kelangan ko ng means of transpo dahil medyo mahirap magbyahe sa current location ko.
Marami akong questions and may mga pics ako to support my questions and para clear sa inyo.
Story:
Dinala ko sa casa yung unit ko for 20km check-up/Parts and change oil (yes ngayon lang ako nag seek ng help kung kelan 20km na haha). Usual total bill ko sa previous check-ups ay ~5-6k lang pero this time umabot ako ng ~9k. Tapos may advise pa sakin na sa next check-up ko na 25km ay may A/C something check-up ng kasama (based sa Warranty Booklet) which would cost me ~8k daw.
Additionally, meron pa silang gustong ipapalit ng air and aircon filter sakin worth ~4k lahat pero hindi ko muna pinapalitan kanina.
So, I computed na ~17-18k ang gagastusin ko sa 25km check-up ng unit ko.
-Check-up/Parts and Change oil = ~5-6k
-A/C check-up = ~8k
-Filters (Air/Aircon) = ~4k
Questions: (Considering na mavovoid ang waranty ko)
1.) Kailangan ba talaga yung A/C check-up (25km) based on Warranty Booklet? If yes, baka pwede sa labas ng casa yun?
2.) Yung Air and aircon filters po ba ay pwede sa labas pagawa?
3.) May mga parts na laging pinapalitan sa unit ko mostly: spark plugs and oil filter. Ganun po ba talaga?
4.) Ano po yun Engine Decarbonize? Recommended po ba sa casa sya ipagawa? Ito kasi yung nagpamahal sakin kanina ng additional 3k.
5.) May mga excess motor oils silang binibigay sakin after maintenance. Pwede ko bang ipunin yung same motor oils and sabihin sa casa na kung pwede ay yun ang gamitin?
----------------------------------
Sorry po kung long post and maraming tanong. Sobrang tanga ko talaga kasi sa ganito.
Salamat po sa mga sasagot at magbibigay ng advise.







Reply With Quote
