mga bossing andito uli ako.

nagpalinis ako kanina ng karburador, kasi may "pagkaburubok" ang minor. yun bang "pupugak pugak" sensya na ha, ito kasi ang mga words na alam ko pag may problem ang idle. kung tama Erratic or Engine hesitation.

so bale nilinis kanina, yung karburador ko malinis naman daw, tapos kinabit na, sa una nai-adjust or tinimpla, ayun parang nag ok naman. pero palibhasa, hapon na naiuwi na namin, pero parang lalong lumitaw ang pagka-erratic nya. yun bang nasa 1st gear ako, tapos syempre dahan dahan lang ang bitaw ng gas pedal, kakadyot kadyot na.

nung bago ko paayos, mababa ang reading ng RPM siguro nasa .5, ang alam ko kasi dapat napalo yun ng almost 1k rpm to 1k rpm mismo.

kapapalit ko lang ng spark plugs, lahat nitong nakaraang lunes, so confident ako na hindi spark plug.

tsaka kapansin pansin ang takaw ng gasolina nya.

mga bossing, ano ba sa palagay nyo ang dapat kong ipatingnan?

suspect ko na rin air cleaner tsaka fuel filter. tapos naiisip ko ring suspect ay distributor at HTW.

wala kasi ako kilalang certified mechanic, dyan lang ako sa tabi tabi, kamag-anak ng aking misis, magaling naman daw.

umuwi ako ngayon na masama loob kasi hindi maganda takbo ng sasakyan namin.